PART 6: Hanap Hanap

5 0 0
                                    

SUMMER'S POV

Makaka move on din ako sa kanya
KAya ko toh! Hindi naman naging kami eh.
Kaya makaka move on ako.
Pero bakit iba yung sinasabi ng puso ko?
Bakit hinahanap ko sya?
Bakit pag nakikita ko sya apektado parin ako?
Nasa iisang floor at building lang kami kaya hindi malayong nagpapanagpo kaming dalawa.
Minsan pag nagkakasalubong kami sa hagdan, kunwari hindi ko sya nakikita pero sobrang bilis ng heartbeat ko.
May konying kilig pa kong nararamdaman sa kanya? Ganun ba yun?

Isang araw, habang nag aayos ako ng mga items ko, bigla syang lumapit saken

"Kamusta ka na?"

Hindi ako lumingon pero sumagot ako

"Kita mo naman diba? OKAy lang ako. Kamusta na pala kayo ni kath?"

Matagal sya bago nakasagot

"Okay naman kami pero--"

"Sabi na eh, well goodluck nalang sa inyo. Mauna na ko, marami pa kong gagawin"

Aalis na sana ako ng bigla nya kong hinawakan sa kamay ko

"Sam please mag usap tayo, mali ang nasa isip mo."

"Ano pag uusapan natin? Were done. Ayy sorry, hindi naman pala naging tayo. Bitawan mo kaya ako. Wala tayo sa luneta.kaya wag ka gagawa ng eksena dito"

Pumiglas ako sa pagkakahawak nya saken. At umalis n ko.
Pumunta nalang ako ng cr. Dun ko nilabas lahat ng luha ko.
Nananadya ba sya? Para san pa kung mag uusap kami. Ipapamukha nya ba na may iba na sya?

Uwian na nun at maaga ako umuwi ng bahay dahil gusto kong mapag isa.

Biglang tumunog yung phone ko

1 message recieve
From: Cloud

"Sam lets talk, day off mo bukas diba? Kung kinakailangan kong umabsent para lang makausap ka gagawin ko. Just let me explain about kay kath. At gusto ko rin maging malinaw ang lahat satin. Ayoko ng ganito tayo"

Nag reply ako

"Wala na tayong pag uusapan. Hindi ako interesado dyan sa kath mo. Okay na tayo. Okay na ganito tayo"

"Summer please. Aantayin kita sa coffe shop malapit sa inyo.3pm"

Hindi na ko nag reply, napaisip din ako.
TAma naman sya. Kailngan may closure ang lahat ng nangyari samin. Masasagot ang mga tanong sa isip ko. AT ganun din naman siguro sya.
Kaya kinabukasan ng 3pm pinuntahan ko sya sa coffe shop. Pero instead mag usap kami, hinila nya lang ako palabas ng shop at sumakay kami sa bus.
Tinatanong ko sya kung san kami pupunta pero hindi sya nagsasalita.
Hanggang sa nakarating kami sa, sa,
TAma ba ang nakikta ko? Sa luneta?
MAg uusap kami? Sa luneta? Anong drama toh cloud!

Umupo kami sa may bench malapit sa dancing fountain. At una syang nagsalita

"Gusto ko lang linawin sayo na, hindi naman kami ni kathleen"

"So ano pala yung mga nakikita ni dylan? Anu un? Friends lang? Wag ako cloud! Hindi ako tanga"

"Nung panahon na binasted mo ko, sinubukan ko syang ligawan, para maka move on ako sa ginawa mo saken. Pero hindi naging kami"

"Bakit hindi?"

"Kase binabalewala nya ko. At bukod dun--"

"Ano?"

"Nagiging unfair ako sa kanya"

Nag iba na itsura ng mukha nya
Seryoso na sya at nararamdaman ko yung lungkot sa bawat salita nya

"Kahit kase kasama ko si kathleen, ikaw yung laman nito"

Tinuro nya yung dibdib nya

"Alam mo ba na sa twing nakikita kita na malungkot, nasasaktan ako nun. DAhil alam ko, ako ang may gawa nun sayo."

"Ang dating kase saken cloud parang pinaasa mo ko na mahal mo rin ako nun. Sinubukan ko lang naman kase yung pasensya mo at kung hanggang saan mo ko kayang antayin. Pero mas napalapit ka pa sa iba"

"Sorry kung nagawa ko yun sayo, hindi ko gustong masaktan ka ng ganun. Sa totoo lang sam, mahal na kita nung una palang tayo nagkakilala. Opposite kase ang ugali ko kapag gusto ko yung tao. KAya lagi kita sinusungitan dahil sobrang gusto kita nun. Ayoko lang maging obvious sayo"

"Lalo naman ako, gustong gusto kita nun kaya nga halos tumambling na ko sa harap mo para lang mapansin mo ko. "

"SAbi ko na eh. Planado mo yung mga boxes mo noh?"

"Hahaha. Oo"

Natawa nalang kami

"Mahal na mahal kita summer, ako ba? Mahal mo rin ba ko?"

Tumingin ako sa kanya, hinawakan ko yung mukha nya

"Kahit pilitin ko namang lumayo sayo, hindi ko naman maitatago yun eh. Syempre mahala na mahal din kita cloud."

Natatawa nalang kami kase kahit anong pilit naming itanggi ang nararamdaman namin para sa isat isa, hinahanap hanap parin namin yung totoong pagmahahal na nahanap namin sa puso namin.

Temporary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon