Kabanata 05

1.6K 60 21
                                    

Amelia

Nagmamadali akong naglalakad papunta sa opisina ng isa kong propesor, pinatawag niya kasi ako dahil nakalimutan kong ipasa kanina iyong pinapagawa niyang project sa amin. Ngayong araw ang deadline niyon, nakalimutan ko lang dahil sa kakaisip kay Ate Aurora. Matapos ko kasing iwan siya noong isang linggo ay hindi ko na ulit siya nakita.

Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng dahilan kung bakit niya ako iniiwasan. Dahil ba sa pag-iwan ko sa kanya? Nagtampo ba siya? Hindi ko lubos maisip na kaya niya akong iwasan ng isang linggo. Nasa iisang bahay lang naman sana kami, pero hindi kami magkatagpo-tagpo.

Sa tuwing pinupuntahan ko siya sa silid niya ay wala rin siya roon. Hindi narin siya pumapasok sa klase niya.

Hindi kaya'y nagpapamiss lang siya? Kung oo, umeepekto na.

Nang maalala kong iniutos din pala ni Miss Lobrera na kuhanin iyong libro na hiniram niya sa library ay dumaan ako sa shortcut papunta roon. Medyo malayo kasi ito sa nilalakaran ko kanina kaya dito ako dumaan sa may mini garden ng eskwelahan.

Nang makalagpas ako sa garden, nakita ko na agad ang library. Pumasok ako sa loob, saka hinanap ang librarian.

"Hello po?" Walang sumagot, baka nagtatanghalian pa 'yon ngayon. Babalik na lang ako mamaya.

Akmang itutulak ko na iyong glass door nang makarinig ako ng mahihinang ungol. Nagmumula 'yon sa pinakadulo ng silid aklatan na 'to.

Bigla akong ginapangan ng takot. May usap-usapan pa namang may nagpakamatay dito noon.

Hindi ko na lang sana ito papansinin dahil baka kung ano pa ang makita ko, pero habang tumatagal ay parang umiiba iyong tono ng pag ungol na naririnig ko. Para ba itong nasasarapan.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa dulo. Sa pinakalikod ng mga malalaking lagayan ng libro nagmumula ang mga ungol. Habang papalit ako rito'y palakas naman ng palakas ang ungol nito. Parang alam ko na ang ginagawa nila.

Hindi ko mapigilan ang sariling tingnan kung kanino nanggaling ang ungol. May tumutulak sa akin na sumilip.

Jezaz, makakakita pa yata ako ng live na p*rno.

Pasimple akong sumilip mula sa kabilang side ng estante. Hindi naman nila ako makikita dahil sobrang lalaki ng libro na nakalagay doon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang mga babaeng gumagawa ng milagro ngayon.

Ang isa sa pinaka-maganda at pinaka-sikat na estudyante rito, si Koleen De Lira, na ngayon ay nakataas ang suot na skirt at nakabukaka sa sopa. Sarap na sarap siya sa ginagawa ng babaeng nakaluhod sa harapan niya. Sa kanya pala nanggagaling 'yong malanding ungol na ang sakit sa tainga.

At ang babaeng nagpapaligaya sa kanya ngayon na halatang nag e-enjoy sa kinakain niya ay walang iba, kung hindi, ang babaeng iniiwasan ako ng isang linggo...



"Ate Aurora..."

....

"Anyare sa 'yo, ka-pocky? Para ka yatang natatae sa itsura mo ngayon," natatawang wika ni Chet bago naupo sa tabi ko. Sumunod naman sa kaniya ang isa pa naming kaibigan na si Priyanka, umupo rin ito sa harapan namin.

Aurora's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon