chapter 23: Continuation

4 1 0
                                    

Thea's Pov.

Nandito na ako ngayon sa room namin kung saan kami mag eexam sa last subject namin ngayon.

Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng classroom para hanapin kung nandoon na ba si Charles.

Pag dako ng tingin ko sa gilid sa malapit sa bintana ng classroom ay nakita ko siyang may hawak na notes at nagbabasa.

Wow ha! Study hard lang ang peg!
Kung sabagay, nakakatakot nga naman bumagsak sa subject na ito. Lalo na kung terror pa ang teacher mo.

Ngumiti naman ako habang papunta sa pwesto niya.

Easy easy lang ako ngayon dahil alam kong papasa ako dahil nagreview ako ng bongga haha.

Ginulat ko ng bonggang bongga si Charles. Kaso waepek eh kainis. Haha hayaan niyo next time magugulat na talaga yan hehe.

"Tsk! What are you doing stupid?" Inis na tanong niya.

"Hehe wala ginulat lang kita." Nakangiti kong sagot sakanya.

"And do you think na magugulat mo ko huh!?" Sagot niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Hehe. Bakit ba kasi ang hirap mong gulatin eh. " sagot ko.

"Nga pala ano iyang binabasa mo?" Dugtong ko.

Tumingin siya sakin ng akala mo eh nagtataka sa tinanong ko.

"Are you serious?" Nakakunot niyang tanong.

"Oo naman bakit mukha ba akong nagbibiro? Tsaka tinatanong ko lang naman kung ano iyang binabasa mo eh!" Sagot ko.

Hay naku si Charles talaga oh. Simpleng tanong lang ba naman ang tinanong ko hindi pa nasagot.

Tsk! Sino kaya ang stupid samin ngayon?

"I read my notes. So can you please be quiet? Nagrereview ako kaya ikaw magreview ka na lang din diyan" inis na sagot niya.

May PMS ba yo ngayon? Daig pa kasi babae sa kasungitan ehh.

Nagtatanong lang naman eh. Hmm bahala na nga siya.

"Tse!! Mr.Sungit!!" Sigaw ko sakanya sabay upo sa upuan ko in the left side of his chair.

"Tsk! Stupid!" Dinig kong sabi niya.

Maya-maya dumating na si Mrs. Cabanalan.

Nagsiayos na kami ng upo na parang matitinong estudiyante haha takot lang namin diyan.

"Ok Good morning class."

"Good morning Ma'am."

Nagpamigay na si Mrs.Cabanalan sa amin ng mga exam papers .

"What??" Bigla kong sigaw ng makita ko ang exam paper ko.

0_0<---ganyan ang itsura ko nang makita ko ang test paper.

"Why Ms.Chon? Do you have a problem Ms.?" Mataeay na tanung ni Mrs. Cabanalan sa akin.

Napatikom naman ako ng bibig at umiling na lang sakanya bilang pagsagot ko.

Huhuhuhu what am I gonna do?

Paano na ko makakapasa neto?

Alam niyo ba 'yung feeling na nagreview ka ng nagreview para maging handa ka sa exam, tapos magugulat ka na lang pagkakita mo sa exam wala lahat ng nireview mo?

Huhuhu nakakaiyak. Paano na ko neto? Kainis naman itong Cabanalan na 'to oh dapat KAINISAN ang apelyido neto eh sorry for the word. dala lang ng bugso ng damdamin.

I HATE YOU BUT I LOVE YOU..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon