Sa wakas natapos na rin ang maghapon ng unang araw ng linggo..
Medyo marami rin kaming ginawa ngayong araw kaya't halos hindi rin kami nakapagkwentuhan ng mga kasama ko sa loob.
" Oh pa'no mga anak, ako'y mauna na sainyo at susunduin ko pa ang bunso ko. " pagpapaalam ni Ma'am Karen.
" Ma'am! Saglit lang! Sasabay na'ko sa'yo. " aligagang sabi ni Sir Ronald.
Agad na kinuha ni Sir Ronald ang bag nya at lumabas na sila ni Ma'am Karen ng opisina.
Ganun na rin ang ginawa ko. Inayos ko na ang table at gamit ko..
Maya maya pa ay may nagbukas ng pinto..
" Laine, tara na? "
Muntik ko nang makalimutan!
Lalabas nga pala kami ni Jerold.Narito pala s'ya para sunduin ako.
" Ay sorry Jerold. Nawala sa loob ko. Buti nalang naabutan mo pa ko dito. "
" Alam ko kase na maaga ka umuuwi kaya dumaan na agad ako. " sabi nya.
Ibinaba ko muna uli ang bag ko sa table at nag ayos ng kaunti. Sinuklay ko na rin ang buhok ko.
Nakatingin pa sakin si Jerold.
Medyo nailang ako.
" Pasensya kana ah. Haha. Hindi pa kase ako nagsusuklay mula nung dumating ako dito kaninang umaga eh. " nahihiyang sabi ko.
Ngumiti lang s'ya sakin..
" Kahit naman hindi ka magsuklay, maganda ka pa rin naman eh. "
Nahiya na nga talaga ako ng todo sakanya. Kaya't binilisan kong magsuklay.
Ito siguro ung mga pacute moves ni Jerold kaya sya nagugustuhan ng mga babae.
" Ikaw talaga. Kung anu-ano pa sinasabi mo jan. " natatawang sagot ko.
Lalabas na sana kami ng opisina ng bigla akong may maalala.
" James!! Hindi ka pa ba uuwi? " sinilip ko s'ya sa may gawing fridge habang nagbubukas ng mga kahon ng dextrose.
Lumingon lang s'ya sakin ng saglit at ibinalik ang tingin sa ginagawa.
" Kaya ko na to. Umalis na kayo. " masungit n'yang tugon.
Tumingin ako kay Jerold na napa kibit balikat lang.
" O sige James. Una na kami. Ingat!. " paalam ko.
Sinilip s'ya ni Jerold..
" Pre! Ingat sa pag-uwi. "
Nilingon lang s'ya ni Jerold nang walang expression sa mukha...
Habang papalabas kami ni Jerold ng ospital, maraming empleyado ang nagpaalam sakanya. Ganun rin sa akin.
Pero grabe pala talaga ang tama nung mga babaeng may gusto sakanya. Halos tunawin ako sa tingin dahil nakita nilang ang ultimate crush nila ay ako ang kasama. Hay grabe naman. Pero wala naman akong dapat na ikatakot dahil in the first place wala akong ginagawang masama.. :)Naglalakad kami ni Jerold sa labas ng makasalubong namin ang isang doktor na hindi naman ganun kapamilyar ang mukha.
" Hi doc! " bati ni Jerold.
Halatang may ginagalaw ito sa dalang bag ng batiin ni Jerold.
" Oh ikaw pala.. Nurse??? "
" Jerold po doc. " masiglang sabi nya.
Sa hitsura ng doktor na ito, parang nasa early 20's palang rin s'ya kagaya namin. Pero matured na kung kumilos. Aaminin kong maganda ang postura n'ya. Gwapo, maputi, malinis tingnan at halatang malaki ang katawan kahit na maluwag ang suot na coat.
Napatitig tuloy ako sa doktor.
" S'ya nga pala doc. Si Laine po. Isa sa mga pharmacist natin. " pagpapakilala ni Jerold sa akin.
Bumalik naman ako sa ulirat ng maramdaman kong nakaabang ang mga palad n'ya para makipag shake hands.
" Kumusta Ms. Laine. " nakangiting sabi ng doktor.
" Laine, s'ya si Doc.Dale. Isa sa mga Oby natin. "
" Kumusta po doc. " nakangiting bati ko sakanya.
Teka, tama ba ung narinig ko?
Isa sa mga Oby ng ospital?
Ibig sabihin nakikita n'ya ung mga pinaka iingatan namin kapag nanganganak ang isang babae??Juice colored ang gwapo namang Gyne nito!
Nahiya ako ng bahagya, at tila nahalata ito ni Jerold.
" Sige po doc. Mauna na po kami sainyo. " paalam ni Jerold.
" Sige ingat kayo. " hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito.
Ramdam ko na kahit malayo na kami kay Doc Dale ay nakatanaw pa rin ito sa amin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon..
Parang nahihiya ako sakanya.
Pero wala naman akong dapat ikahiya.Siguro kung anu ano lang ang pumapasok sa isip ko..
Sorry guys medyo ang babaw ng chapter. Yaan nyo bawi ako nextime. Pahinga lang ako ng kaunti para makapg isip ako. Hahaha medyo madami lang kaseng trabaho and super busy.
Thanks for reading!
♡♥ orangeicecream
BINABASA MO ANG
UnOfficially Yours
HumorKapag inlove tayo, nakakalimutan natin ung pamilya at kaibigan natin. Pero kapag broken-hearted tayo, sila ang una nating nilalapitan.. Maaari kayang maging masaya kana habambuhay ng walang minamahal? Siguro,,, sa TAMANG PANAHON......