Pag baba ko ng jeep ay tiningala ko ang mataas na building na nasa harapan ko..
WEST BLOOMFIELD FOUNDATION MEDICAL CENTER
Oo,dito ako nagtatrabaho sa ospital na 'to.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng entrance ng ospital.
Naroon si Manong Guard na kauna-unahang bumati sa akin.
" Good morning Ma'am! " masayang bati nya.
" Good morning Kuya Guard! " masigla kong tugon sakanya.
Ang saya lang pumasok sa araw araw kapag ganito. Ung feeling na kahit pagod ka sa duty pero masaya ang ambiance ng paligid mo, at masaya rin ang mga tao na kumakausap sayo.
Huminto ako sa harapan ng department namin.
PHARMACY DEPARTMENT
Isa ako sa mga Registered Pharmacist na nagtatrabaho rito sa loob ng Pharmacy Dept.
Bali sampu kaming empleyado rito. Anim na RP, tatlong Pharmacy Assistant at ang Head na si Ma'am Karen.
" Good morning every one! " masayang bungad ko pagbukas ng pinto.
" Oh hija anjan kana pala, kumusta naman ang weekend mo? " tanong sa akin ni Ma'am Karen.
Si Ma'am Karen ang halos tumayong ina namin rito sa loob ng department, napakabait nya, at napaka masayahin. Sa tuwing nag iinisan ang mga lalaking Nurses na napapadaan dito ay palaging ako ang isinisingit nya sa mga ito. Dahilan upang ang mga ito ay matuwa at dumalas ang punta sa opisina namin.
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng mga seksi at magagandang doctor at nurses sa ospital na ito ay ako ang lagi nilang binibiro. Hindi na rin naman ako magtataka dahil ang iba sakanila ay masusungit. Kaya't sinasakyan ko na lamang ang mga biro nila. Isa sa mga dahilan nang pagsaya ng araw ko.
Tatlo ang shifting naming mga RP. Monday to saturday ang pasok ko. 8am to 4pm. At dalawa kami ritong naka duty ni James na kapwa ko rin RP.
May pagka masungit rin kase tong si James. Hindi ko alam kung galit ba s'ya sakin oh ano at hindi ko alam kung bakit s'ya nagsusungit. Kaya hindi ko rin sya gaanong kinakausap maliban nalang kung may itatanong ako tungkol sa trabaho.
" Nako Ma'am Karen malamang marami na naman ang nakipag date dyan kay Laine. " napapa isip na tanong ni Sir Ronald. Isa sa mga Pharmacy Assistant na kasabayan namin magduty.
" Nako Sir. Ikaw talaga. Nasa bahay lang ako at tinulungan ko lang si nanay ah. " pag papaliwanag ko sakanya.
Natigil kami sa usapan ng may nagbukas ng pintuan at sumilip ang isang Nurse na kilalang kilala ko.
" Hi po Good morning! " bati nya sa aming lahat. " Hi Laine! Na miss kita ah, wala ka kase pag saturday and sunday eh. " sabay ngiti sa akin.
Ngiti lang rin ang isinagot ko sakanya.
" Oi Laine ang aga aga naman ng manliligaw mo oh. " may halong kilig na sabi ni Ma'am Karen.
Napangiti na lang rin ang lalaking bumati sakin.
Sya si Jerold Gonzales. Ang pinaka gwapong nurse sa Emergency Room. Di ko lang alam kung PINAKA nga. Sabagay, gwapo naman kase talaga sya, matangkad, balingkinitan, maputi, at nakasalamin. Hindi na lingid sa kaalaman ko na minsan ng may nahimatay ng makita s'ya. Kakaiba naman kase ang powers nito sa babae eh. Minsan nga, naririnig ko pa ang ibang empleyado sa ospital na to na gusto na rin daw nilang maconfine kung si Jerold lang rin naman ang mag aasikaso sa kanila. Kilig na kilig sila rito. At hindi na rin ako magtataka kung bakit maraming gustong maconfine at ma admitt sa ospital na to. Sa dinami rami ba naman ng nag ggwapuhang doktor at nurses na residente dito eh sino ba naman ang hindi gugustuhing mapaospital at maconfine rito.
" Laine sagutin mo na kase yan at baka maagaw pa ng iba. " biglang sabi ni Sir Ronald.
Nagulat ako sa sinabi nya.
" Ay sir hindi po! " sabay pa kami ni Jerold na nagsalita at nagkatinginan.
