Update:D
(Sinisipag akoXD)
***************
Pagka-uwi namin, buti na lang at wala nang masyado pang gagawin. Nag-instagram at twitter na lang ako at natulog na. Pero kahit ilang beses kong isiksik sa isip ko na malas siya, na hindi ko na crush, na hindi na siya, hindi ko pa rin magawang mapaniwala ang sarili ko.
'Bakit siya magiging malas kung siya nga mismo ang nagbalik sayo ng kailangang-kailangan mong papeles kanina?'
'Kung hindi mo na siya crush, bat ka nakangiti nagyon?'
'At higit sa lahat, kung hindi na siya, bakit may mga paru-paro ka pa rin sa tiyan tuwing makikita mo siya?'
'Pero Shane, kung hindi dahil sa kanya, hindi mo maipapasa ang dapat mong ipasa kaninang one.'
Taeng mabango naman oh! Paano ko pa nga ba mapapaniwala ang isip at sarili ko kung mismong isip ko ang nagbabato ng mga tanong na kumokontra sa gusto kong isipin?! Aish! Naiinis ako! Naiinis ako dahil kahit anong gawin at isipin ko para mawala na tong paru-paro man o ano sa tiyan ko pag nakikita ko siya, eh waepek pa rin! Ayan, kahit ngayon sa pagtulog ko, para akong sira na nakakunot ang noo tapis ngingiti na naman pag naiisip yung ginawa niya kanina.
Sa huli, hindi na ako nagpakapagod na paglabanin mismo ang sarili kong mga iniisip, kaya naman natulog ako na si Paul pa rin ang laman ng isip ko. Pero..may kakaiba na, bakit....dati, tiyan ko lang ang naapektuhan pag nakikita ko siya pero bakit ngayon,
Pati puso ko may kung ano na ring gumagambala na nagsasanhi ng pagbilis ng tibok nito?
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Maaga akong nakarating sa room pero as usual, wala pa rin si Tala. May isang sumilip sa room na parang may hinahanap kaya pinuntahan ko na lang.
"Ah, ano po yun?" tanong ko.
"Yang pinapapunta po kayo ni Sir Mendoza sa computer laboratory. Pakidala raw po ng presenation niyo. Mamaya raw pong seven." tuloy-tuloy niyang sabi.
"Ah, sige po. Salamat!"
Ngumiti na lang naman siya at umalis na. Tumingin ako sa oras, 6:35 buti maaga pa lang. Buti na lang din pala at na saakin yung flash disk na naglalaman nung presentation namin.
Then it hit me, taeng mabango! Baka magpractice kami ng defense, eh diba hindi pa kami nagsasa-ulo?! Aish! Biglq kong naalala na hindi ko pala dala ang laptop ko. Kaya naman dali-dali kong tinawagan si Tala at mabilis naman niya itong sinagot.
"O?" bungad niya.
"Oy, dalhin mo laptop mo, practice defense natin ngayon. Asan ka na ba?" sunod-sunod kong sabi.
"Nag-aabang na nang jeep pero pabalik na sa bahay para kuhanin ang laptop ko." pagdedetalye niya.
"Haha loko ka."