~I'm filled with insecurities
Its time to spit you out~
"Coleen.. Yee.. Dalian natin! Dito dito!!" sabay hila sakin. Etong bestfriend ko laging nagmamadali eh.
Pano kasi susurpresahin namin si Oppa Jonas/Joe ngayon eh.
Successful kasi yung 2nd album launch nila eh.
Sobrang saya ko para sakanya. Nagdala pa nga ako ng bulaklak para sakanya eh.
"Dito Colz, dito yung kwarto nila." sabay hinto namin sa may gilid ng kwarto.
Inayos ko yung buhok at dress ko.
"Ayos na ba? Yung ichura ko ok lang ba?"
"Oo maganda parin as usual!" haha nang uto pa si bestfriend.
Akmang papasok na kami ng dressing room nya ng magulat kami sa nakita namin..
Napako ang mga paa ko sa nakita ko.
Si Oppa, akmang hahalikan si Irish, isang sikat na girl group leader.
Nakasandal si Irish sa pader at ang isang kamay naman ni Oppa nakahawak sa pader..
Parehas silang nakatitig ng malagkit sa isat isa.
Parehas nakangiti. Ngiting ibibigay mo lang sa taong mahal mo.
Nanghina ang tuhod ko. Kaya nabitawan ko ang dala kong mga bulaklak..
Nagulat naman sila Oppa dahil kaluskos ng nabagsak ko.
"Ah... Coleen..Jia!!" gulat na sabi ni Oppa sabay ayos nya ng tayo
"Sino sila?" sabi ni Irish sabay kapit sa braso ni Oppa.
"Ah.. Mga kaibigan ko.." pagdadahilan niya.
Tinignan ko lang sya ng maluha luhang mata ko.
Si jia naman, pinulot ang bulaklak na nalaglag ko..
"Oppa!!! Pumunta lang kami para batiin ka! CONGRATS AH!!" Sabi ni Jia sa tono ng inis at asar sabay abot ng bulaklak.
"Sige lang.. Aalis na kami.. Pagpatuloy nyo lang yan.." sigaw ni Jia.. sabay hila nya sakin.
Hindi ko alam tuloy tuloy nalang yung daloy ng luha ko..
Mahal ko si Oppa..
Hindi ko nalang namalayan na nasa parking lot na pala kami..
Niyakap nalang ako ni Jia..
"Jia.. Bakit??" sabi ko habang gumagaralgal ang boses ko..
"Magising ka na Coleen!.. Hindi ka na nya mahal!"
"Hindi.. Hindi naman pa naman kami nagbbreak ah!"
"Sa tingin mo ba Colz? Sa mga ginagawa nya.. Kayo pa ba?? Ni hindi nya nga inaamin in public na may GF sya eh!! Tapos ngayon tignan mo yang sarili mo.. Hinahayaan mong saktan ka nya!!"
"Mahal ko sya Jia... Mahal na mahal ko sya!!!" sigaw ko.. Naramdaman kong nanghihina ang mga paa ko..
BINABASA MO ANG
A Boy Without A Heart (Short Story)
Teen FictionThe consequences of loving a boy who doesn't feel.