Sa totoo lang hindi ko s'ya manliligaw.
Gawain lang talaga nya ang tumambay rito sa opisina namin tuwing umaga. Pampa good vibes raw nya.
" Aba at sabay pa sila oh. Hahahaha. " halakhak ni Ma'am Karen.
" Hoy ikaw binata at baka hinahanap kana ng chief mo sa ER at mapagalitan ka pa. Bumalik kana ron. " utos sakanya ni Ma'am Karen.
Imbis na umalis ay, pumasok sa loob si Jerold at nilapitan ako.
Napakamot sya ng ulo.
" Oh bakit? Nangangati ka? May kuto ka ba? " tanong ko sakanya.
Natawa sya at sinabing..
" Hindi ah. Ikaw talaga palabiro pa rin. " medyo nahihiya nyang sabi.
Sa totoo lang baliktad ang sitwasyon ko. Ang sabi kase nila pala biro raw ako at manang mana sa mga kasama ko dito sa loob. Minsan nasabi na sakin ni Ma'am Karen na kaya raw siguro madalas si Jerold dito ay gustong gusto na mapansin ko.
Hindi ko naman naramdaman un nung una pero parang tingin ko nga ay tama si Ma'am Karen.
" Hahahha joke lang un ah. Baka hinahanap kana sa labas? " tanong ko kay Jerold.
" Ah ehhh kase, wala ka naman gagawin mamaya ano? " tanong nya sa akin.
" Hmmm , wala naman? " sagot ko na patanong.
" Ayain sana kitang mag merienda mamaya after duty? " lakas loob nyang pag aya sakin.
" Ehh? Sigurado ka? " parang ako ata ang hindi sigurado sa tanong ko.
" Oo naman. Wag kang mag alala. Dyan lang sa malapit. Then ihahatid nalang kita sainyo pauwi. " agad na bawi nya.
Napaisip ako pero saglit lang. Wala namn sigurong masama kung papayag ako sa gusto nya. Nagtataka lang ako dahil sa tinagal tagal naming magkakilala ay ngayon lang sya nagkaron ng lakas ng loob ng ayain akong lumabas.
" Kung okay lang naman. Pero okay lang rin naman kung hindi ka pwe____"
" Okay lang. Walang problema. " sagot ko sakanya at sabay ngiti.
Nakita ko syang napa Yes at ngumiti. Dali daling nagpaalam at lumabas ng opisina.
" Aba ang ating magandang dalaga, pumayag na sumama sa gwapong binata ah. " nakangiting tukso ni Ma'am Karen.
" Nako Ma'am wag kanang magtaka kung sa mga susunod na araw eh madadalas na lalo ang pagpunta ni Jerold rito. Hahahhaahah " pilyong sabi ni sir Ronald.
" Wala naman po sigurong masama kung sasama ako sakanya. Tsaka okay lang po yun.. matagal na rin naman na po kaming magkakilala ni Jerold eh. " bawi kong sagot.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako kay Jerold. Pero hindi ko naman ding pwedeng bawiin ung mga sinabi ko sakanya. Alam kong maraming magagalit sa akin. Pero sa labas naman kami pupunta kaya wala naman sigurong tsismis na mabubuo sa pagitan namin.
Umupo na ako sa harap ng desktop na katabi ng fridge.
Nang biglang napalingon ako sa kaliwa..
Nakatingin si James. Hindi lang basta tingin. Kundi galit na tingin!
Medyo napalayo ako ng kaunti sa kanya, nagulat pa ako ng bigla syang tumayo.
" Ma'am excuse me, pupunta lang po ako ng Nicu. " paalam nya kay Ma'am Karen.
Pumayag naman ito at agad na lumabas si James.
Nagtaka pa ako kung bakit pupunta sya ng Nicu. Wala pa naman syang anak para dumalaw doon. Hindi naman rin pwedeng magbbreastfeed sya dun.
Ay nako ano ba namang iniisip ko. Hindi ko na problema kung ano pa man ang gagawin nya sa Nicu.
Ang napapaisip lang ako kung bakit ang sama nyang tumingin kanina..
BINABASA MO ANG
UnOfficially Yours
HumorKapag inlove tayo, nakakalimutan natin ung pamilya at kaibigan natin. Pero kapag broken-hearted tayo, sila ang una nating nilalapitan.. Maaari kayang maging masaya kana habambuhay ng walang minamahal? Siguro,,, sa TAMANG PANAHON......