ALLYSA's POV:
Inuna muna naming puntahan ang maisan.Doon ay nakasalamuha niya ang mga trabahor na listong naghahabas ng damo para ihanda ang lupa sa susunod na taniman.
Nalaman din niya mula sa taga-pangasiwa na may mga investor na interesado sa kanilang mga ani.
She doesn't want to involve herself with this kind of business but she had no choice. She either pretends to help here o wala siyang makukuha ni singkong duling sa tatay nya.
"Gusto ko hong makausap mga nabanggit ninyong investor ni Mang Ado."
"Tamang tama ho, senyorita. Babalik ang isa sa kanila dito sa susunod na linggo. Papapuntahin ko na lang ho sa asyenda para makausap ninyo."
Tumango siya dito.
Nilibot niyang muli ang paningin sa taniman. Nasa tatlong ektarya pa ang natatanaw niyang walang tanim na lupa.
Not bad. Sa lawak ng lupaing sakop nila ay pwede pang pagtamnan ang mga ito ng ibang halaman na maaaring magpalago ng kita ng rancho.
"Maari ko ho bang kunin ang sales account ng taniman para mapag-aralan?"
"Wala hong problema, si Andres ho ang may hawak lahat ng listahan ng kita at gastusin dito sa hacienda. Naku, kagaling ng batang iyon kaya kay laki ng tiwala ni Don Jaime sa kanya. Mula ng dumating iyan dito at naipasa ni Pepe ang gawain sa opisina ay wala na kaming inaalala sa kita dito", pagbibida pa nito sa lalaki.
So, may papel pala ang walangjo sa hacienda kaya ang lakas ng loob na sagutin siya.
"Well, habang narito po ako ay ako na ang bahala sa kita ng hacienda. Hindi kung sino-sino lang na bagong tauhan na nagmamagaling", nakataas na kilay na sagot niya rito.
Napakamot na lang ito sa ulo sa kanyang sinabi.
"Bueno, iwan ko po muna kayo, Senyorita Allie at may tatabasin pa po akong damo."
------------------------------------------------------
Pagdating mula sa rancho ay naabutan niyang naghahanda na ng pananghalian si Nana Luna.
"Nana Luna, kelan pa ho ibigay ni Tata Pepe ang trabaho niya bilang taga-pamahala ng hacienda kay Andres?"
" Simula noong dumating siya dito sa hacienda. Siguro, mga dalawang taon na rin nang ipasa ni Pepe kay Andres ang trabaho bilang taga-pangasiwa ng kita ng hacienda at nagustuhan naman ito ni Don Jaime.Pero ang pamamalakad sa mga tauhan ay kay Pepe pa rin inaasa ng ama mo.Alam mo naman iyang tatang mo ay tumatanda na. Hindi na baga kaya ang lahat ng gawain dito", paliwanag nito sa kanya.
"Kung ganun mo pala ay may alam ang Andres na iyan sa pamamahala sa hacienda. Sino po ang nagturo sa kanya?", ayaw man niyang aminin ay nacu-curious siya kay Andres.
"Ang alam ko ay galing siya isang taniman sa Cagayan de Oro. Kaya siya may-alam sa bukid at may tinapos naman siyang vocational course."
Hindi na siya umimik pa. She needs to talk to Andres about the financial status of the hacienda. Malay ba niyang piniperahan na sila ng hindi nila nalalaman. wala siyang katiwa-tiwala sa lalaking iyon.
Bago pa siya magpaalam kay Nana Luna ay nagsalita ito.
"Ay, ito na pala sila Pepe at Andres,eh. Mabuti at nandito na kayo ng makakain na.Nga pala,ano nga uli iyong natapos mong vocational course, Andres? Maano't nagtatanong itong si Senyorita."
Napapikit na lang siya bago balingin si Tata Pepe at si Andres na nakakalokong ngumiti.
Naku, Nana Luna baka isipin ng hambog na ito na interesado ako sa kanya!
Bago pa ito makasagot ay inunahan na niya ito.
"Nah, never mind.Mauna na ako Nana Luna. Magbibihis lang ako tawagin niyo na lang ako kung kakain na",at nagmartsa na siya palabas ng kusina.
"Hindi ko alam na interesado pala sa buhay ko si Senyorita...", naulingan ko pang sabi ni Andres kina Nana Luna at Tata Pepe.
Hindi ko na maintindihan ang iba pang sinabi nito dahil tawa na ng dalawang matanda sumunod kong narinig.
May araw ka rin sa aking hambog ka. And if that time comes ako naman ang tatawa!
