Chapter 2:

43 2 0
                                    

After 100,000 years(joke)...i mean after a super long and boring trip ay nakarating din kami sa rancho. Halos dulo na rin ito ng hilagang luzon. Nasa Ilocos Norte to be exact. We always come here once or twice a year for family vacation.

Bumaba ako ng sasakyan at pinasadahan nang tingin ang villa.

Walang nagbago. Mula sa desinyo hanggang sa kulay ng bahay ay makaluma pa rin ito. And that's why I hate being here. Lahat halos ng makita mo ay ordinaryo. Walang thrill o excitement.

But I can't argue with the fact that I have so many memories in here. From childhood until now.

Papasok na ako sa bahay ng mapansin kong nasa bungad ang mga katulong at iilang mga trabahante.

"Magandang gabi po, Senyorita Allie", halos sabay-sabay na bati ng mga ito.

"Magandang gabi din sa inyo...Nana Luna, Tata Pepe", sabay tango sa mga ito. Sila Nana Luna at Tata Pepe lang ang pamilyar sa kanya.

Tutuloy na sana siya sa pagpasok ng maramdaman niya ang kilabot sa kanyang batok na tila may palihim na nagmamasid sa kanya.

At hindi nga siya nagkamali ng malingunan ang isang matangkad na lalaki. Bitbit nito ang mga bagahe niya.

"Ikaw, isunod mo na yan sa kwarto ko para makapagpalit na ako", paangil kong sabi sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay inoobserbahan niya pa rin ako. At nacoconscious ako sa kanya sa hindi malamang dahilan.

Hindi ko masyadong mabistahan ang mukha niya dahil sa may kadiliman ang pwesto nito.

"Opo, Senyorita", angan nito sa baritonong tono. Na lalong nagdagdag ng kilabot sa pakiramdam niya.

"Hindi na muna ba kayo kakain ng hapunan, senyorita?", pahabol na tanong ni Nana Luna bago pa siya makaakyat ng hagdan.

"Hindi na, Nana. Pagod na po ako. Gusto ko ng magpahinga."

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong pinatugtog ang ipad ko. At nahiga sa kama.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nakita ko na lang sa isang sulok ang mga maleta ko. Hindi ko namalayang naipasok na pala ng lalaki ang mga gamit ko.

Hindi ko tuloy nakita ang itsura niya. Panghihinayang ba iyong naramdaman ko.

Oh, stop it,Allie! For sure, ordinaryo lang din ang taong iyon.

Nagbihis na siya at muling natulog.

-------------------------- 

Kinabukasan ay halos tanghali na siyang nagising.

Naligo siya at nag-ayos ng sarili. Maya-maya pa ay nagpasya na siyang bumaba para mag-agahan. Tiningnan niyang muli ang sarili sa salamin bago lumabas ng silid.

She heard noises coming from the kitchen kaya dali-dali niyang binagtas ang daan patungo doon.

Pagdating sa kusina ay naabutan niyang naghuhugas ng mga pinggan ang isang katulong na kaedaran niya kasama ang isang lalaki na sa hitsura ay nasampataha niyang trabahante rin ng rancho.

Hindi niya maiwasang pagmasdan ang lalaking kausap nito.

Matangkad.
Moreno.
Ruggedly handsome.
At macho.

Hindi niya maiwasang mapataas ang kilay sa nakikitang itsura nito. May trabahador pala silang papasang modelo ng GQ.

"Eh-hmmm", pukaw nya sa mga ito.

"Ay, señorita. Gising na po pala kayo. May gusto po ba kayong kainin?"

"Nasaan si Nana Luna?", hindi nya sinagot ang tanong nito. Hindi naitago ng lalaki ang pagdilim ng mukha sa inasal nya.

"Ah, maaga pong namalengke at ipinagbilin po kayo sa akin", nahihiyang tugon ng dalaga.

Tumango siya.

"Ano ngang pangalan mo?"

" Bea po. Siya po pala, ito si Andres. Siya ang magdadala sa inyo sa taniman", pagpapakilala nito sa kasama. Binalingan niya ang lalaki.

Bahagya itong yumukod.

"Ikaw ba ang nagdala ng mga gamit ko kagabi?"

"Opo"

"Sa susunod, huwag kang papasok ng hindi kumakatok", sita nya rito.

Kumunot-noo ito.

"Tatlong beses akong kumatok pero walang sumasagot kaya nagdesisyon na lang akong ipasok ang gamit ninyo."

Namula sa pagkapahiya sa tugon ng lalaki.

Aba at sumasagot pa ang diyaske!

Pinanlakihan niya ito ng mata. Hindi naman ito natinag at nakipagsukatan lang ng tingin sa kanya.

"Eh, senyorita, Saan nyo po gustong mag-agahan", agaw ng pansin ni Bea sa tensyong nasa pagitan namin ni Andres.

"Pakidala na lang ng agahan ko sa Lanai, Bea."

Pagbaling nya uli kay Andres ay nakita nyang palabas na ito ng kusina.

Malalagot ka din sa akin!
I think my stay here would not be so boring after all.

Mukhang may mapagkakatuwaan naman pala siya sa loon ng hacienda. Napangiti siya sa naisip.


When the Probinsyano meets the HacienderaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon