LALAINE'S POV
" KRRRRRIIIIIIINNNNNNGGGGGG "
Napabalikwas ako mula sa kama, ng biglang tumunog ng napakalakas ung alarm ng cellphone ko..
" Ahhhhhhhhhhhhh! "
Nag-inat ako at muling tumagilid ng pwesto sa kama.. Iidlip muna ako 5 minutes..
Pero bigla rin akong dumilat..
" No! Hindi pwede! "
Sabay talon mula sa kama..
Shet lunes nga pala ngayon. Hindi ako pwedeng ma-late!
Nagmamadali ko pang kinuha ang tuwalya na nakasabit sa hawakan ng cabinet ng kwarto. Halos magkanda dulas dulas ako katatakbo roon at katatakbo rito.
Tumingin ako sa wall clock..
Hmmm, 6:05 am.. Aabot pa ako, wag lang silang mag rorounds..
Pasok agad ako sa banyo sabay bukas ng shower. Grabe anlamiiigggg. Pero sanay na ako. Every morning ba naman na ganito eh..
Ako si Lalaine, 22 years old. Kasama ko ang nanay ko dito sa bahay. At ang tatay ko? Ayun buntis palang ang nanay ko sakin, iniwan na kami.
Hindi ko na minabuting kilalanin pa s'ya. Eh para saan pa, hindi naman importante.Matapos kong maligo ay dali-dali akong lumabas ng banyo ng nakatapis lang ng tuwalya.
Tumalon talon pa ako, nag exercise ng kaunti, pampagising ba.Ang pinaka ayaw ko talagang araw ng buong linggo..
LUNES..
Napahinto ako sa ginagawa ko nung tunawag si nanay mula sa labas.
" Nak!, Gising kana ba? Halika na rito at makakain kana. "
Napangiti nalang ako habang napapa-iling..
Ang bait talaga ng nanay.
Maasikaso..
Oo as in mabait talaga!
Basta magkasama kami, masaya na ako.. MASAYANG MASAYA! :)" Wait lang nay! Anjan na po! "
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Masarap ata ang luto ni nanay haha.
" Oi anak ano ba yan? Naka tuwalya ka lang? Kakain ka ng ganyan? " tanong ng nanay ko.
" Opo nay, bakit? Haha pagkakain ko tsaka ako magbibihis po. Hindi na kase ako makapg hintay na matikman ung luto mo eh. " paglalambing na sabi ko, at niyakap si nanay.
" Ang batang ito talaga! Sige na at maupo kana riyan. " nakangiting sabi ni nanay.
Nagsimula na kaming kumain ni nanay.
Ang sasarap ng luto nya, at ang lalong nagpapasarap ng mga pritong ito eh ung kasabay ko pa kumakain si nanay araw araw.
May hotdog, bacon, itlog, ham, tocino..
" Teka teka nga nay, parang andami ata nito, at may kanin, gatas, juice at tinapay pa. Eh dadalawa lang tayong kakain? "
Tumawa ang nanay ko. Ang lakas pa kamo ng tawa nya. Natakot tuloy ako pero tumawa din ako. Para kaming baliw.
" Hahahaha, nay bakit nga ba madami to? Papaubos mo ba sakin lahat to? "
Tumayo si nanay sa may likuran ko, at hinawakan ako sa magkabilang balikat..
" Lalaine Argail, may sorpresa ako sa iyo. " napalingon ako sa sinabi ni nanay. Nagtataka ako, unang una hindi ko naman birthday para sorpresahin ako. Pangalawa, hindi rin naman nya birthday..
" Ano un nay? " dalian mo nay kinakabahan ako baka mamaya may kaibigan kanang hindi ko nakikita ah, at pinakakain mo dito sa bahay. ( sabi ko sa isip ko.)
" TYADANNNNNN!!! "
Sabay kaming napalingon ni nanay sa may sala.. Si....
AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!
Sigaw kaming tatlo...
" Bruha ka! Anong ginagawa mo dito????!!! " tuwang tuwa ako ng makita ko si Cassandra.
Si Cassandra ay kababata ko sa dati naming tirahan ni nanay noong elementary pa ako. Magkaiba kami ng naging eskwelahan noon. Pero sa tuwing nag uuwian ay sabay kaming nagpupunta sa bakanteng lote para maglaro ng chinese garter at jackstone..
Hindi ko akalain na magkikita pa ulit kami. Mula kasi ng magtapos kami ng high school ay umalis na sila sa baryo namin upang ipagpatuloy sa abroad ang pag-aaral nya ng kolehiyo.
Sira ulo rin tong babae na to eh..Mahigpit ko syang niyakap na halos ikatanggal na ng tuwalyang nakatapis sa akin.
" Ateng!!! Namiss kita! Pano mo nalaman kung san kami nakatira? " masayang tanong ko sakanya.
" Hoy ako pa ba? Aba magaling ata akong imbestigador no?! " sabay tawa nya ng napakalakas.
Natutuwa ako, antagal rin kasi naming hindi nagkita ni Cassandra, more than 6 years din siguro.
" Marami kang ikukwento sa akin. "
" Oo marami, pero mamaya na nya ikukwento dahil malelate ka pa sa trabaho mo anak. " biglang sabi ni nanay.
" Ay oo nga pala! " muntik ko nang makalimutan may pasok pala ako,.
" Sige Casey, mamaya natin ituloy to ha? " at agad na akong nagbihis at nag ayos para pumasok sa trabaho.
Hindi ko na tuloy naitanong kay Cassandra kung kailan sya umuwi at paano nya nalaman ang tirahan namin. Basta mamaya ko na itatanong 'pag out ko sa duty..
BINABASA MO ANG
UnOfficially Yours
HumorKapag inlove tayo, nakakalimutan natin ung pamilya at kaibigan natin. Pero kapag broken-hearted tayo, sila ang una nating nilalapitan.. Maaari kayang maging masaya kana habambuhay ng walang minamahal? Siguro,,, sa TAMANG PANAHON......