ANDREW's POV:
"Andres,ikaw na nga ang tumapos nitong ginagawa ko at ako'y pinapatawag daw sa mansiyon", utos sa akin ni Tata Pepe.
"Opo,Tata", sinunod ko ang ginagawa niyang pag-aayos ng dayami sa may kuralan.
"Mawalang-galang na po,Tang pero bakit po kayo pinapatawag sa mansiyon? Wala naman pong problema dito sa bakahan,ah",hindi ko maiwasang magtanong paano'y ipinatawag na ang matanda noong nakaraan buwan dahil daw sa pagkakasakit ng mga hayop.
At kahit papaano ay nababahala siya para sa matanda dahil may pagkasensitibo pa naman ito. Masabihan lang ng kanilang amo ay naninikip na ang dibdib.
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa marahil ay nakita nito ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Kakausapin lang ako ni Don Jaime tungkol sa pagdating ng anak niya dito sa hacienda. Sige na at baka ako ay gabihin. Ikaw na ang bahala dito,ha, Andres",tumango siya dito.
Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa matapos matanaw na lumiko na ang matanda patungo sa hacienda.
Maya-maya pa ay napansin na niya ang pagtatakipsilim kaya gumayak na din siya pauwi sa kanyang barung-barong na nasa loob din ng napakalawak na hacienda ng mga San Rafael.
Isa siya sa napakaraming tauhan dito. Kanya-kanyang lugar ng pagtatrabahuhan ---mayroong nasa manukan,niyugan,sakahan,isdaan,babuyan,bakahan at iba pang taniman.
Napakayaman ng mga San Rafael ngunit hindi mo mapakikita ang pagiging iba nito sa mga trabahador.
Sabagay,galing naman daw sa hirap ang matandang si Don Jaime kaya napakababang-loob nito at madaling lapitan.
Mga ilang buwan pa lang mula ng mapadpad ako sa lugar na ito ay hindi na ako naiba sa kanila.Katulad na lang ni Tata Pepe,parang anak na ang turing nito sa akin. Maging ang iba pang taga-rito ay mababait at mapagbigay din kaya nagustuhan ko na ang lugar na ito.Hindi ito iba sa lugar na kinalakhan ko menos na nga lang ng presensya ng mga magulang kong halos lahat ng desisyon ko ay pinapakialaman.
Dito naramdaman ko ang pagiging ganap na malaya.
Miss ko man sila ay hindi ko na gusto pang bumalik sa bahay para lang maging sunod-sunuran sa mga magulang.
Hiling ko lang sana ay magtagal pa ako dito.
---------------------------
ALLYSA's POV:Naalimpungatan ako sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Tiningnan ko ang side table clock ko.
8:04 am
Oh shocks!
Wala pa akong tulog mula sa pagpaparty sa isang bagong bukas na bar sa Makati kagabi.
Whoever disrupted my sleep ay mapuputulan ko talaga ng leeg!
"Hello",inis na bungad ko sa kabilang linya.
"Hija,you need to go home.Ang papa mo...",nininyerbos na sagot ng ina niya.
"Mom,what is it this time?",putol niya sa kung anumang sasabihin nito.
Sinabi ko na sa inyong kung sinuman ang tumawag ay malalagot sa akin.
"You need to talk to him. He called Attorney Atienza earlier this morning and they were talking about changing your father's last will and testament", hysterical na ang pagsasalita ng kanyang ina.
"Mom, I don't have time for this. You called me para lang sabihin na ipapabago ng Papa ang kanyang testamento.What's new?"
"Hindi ito katulad ng dati,hija. He is changing it without you as his heiress. Honestly,ok lang naman sa akin kung ibigay ni Jaime lahat sa charity o sa mga trabahante natin ang lahat ng naipundar namin. I don't care at all,mamamatay din naman kami ng papa mo at mabubuhay ka na naman ng wala ang mana mo diba?"