Simula

2.7K 88 6
                                        

Simula

"Amelia, hija, you need to hurry up! Magsisimula na ang kasalang bayan, and your Papa is waiting for you. It's already six o'clock! Sinabi ko na sa 'yo kanina na nasa rule ng Papa mo na hindi ka p'wedeng ma-late!"

Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Pumunta lang yata siya rito para sabihin lang 'yon sa 'kin.

Napabuga ako ng hangin.

I stared at myself in the mirror for the last time, kahit labag sa kalooban ko ang umattend sa kasalan ng bayan, ay kailangan ko pa ring pumunta. I am obligated to follow my parents' rules and wishes.

My Dad holds a special position as the Mayor of our town, and one of the most exciting events he organizes every year is the civil mass wedding or kasalang bayan. Para 'yon sa mga magkasintahan na gustong maikasal without worrying about the expenses. This year, the wedding will be held at the luxurious Alegria Pavilion, known for its stunning decor and spacious halls—Lahat kami sa pamilya ay pupunta, para ipakita ang suporta namin sa mga ikakasal.

Mauuna akong pupunta sa venue, dahil ako ang magiging assitant ni Papa. Sabay naming iwe-welcome ang mga ikakasal. Sina Mama at ang nakatatanda ko namang kapatid ay susunod na lang sa akin.

Pagka-labas ko sa mansyon, the car that will take me to the venue is already parked at the entrance, waiting for me.

"Good morning, Señorita," nakangiting bati sa akin ng driver. Tingin ko'y bago lang siya, dahil ngayon ko lang siya nakita rito sa mansyon.

"Good morning din po," bati ko pabalik. Pinagbuksan niya ako ng pinto, bago ako pumasok sa loob ay nag thank you ako.

Pagka-upo ko, isusuot ko na sana ang earphone nang biglang may nagsalita.

"Hi, Amelia," anang boses na galing sa likuran ko.

Gulat na nilingon ko ito. "Ate Aurora?!" sambit ko, may halong pagtataka ang aking boses. Hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko.

"Anong ginagawa mo rito? Mamaya pa kayo pupunta ni Mama, 'di ba?" takang tanong ko.

"I hope it's alright with you, but I was wondering if p'wedeng sumabay na lang ako sa 'yo?" Pakiusap pa niya. Parati silang sabay na pumupunta ni Mama sa tuwing may event si Papa, kaya first time 'to na gusto niyang sumabay sa akin.

I quickly nodded. "Yup, okay lang sa 'kin." Total pupunta rin naman kami roon, so okay lang siguro na sabay kami ni Ate Aurora.

"Thank you, Amelia," aniya sabay ngiti ng matamis sa akin.

Ngumiti na lang ako pabalik kay Ate Aurora.

Si Ate Aurora ang nakatatada kong kapatid. We're five years apart, and she's usually the quieter and shyer one between the two of us. She's super smart and excels in school. Many people describe her as being quite conservative in her beliefs and behavior, and she is often compared to the character of Maria Clara from the novel "Noli Me Tangere." Despite her shyness, Ate Aurora is a kind and caring person who always puts others before herself.

Tahimik kami pareho ni Ate habang may kanya-kanyang sariling mundo: siya nagbabasa ng libro, ako naman nakikinig lang ng mga kanta sa phone ko.

Habang nasa daan ang tingin ko, napapasin ko ang paminsang pagsulyap sa amin ng driver. Ayokong mag-isip ng hindi maganda, kaya hindi ko na lang 'yon pinansin pa.

Mayamaya pa'y naramdaman kong may marahang kumalabit sa akin, agad kong tinanggal ang earphone. Nakakunot ang noo ko nang humarap ako kay Ate.

"Amelia, kanina pa may sumusunod sa atin," bulong niya. I heard her voice quiver as she leaned in closer to me. Tiningnan ko ang sinasabi niya and saw the massive vehicle looming closer and closer, its headlights blinding me momentarily. Panic set in as I realized we were being followed.

Bakit may sumusunod sa amin?

Luminga-linga ako sa paligid. Ngayon ko lang napagtanto na wala ang van kung saan nakasakay ang mga bodyguards ko.

Binaling ko ang tingin sa driver, na ngayon ay nasa daan lang ang tingin. I'm not sure if alam ba nito na may nakasunod na sa amin.

"Natatakot ako." Ramdam ko ang kaba sa boses ng kapatid ko.

"Huwag kang matakot, Ate. Nandito naman ako. Walang mangyayaring masama sa atin." Pilit kong nilalakasan ang loob ko kahit natatakot na rin ako.

Nang lumiko si kuya sa shortcut ay hindi na sumunod sa amin 'yong truck. Nakahinga ako ng maluwag.

"Thank God, hindi pala nila tayo sinusundan. Nagkataon lang siguro na pareho 'yong way natin sa kanila."

Buong akala ko mali lang 'yong hinala namin. Ngunit, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nagulat na lang ako nang bigla ulit sumulpot 'yong truck at binangga kami. Sa lakas ng impact niyon ay tumilapon ang sinaksakyan naming kotse sa gilid ng kalsada.

Wala akong ideya kung ilang minuto akong nawalan ng malay, basta ko na lang naramdaman ang paggalaw ng daliri ko.

Napangiwi ako sa sakit ng buong katawan ko. Para akong nabalian, dahil hindi ako halos makagalaw.

Pinilit kong maidilat ang aking mga mata, para hanapin si Ate Aurora.

Kailangan kong makita siya, gusto kong malaman kung okay lang ba siya.

"A-Ate..." nahihirapang tawag ko sa kaniya. Pero wala akong response na narinig.

Kahit masakit ang katawan ko'y pinilit kong lumingon sa likuran, pagkalingon ko nga sa kinaroroonan ni Ate ay tumambad sa akin ang walang malay niyang katawan. Nakabaliktad ang katawan at natatakpan ng buhok ang mukha niya. Halos madurog ang puso ko, punong-puno siya ng dugo. Ang bestida niyang kulay puti ay naging pula. Hindi ko na siya halos makilala sa itsura niya.

I couldn't stop crying—Ramdam kong hinang-hina na rin ako pero pinilit ko pa ring abutin ang kamay niya.

"A-Ate...A-Aurora..." ang huli kong nasambit, bago ako nawalan ng malay.

After regaining consciousness, I slowly opened my eyes and was pleasantly surprised to see Ate Aurora standing beside me. She had a kind and reassuring smile, instantly making me feel safe and calm.

"A-Ate..." pagtawag ko sa kanya.

I looked around and realized that I was lying on a hospital bed, surrounded by medical equipment.

"Gising na po si Señorita Amelia!" rinig kong sigaw ng babae.

"A-Ate Aurora..." tawag ko pa rin kay Ate. Bakit gano'n? Parang unti-unti siyang naglalaho sa paningin ko.

"Amelia? Anak? Kumusta ang pakiramdam mo?"

"S-Si Ate A-Aurora..." Dahan-dahang tinaas ko ang aking kamay para maabot ang kapatid ko.

Mahahawakan ko na sana ang kamay niya, ngunit bigla naman akong pinigilan ni Nanay Haidee.

"Nak, wala rito ang Ate Aurora mo," malungkot na saad niya.

Kunot-noo kong binalingan ng tingin ang matanda.

Anong wala? Eh, nandito nga siya sa tabi ko.

Gumuho ang mundo ko sa sumunod na sinabi ni Nanay Haidee.

"Patay na si Aurora."

Aurora's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon