Chapter Two - TS,WL

16.8K 307 3
                                    


Stephanie

"Manang, I'm ho--" napakunot yung noo ko sa ginawa ni Manang, she put a finger on her mouth, na para bang sinasabi na tumahimik ako, "okay ka lang?"

"Umuwi ng maaga si Sam, mukhang wala ata sa mood. Wag daw siya abalahin, kaya ikaw bata ka wag ka muna masyado mag iingay. Alam mo naman kung paano mainis yun."

Nag taka ako ng very slight, nakita ko siya kanina kasama yung mga ibang co-teachers niya (na mostly babae at kung makatitig sa kanya halos kainin na siya ng buhay) na tuwang tuwa. Tapos ngayon, biglang wala nanaman sa mood?

Well, what's new. Tuwing umuuwi naman siya laging wala sa mood. Wag nalang siya umuwi kaya?

Tsaka ang sad! Bakit kasi ang aga niya umuwi? Tuwing hapon kasi pag umuuwi ako, wala pa siya. Gabi na minsan umuuwi. This is the first time I came home ng hapon na andito siya.

Ano ba yan!

"Manang, akyat nalang po muna ako."

Agad agad akong pumasok sa kwarto at inilabas yung laptop ko. Habit ko na mag blog lately, kaso I've never had the guts to publish any of my works. Ginagawa ko nalang siyang online diary.

Blog entry # - Today has been quite eventful, surprising actually. Certain memories were brought up because of what happened this morning. Hinalikan nanaman ako ng asawa ko. When his lips touched my cheek, naramdaman ko nanaman yung feeling na yun. That painful yet satisfying feeling. Bittersweet. I can't help but question myself, have I truly moved on or? 

Napatigil ako sa pag sulat, "very wrong Stephanie." Bulong ko sa sarili.

I closed my eyes to gather my thoughts. 

Sam was my first love. Hindi ko naman ikinakaila na simula bata palang kami, may gusto na ako sa kanya. Kaya when our Dads decided to honour our Moms wishes, hindi na ako nakipagtalo. When we got married, I was happy. Sino ba naman ang hindi magiging masaya diba? I got to marry the person that I loved. Oo, bata pa ako nun, pero at a young age, I had the slightest idea of what love and infatuation was.

We've been friends since childhood, naging pabiruang kasunduan ng mga magulang namin na balang araw kami yung mag sasama habang buhay. It was our Moms dreams, pero unfortunately, hindi na nila nakita na matupad yung mga pangarap nila dahil sa isang aksidente na bumawi ng mga buhay nila. 

Nung namatay ang Mommy ko, si Sam yung naging sandalan ko. Siya yung naging lakas ko kahit na I knew nawalan din siya. Masungit siya, alam ko pero he has always been good to me. Nung nawala Mommy ko hanggang sa kinausap kami ng mga Tatay namin na nais nilang tuparin ang hiling ng mga Nanay namin, he never hesitated. Nangako siya na hangga't sa abot ng makakaya niya, siya yung mag aalaga sa akin. 

Ngayon ko lang na-realize na ang dami palang nawala sa kanya when he agreed to marry me. I married the person I loved, pero siya ba? When he decided to marry me, natali siya sa isang tao na hindi niya naman mahal. He lost his chance to be with the woman he loved, to build a future with her, to build a family. Kaya naman siguro ganito yung pag trato niya sa akin. 

One day, I woke up and everything changed, he changed. Four years has passed and my feelings for him slowly faltered. Pero may mga times na minsan, he does something that makes my heart skip a beat and I start to question everything again. But I'm not 16 anymore and I've finally accepted that things will never be the same again and yet here I am in a loveless marriage. 

Tumingin ako sa laptop ko and as usual, saved as draft ulit. I closed my laptop afterwards at nag p-plano ng maligo, ka-chat ko sila Telle at Kaye, ang mga bruha nag aaya mag lakwatsya pero tinatamad ako. 

To Sir, With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon