Hello po!
Gusto ko lang po sana ipromote 'tong unang story na gusto kong tapusin in a good way. Sana po suportahan nyo ang istoryang to.
Hindi ko po hangad na malayo ang marating nito sa kagaya kong isang baguhan. Pero hope na magustuhan nyo ang kwentong ito.
Positive and negative feedbacks ay accepted ko naman para mas lalo kong malaman kung paano i-eenhance ang story.
Enjoy reading guys! :)
♡♥ orangeicecream
" IYAKIN!!! IYAKIN! IYAKIN!! "
Sigaw ng mga batang nasa paligid ko..
Nadapa ako, kase lampa ako..
Simple lang naman ang gusto ko,, ang sumali sa laro nila..Lately..
Masayang naglalaro ang mga bata sa playground ng school namin..
Merong nag chichinese garter, luksong baka, jackstone, tex, pogs, moro moro at kung anu ano pa..
Ang sasaya nilang lahat..
Napangiti ako..Gusto kong sumali sa mga naglalaro.
Lumapit ako sa naglalaro ng jackstone.
" Oi! No galaw! No galaw ha! "
" No alis pwesto oi! "
" Sali ako.. " nakangiting sabi ko..
Tumingin sila sa akin pero imbis na ngiti, ay simangot ang iginanti nila..
" Sali ako.. " ulit kong tanong.
" Ayaw namin! Ang panget mo kaya! Umalis ka dito! " sigaw nung isa..
Hindi na ako nagsalita, at umalis nalang ako.. Ganoon rin ang ginawa ng ibang mga naglalaro nung tanungin ko sila kung maari akong sumali..
Hanggang sa...
" Hanggang balikat ko ah! "
" Ang daya ang tangkad mo eh! Sakin nalang. "
Chinese garter ang gusto ko sa lahat kaya masaya akong lumapit sakanila..
" Ui sali naman ako! :) " masayang sambit ko.
Lumapit sakin ung pinaka matangkad...
" Anong ginagawa mo dito? Kumpleto na kami at hindi namin kailangan ng pangit dito kaya uumalis ka nga! " sabay tulak sa akin na naging dahilan para matisod ako..
Tumama ung siko ko sa batong nakausli sa playground..
Ang sakit..
" HAHAHAHA HAHAHAH HAHAHAH , buti nga sa'yo! " sabay sabay na tawanan ng mga naglalaro ng garter..
Iyak lang ako ng iyak. Habang patuloy silang nagtatawanan..
" IYAKIN!! IYAKIN!! IYAKIN!"
Hindi ko alam kung bakit galit sila saakin, hindi naman ako mahilig makipag-away, hindi naman ako mahilig manukso, pero ayaw nila akong isali sa laro nila... Dahil ba panget ako.. Siguro nga,, dahil pangit ako..
Agad akong tumayo at pumunta sa fountain para hugasan ang braso ko..
Napapapikit ako sa pagtama ng tubig sa sugat ng siko ko..
Maya maya pa ay naramdaman kong may lumapit sakin..
" Oi bata, "
Nilingon ko sya..
" Gusto mo gamutin natin yan? "
Hindi ko alam kung sino din ang batang ito. Pero tingin ko ay iinisin lang rin nya ako..
" Ui bata, gamutin natin yang sugat mo, marunong ako. " at sabay na ngumiti sya.
Hinarap ko sya at pinahid ko sa blouse ko ung braso kong basa.
" Bakit? Lalagyan mo ba to ng tipaklong? " tanong ko sakanya.
Natawa sya..
" Bakit ko naman lalagyan ng tipaklong? Gagamutin ba nun ung sugat mo kapag pinatong ko yan jan? " sabay turo sa sugat ko.
" Hindi. Lalagyan mo ng tipaklong para kainin ung sugat ko. " sabay tawa ko.
Napangiti rin ung batang lalaki sa sagot ko..
Kahit pa'no gumaan ung pakiramdam ko.. Nawala rin ung hapdi ng sugat ko.
" Wag nalang, uuwi na ko, hinahanap nako ng nanay ko eh. " sabi ko sa bata.
" Saglit lang naman un eh. Teka anong grade mo na? " sabay tanong nya.
" Grade 2. " tipid kong sagot.
" Ah, ako naman grade 3. " at ngumiti ulit sya..
" Sige alis na ko. Baka hinahanap na ko ng nanay ko eh! Ba bye!!! " dali dali akong umalis ng playground, kinuha ang bag ko sa guard house, at lumabas ng eskwelahan..
Hindi ko na alam kung anong reaksyon nung batang Grade 3 nung bigla akong tumakbo at umalis sa harap nya..
BINABASA MO ANG
UnOfficially Yours
HumorKapag inlove tayo, nakakalimutan natin ung pamilya at kaibigan natin. Pero kapag broken-hearted tayo, sila ang una nating nilalapitan.. Maaari kayang maging masaya kana habambuhay ng walang minamahal? Siguro,,, sa TAMANG PANAHON......