A Boy without a heart.
----*
"So, Joe.. Are you currently dating?"
"Aniyo. (No) I'm still single."
"Fangirls! You heard that? G-life's vocalist is still single!"
Pinaulit ulit ko yung part na yun sa Youtube.
Hindi. Single ako.
Hindi. Single ako.
Hindi. Single ako.
Single pala si Joe, yung bias ko. Wow. How nice.
Pinatay ko nalang ang Laptop ko at nahiga sa kama ko.
Nakatulala lang ako sa kisame at nag isip ng malalim..
Napabalikwas nalang ako sa higa ko. La kasing pumapasok sa isip ko eh.
Andami ko pang dapat gawin, bat ko nga ba inuuna yung mga ganung bagay? Pasahan na ng thesis namin sa susunod na linggo.
Binuksan ko ulit yung laptop ko at nagsimula nang magtype para matapos ng thesis ko.
*kring kring*
Napatayo agad ako sa upo ko at kinuha ang phone ko sa may taas ng drawer ko.
"Hello?!" excited kong sabi.
"Ok ok sige! I'm on my way..!" sa wakas naman kinontact nya din ako. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita eh.
-----**
Malayo palang natatanaw ko na sya. Napatakbo ako papalapit sakanya.
Sinalubong nya agad ako ng ngiti at kaway. Oh gosh. How badly, i miss him.
Binilisan ko ang lakad ko at niyakap ko agad sya.
"Oppa. I miss you!" sabi ko habang mahigpit kong pinalibot ang mga kamay ko sakanya.
"Haha. Ikaw talaga." sabay hiwalay nya sa pagyakap ko.
"Oppa naman eh." sabi ko habang nagpapacute
"Syempre namiss din kita!" sabay pisil sa pisngi ko.
o^____^o Halatang nagblush ako sa ginawa ni Oppa.
Grabe namiss ko talaga sya.
"Oppa! Tara punta tayo may fave cafe natin!" aya ko saknya
"Hindi pwede Coleen eh.. Baka may makakita satin."
"Bakit? Diba sabi mo gusto mo ko makita?"
"Eh.. Oo nga! Pero diba alam mo naman sitwasyon natin?" sabay hawak nya sa kamay ko.
Yan na naman. Yan na naman ang reason nya.
Wala naman akong magawa. Mahal ko sya eh.
"Sige." mahina kong sabi sakanya
"Coleen, may favor ako? Pwede ba?"
"Ano yun Oppa?"
"Hmm. Nagkakaproblema kasi ako.. Nahahalungkat ang past ko, pwede mo bang gawan nang paraan yung.."
"Yung ano?"
"Yung.. Naiissue kasi na ampon daw ako, At galing lang sa hirap.."
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Ikaw naman ang president ng fansclub ko sa fanpage ko diba? Pwede bang sabihin mong kababata mo ko at hindi ako ampon..?"
"Oppa gusto mo kong magsinungaling?"
"Hindi.. Ngayon lang sige na please?" sabay hawak nya sa dalawang kamay ko.
"Oppa..."
"Please Coleen??"
"Hmm. Sige na nga!" napa-Oo nalang ako. Sobrang mahal ko sya, hindi ako makahindi..
Sabay yakap nya sakin at halik sa pisngi ko.
"Ahm.. Coleen! Aalis na ko.. Baka makita pa tayo ng mga reporter.. Salamat talaga Coleen! Bye." sabay halik nya ulit sa pisngi ko.
Sinundan ko nalang sya ng tingin habang papaalis sya.
"Hays." buntong hininga ko sabay napaupo sa bench.
~I love a boy without a heart,
I'm but a string on his guitar
He would never know that I'm in pain
Waiting for a song that he can't play~
Yes. I'm inlove with Joe, G-Life's Vocalist.
BINABASA MO ANG
A Boy Without A Heart (Short Story)
Teen FictionThe consequences of loving a boy who doesn't feel.