Chapter 3:

35 0 0
                                    

Pagkatapos kumain ay ipinagtanong ko sa mga katulong kung nasaan na ang antipatikong si Andres.

Nasa garahe daw ito at hinahanda ang sasakyan para sa pagpunta nya sa taniman.

Hindi pa rin nakakauwi sila Nana Luna at Tata Pepe kaya wala na siyang ibang pwedeng makasabay doon kundi ang hambog na lalaki.

Dali-dali syang pumunta sa garahe at nakita niya ngang naglilinis ito ng sasakyan.

Naalala na naman nya ang kabustusan nito sa kusina kaya walang babalang kinompronta niya ito.

"Didn't your parents teach how to respect?", pauna nya rito ng makalapit. Nag-angat ito ng paningin ng marinig siyang magsalita.

Hindi niya alam kung paano ito kakausapin kaya iyon ang una niyang nasabi pagpasok sa garahe. Nakita naman niyang naningkit ang mga mata nito sa tanong niya.

"Mawalang-galang na po, Senyorita, pero sino ba sa atin ang hindi marunong umunawa ng salitang paggalang? Kung maaalala nyo po kayo ang unang hindi nagbigay-galang kay Bea kanina."


Nakaramdam siya ng pagkainis ng ipinagtanggol pa nito ang katulong.

"At huwag niyo pong isali dito ang mga magulang ko", dagdag nito.


Ipinagpatuloy lang nito ang paglilinis ng kotse na parang balewala lang siya.

Napaawang ang bibig niya.

"Napaka-antipatiko mo talaga!", galit na pahayag niya dito. Ngayon lang sya nakakita ng trabahador na wagas makasagot sa amo nito. " Ano bang pinagmamalaki mo? At huwag mo akong pinapangaralan kung paano ko itrato ang mga katulong dito!"

Tikom ang bibig na tinapos na nito ang pagpupunas ng kotse at mahinang sumagot.

"Oho."

Alam niyang nagpipigil lang ito ng galit dahil kahit papaano ay anak pa rin sya ng amo nito.

Nakaramdam siya ng saya na nakapuntos na sya dito mula sa pag-iinsulto kanina.

"Bilisan mo na diyan para maaga tayong makalakad at ayaw kong mabilad ng matagal sa araw", dumiretso na siya sa pagpasok sa backseat.

Pero bago pa niya maisara ang ang pinto ng kotse ay narinig pa nya ang mahinang bulong nito.

" Eh, nagsuot ba naman ng ganyan malamang mabilad ka talaga sa araw", at nakakalokong tumingin sa kanya.

Pinamumulahang pinagbagsakan nya ito ng pinto.

What's wrong with my outfit? Naka-short shorts sya at racerback sando. What's wrong with that? Palibhasa, probinsyano. Hmmmp!

Tiningnan nya ito ng masama ng makasakay sa driver's seat.

Pinag-aralan niya ang itsura ito habang nagmamaneho. Mas malinaw na sa kanya ang prominenteng hugis ng mukha nito kaysa kagabi. Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing tauhan nila ito sa hacienda. Mayroon itong katamtamang kapal ng kilay, matangos na ilong at natural na mapulang labi.

Unti-unting bumaba ang tingin niya sa mga braso nito.

Tama lang ang laki ng masel nito sa katawan na bumagay lang sa tangkad nito. Iyong alam mong batak ito sa trabaho at hindi kamukha ng mga lalaki sa gym. Iyong sa tingin mong hindi ka masasaktan kahit ikulong ka sa bisig nito.

Napailing siya. Allysa, itigil mo na iyang kabaliwan mo!

Naramdaman niya ang pagbagal ng takbo ng sinasakyan. Natauhan lang siya ng makita niya sa nakatingin din sa kanya ang lalaki.

"Tapos na po ba kayong pag-aralan ako, Senyorita?" nanlaki ang mga mata niya sa itinuran nito. Sasagot pa sana siya rito ngunit naunahan na siya nito.

"Nandito na ho kasi tayo sa taniman", nakita niyang umangat ang labi nito ng nakakaloko. Pinatay na nito ang makina at walang babalang lumabas ng sasakyan.

Naiwan siya sa loob na nabigla pa rin sa nangyari. Nang makahuma ay dali-dali niyang sinundan si Andres at sinigawan ito.

"Hoy, ikaw! How dare you na pagsabihan ako ng ganun?" nanggagalaiting sita niya rito.

Nakangiting bumaling ito sa kanya.

"Biro lang ho, Senyorita."

"What do you mean na joke lang. Hindi tayo close para mag-joke ka sa akin?" lalong nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito.

"Masyado naman kayong defensive. Kung wala kayong ginagawang masama, eh di wala ho."

Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan na naman siya nito.

"Huwag na po kayong magalit, Senyorita. Nakatingin na ho sa atin ang mga tao. Sige kayo baka matakot ang mga trabahante sa inyo." kumindat pa ito sa kanya bago pinagpatuloy ang paglalakad palapit sa mga tauhan ng hacienda.

Nilibot niya ang paningin sa taniman at mangilan-ngilan na nga ang nanonood sa kanyang ginawang eksena.

Kuyom ang kamay na sumunod siya rito.

May araw ka rin sa akin, Andres ka!


When the Probinsyano meets the HacienderaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon