Sorry sa matagal na update!
******************
"Tala! May sasabihin ako sayo"lumapit ako sakanya nang nakangiti at kinikilig.
"Hmmm? Bat ka kinikilig dyan?" napapatawa niyang sagot sa akin.
"Kasi, hahaha nginitian ko si Paul!"
"Yun na yun? Kinikilig ka na dun?"tsk hindi pa kasi ako tapos!
"Ala! Wait lang kase! Sabi ko nginitian ko si Paul at ngumiti rin siya sa akin! Hahaha!"
"Eh?!"hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
"Oo nga! Haha ang galing nga nginitian niya ako!" hindi ko maitago ang kilig ko.
"Aaaaahhhh" ayan na umirit na si Tala at pinapay-payan ang sarili niya. Sus kinikilig rin lang yan sabay tulak sa ulo ko
"Haba ng hair mo Shane!" nakangiti niyang sabi sa akin.
"Kaya nga haha" maya-maya dumating na ulit ang teacher namin at nagsimula na ulit ang klase.
Most of the time, nagdadaydream lang ako buti nga hindi ako nahuhuli ni Ma'am eh. Si Tala naman, ayun nakikinig lang, mabuti na rin yun para may mapagtatanungan ako haha. Pero seriously, hindi ko talaga iniexpect na ngingiti rin siya sa akin.
After classes, nag-ayos na kami ng gamit ni Tala at lumabas na ng room.
"Uy pano, ikaw na lang ang gagawa ng intro at methodology ako na lang dun sa iba ha? Text na lang."pagsisimula ni Tala.
"Ge. Mag-online ka na lang! Tinatamad nga akong magtext! Chat na lang."
"Fine bat kase ang tamad mong magtext? Nakaplan ka naman ah"
"Eeh nakakatamad nga yaan ko na para isang bukasan na lang! Pag kasi text, cellphone at laptop naman para sa research eh pag chat, laptop lang ang gamit. Oh diba? I'm conserving energy!"
"Conserving energy ka dyan! If I know, nakalaptop ka nga, bukas din naman ang phone mo para sa music!"
Bull's eye.
"Haha yaan mo na kase! Chat na lang at tsaka alam mo ba kung kailan daw ang defense?"pag-iiba ko ng topic.
"Hindi nga rin eh pero baka mga next next week pa yun."nag-iintay na kami ng jeep pauwi. Maya-maya naman, may dumating nang jeep papunta sa bahay nina Tala kaya sumakay na siya.
"Bye Shane!"
"Bye!"sabi ko at nag-wave. Maya-maya naman ay may dumating na ulit na jeep papunta naman sa amin kaya sumakay na ako. Pagkarating ko sa bahay, naggawa ako ng mga assignments ko tsaka nag-online. Tiningnan ko naman kung online si Tala pero hindi pa eh. Tinawag na ako ni Mama para kumain kaya iniwan ko muna ang mga ginagawa ko.
Pagkatapos naming kumain at pagkatapos kong maghugas ng plato, yep naghuhugas din naman ako ng plato no! Good girl ata to! Bumalik ako sa loob ng kwarto ko at may notifs na. Online na rin si Tala. Binuksan ko ang notifs ko that made me scream at the back of my throat.
Paul Perez sent you friend request.
Syempre naman accept ko agad! Aab wag nang pabebe! Kanina nga lang iniisip ko kung iaadd friend ko ba or hindi eh. And then now, BOOM! Haha anf swerte ko talaga! Thank you po God! I love you...
May nagmessage naman sa akin. Tiningnan ko agad at truth to be told, iniisip kong baka si Paul to. Pero malabo eh. Pagkabukas ko, si Tala pala.
"Oy babae, print mo na rin ha? Tapos pacheck natin kay Sir bukas."
"Okay:) at tsaka may sasabihin ako sayo bukas haha!" sagot ko sa kanya.
"Bakit bukas pa? Ngayon na!"
"Bukas na! For you to have something to look forward to haha!"
"If you insist. Basta gawin mo na yan!" pagsuko niya sa akin haha.
"Okay:D"
Bumalik na ulit ako sa paggagaw ko ng papers namin ng bigla ulit may nagchat. I'm not expecting that it is Paul because I can't find any reason for him to chat me. Binuksan ko yung message.
"Shane last week nga pala ng August ang defense:)"
But then again, I've never expected Paul to chat me yet he did.:-]
Chinat ko naman siya ng 'thank you' at nagtanong pa nang kung ano ano para lang may magawang topic. Maya-maya, smiley na lang ang sinagot niya at naglog-out na rin. Tutal inaantok na rin ako, naglog-out na rin ako at natulog nang nakangiti.