PART 7: Bahala Na

13 0 0
                                    

CLOUD'S POV

 Ang sarap sa pakiramdam na masabi mo yung totoong nararamdaman mo sa taong gusto mo.

sobrang saya ko nung naging kami ni summer. Para akong lumulutang sa ulap sa sobrang saya lalo na ng nakakasama ko na sya. sabay na kaming kumakain kapag lunch break at naihahatid ko na sya sa bahay nila ng walang halong kaba.

Hindi ko man sya nasusundo dahil medyo magkalayo ang lugar namin kapag sinundo ko pa sya, at masaya naman ako dahil naiintindihan nya ang kalagayan namin. sapat na daw sa kanya ang ihatid ko sya sa bahay nila at isa pa magkasama rin kami sa iisang trabaho kaya lagi parin kami nagkikita.

Pero iba parin pag kami lang dalawa eh, gusto ko syang masolo kaya gagawa ako ng surprise date sa kanya sa 1st monthsary namin. At excited na kong gawin yun.

KATHLEEN'S POV

"tara kain na tayo"

sabi ng babaeng nasa likod ko.

"sige susunod ako, tabi tayo aah"

pamilyar ang boses na yun at kahit nakatalikod ako alam kong sya yun.

sinadya kong paunahin silang dalawa para makumpirma ko kung sya nga talaga yun, at confirm!

SI CLOUD NGA!

At may kasama syang babae, wow! eto siguro yung pinili nya, yung babaeng inayawan sya at binalikan sya. hayyy! kawawang cloud! kung ako nalang sana ang pinili nya.

Well, hindi naman pwedeng sila lang may happy ending. tignan natin kung hindi lumayo tong babaeng to kay cloud ko.

Sa loob ng locker room namin, hinanap ng mga mata ko ang babaeng yun. at hindi naman ako nahirapan dahil agad ko syang nakita.

Saktong paalis na sya at ako saktong papasok palang, sasalubungin ko nga toh.

kunwari, nag aayos ako ng butones ng damit ko para mabangga ko sya

"ARAAY!"

sabi ko sa kanya sinabayan ko ng pag tingin ng masama sa kanya

"Sorry miss, Hindi ka naman kase nakatingin sa dinadaan mo eh."

sagot nya na parang normal lang

"lutang kase yang utak mo miss. tss!"

pagtataray ko sa kanya sabay talikod.

nakakainis, wala manlang syang reaksyon sa ginawa ko..

hahaha, mamaya kang uwian saken.

SUMMER'S POV

Salamat naman at uwian na. nag final out na ko at kinuha ko na lahat ng gamit ko sa locker ko.

aantayin ko nalang si cloud sa baba. may inasikaso pa kase sya kaya medyo matatagalan sya.

Nasa labas na ko ng building ng may biglang lumapit saken na tatlong babae, taga ibang

department sila. pero hindi ko inintindi baka kase dadaan lang pero iba eh.

"Ikaw ba si Summer?"

tanong ng isang babae na medyo kasing tangkad ko lang.

"Yes. Baket?"

"Boyfriend mo ba si cloud?"

Mataray na tanong ng isa pang babae na mas mataas saken ng bahagya. alam ko na ang mga ganitong pangyayari. dahil minsan ko ng nabalitaan na may niligawan si cloud noong nagkalabuan kami sa mga feelings namin. at palagay ko sya yung babae na yun.

"Congratulations sayo! Sana hindi ka nya saktan gaya ng ginawa nya saken. Pinakilig at pinaasa lang. dahil kung hindi, tatawanan talaga kita."

"Salamat sa paalala pero hindi kase ako IKAW eh, kaya hindi nya ko paaasahin gaya ng ginawa nya sayo kase ako TOTOONG MAHAL NYA KO, hindi gaya sayo na NAPIPILITAN LANG. kung wala na kayong itatanong, wag nyo ako harangan, nag aantay na kase YUNG BOYFRIEND KO."

sabay inginuso ko si cloud sa kanila kung san sya nakapwesto. iniwan ko silang tulala at  nganga.

"Sino yun?"

tanong saken ni cloud habang kinukuha nya ang bag ko.

"Ahh. wala. nagtatanong lang kung anu  oras na. lika na uwi na tayo."

habang nasa byahe kami, sinabi ko rin agad kay cloud yung tungkol samin ni kathleen.

"Ano? sinabi nya yun?"

"Oo. pero hayaan mo na, nakausap ko na sya. okay na. wag ka na mag alala.

"hmmm. basta next time magsabi ka lang ng problema saken, aayusin natin yan agad. okay? tsaka wag kana magpaapekto kay kath, alam mo naman kung sino ang mahal ko di ba?"

Tumango ako sabay ngiti ng matamis sa kanya

"Sabagay, Tama ka. Wala naman tayong mapapala kung magpapaapekto tayo sa kanila eh. Kahit ano pa sabihin at gawin nila, hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sayo."

Yung seryosong mukha ni cloud, biglang napalitan ng tawa.

"At bakit ka tumatawa?"
Tanong ko sa kanya habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa bewang ko.

"Hahaha wala. Natutuwa lang ako kaae medyo corny karin pala. Hmp! Basta bahala na si GOD satin. Alam ko tatagal tayo basta tiwala lang."

Sabay halik sa noo.

Hayyy! mas kinikilig pa ko sa mga ganyang bagay kase mas sweet yun kumpara sa mga kiss sa lips. hahaha















Temporary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon