All that I want, you can be

10 1 0
                                    

-----**

~I love a boy who doesnt feel

Believe what he says until its real

All that I want, you can be

But you can not pretend that long for me~

"Coleen.. Wala lang yun!! Mali ka nang nakita mo.."

"Oppa.. Tama na!!"

"Coleen.. Walang namamagitan samin ni Irish. Ikaw parin ang mahal ko!" sabay yakap nya sakin.

Eto na naman yang yakap nya..

Yakap nyang nakakahypnotize.

Ayoko nang masaktan.

Pero kung maghihiwalay kami.

Masasaktan ako.

At kahit ipagpatuloy ko tong relasyon namin..

Masasaktan parin ako..

Hindi ko alam san ba dapat lumugar..

Pinikit ko nalang ang mga mata ko..

Sundin mo ang puso mo.

Yan ang sabi ni Mama sakin bago sya mamatay..

"Oppa.. Sasaktan mo ba ulit ako?"

Hinigpitan lalo ni Oppa ang yakap nya sakin.

"Hindi na ulit Coleen.. Mahal na mahal kita."

Tumulo nalang ang mga luha ko at niyakap din sya ng mahigpit.

***

"Ano??!! Baliw ka na ba talaga Coleen??!!"

"Hindi Jia.. Please naman bigyan nalang natin sya ng chance.."

"Chance?? Ilang chance na yang binibigay mo!!"

"Sabi nya naman Jia di nya na ulit ako sasaktan eh!" ^____^

At tska naramdaman ko talagang magbabago si Oppa.. Madalas na kaming magkita ngayon eh.

Madalas kaming magdate

At lately masaya talaga kami!

"Ah ewan ko sayo! Wag mong sabihing nagkulang ako ng pagpapaalala sayo ah!" sabi ni Jia. Ang kulet neto eh. Eh sya naman dahilan bat ko nakilala si Oppa eh.

Basta alam ko masaya ako ngayon.

Pinaka masaya pa ko nung sinabi nyang sasabihin nya na daw in public next interview nya na may GF na sya.

Ang saya lang!! ^____^

***

*flashback* *3 years ago*

"Coleen, I sincerely like you.." amin nya sakin. Alam kong that moment nagblush ako.

"Oppa.. I like you too.." mahiyang sabi ko sakanya.

Sobrang saya ko kasi akala ko ang tingin nya lang sakin ay parang kapatid, yun pala gusto nya din ako!

Tatlong buwan na simula ng magkakilala kami.. Sa loob ng tatlong buwan na yun, marami kaming nalaman sa isat isa.. Si Oppa pala ay ampon lang ng pamilya nya ngayon. Nalaman kong kailangan nyang kumanta para lang matustusan ang pag aaral nya..

Nagkakasundo kami lagi. Madalas naming gawin ay mag duet habang tumutugtog sya ng gitara nya. Alam kong sa tatlong buwan na yun, lumalalim ang pagtingin ko sakanya.

"Edi ibig sabihin nyan.. Tayo na??"

Unti unti akong tumango. At niyakap nya ko ng mahigpit sabay binuhat. Yun ang pinakamasayang araw ko.

Nang malaman kong gusto nya din pala ko.

*end of flashback*

***

A Boy Without A Heart (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon