Research 3

70 5 0
                                    

Here's another update!:)


*******************


Nagising ako ng maaga ng may ngiti sa aking labi. Paano ba naman akong hindi ngingiti, eh inadd ako ni Paul, tapos minessage pa niya ako! Oh diba ang swerte ko? Ang bait lang talaga kase ni God, kaya lab na lab ko yan eh haha.


Nagprepare na ako para sa school at bumaba na para kumain.


"Good morning ma!" masigla kong bati sa kanya.


"Ehem" ay nandun na rin pala si papa hindi ko napansin.


"Hi papa!:)" ngumiti naman siya at pinagpatuloy na ang ginagawa niya.


"Ge sila na lang ang pansinin mo, ganyan ka naman." napalingon naman ako sa nagsalita kong kapatid.


"Asus naman! Tampo ka na nyan? Osiya di, GOOD MORNING KIM!"nagtatakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Napatawa naman siya.


"Haha oo na good morning din"


"Let's eat na!" sabi sa amin ni mama kaya nagsimula na kaming kumain.


"Agang-aga Alexa ang laki ng ngiti mo ah." Alexa ang tawag nila dito sa akin sa bahay.


"Masama po ba pa?" tiningnan ko si papa ng nakangiti pa rin.


"Hindi naman"


"Haha."I chuckled.


"Ang saya mo ngayon Alexa, may nangyari ba?" nakangiting tanong sa akin ni mama.


"Nako naman, hindi na kayo nasanay ma, pa, pag hyper yang si ate eh syempre may inspiration yan! Diba ate?"sabay tingin sa akin Kim na pataas baba pa ng kilay.


Natahimik naman ako dahil lahat sila tiningnan ako!


"Masama na bang magkaroon ng inspiration?"tanong ko naman sa kanila.


Tumawa si papa ng mahina. "Hindi naman anak, kaya lang hanggang inspiration lang muna ha? Aral muna."


"Syempre nama---------"


"Tsaka Alexa, tsaka na yang mga boyfriend boyfriend na yan ha? Aral muna okay lang na crush at inspiration muna."

My Research PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon