Lawrenz
Hindi ko na namalayan, napindot ko na yung doorbell.
Shit.
Gusto 'kong tumakbo, pero hindi ko magawa.
Napangiti nalang ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na nakangiti sa harapan ko, guminhawa bigla ang loob ko.
"Lawrenz? Ikaw ba yan?"
Napakamot ako sa ulo ko, "Manang, nagising ko po ba kayo?"
"Nako, hindi. Gising pa ako," pinapasok niya ako sa loob, "pumasok ka. Wala pa si Sam, pero yung si--
"Stephanie po?"
Nagulat si Manang, pero nangiti naman siya ulit. "Oo, anak. Yung batang yun kasi, sobrang hilig manuod ng teleserye, kaya sinasamahan ko nalang muna, naadik na rin ako." tumawa si Manang.
Napangiti ako.
"Teka, kelan mo pa nalaman na nagsasama sa iisang bahay si Sam at Stephanie?"
"Matagal na po, mag-aapat na buwan ko na rin pong alam na kasal na sila."
"Ganun ba? Mabuti naman, nako! Kausapin mo nga yang kaibigan mo anak, masyado na kasing sumusobra. Naaawa na ako kay Stephanie."
"Bakit po? Sinasaktan niya po ba si Stephanie?"
"Hindi anak, ni minsan hindi nagawang pagbuhatan ng kamay ni Sam si Stephanie. Yung pananalita niya lang, ako na yung nasasaktan para kay Stephanie eh."
"Manang..."
Nagulat kaming dalawa ni Manang ng marinig ang boses niya. Nung nakita ko siya, lahat ng problema ko, naglaho.
Mas lalo siyang gumanda.
"Hi." pabulong na sabi ko
"Sir Lawrenz?"
"Lawrenz nalang, I'm no longer your teacher."
She nodded, biting her lip.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa dito, Stephanie, samahan mo muna si Lawrenz."
"Sige po Manang."
"Ipagtitimpla na rin kita ng gatas, ilalagay ko nalang sa mesa. Kunin mo pag papasok ka na."
"Opo." humalik si Stephanie kay Manang, ako naman yumakap nalang din.
Gumaan ang loob ko kahit papano, at least nandito si Manang para alagaan si Stephanie.
"Tara sa labas?"
"Sige."
Naupo kami sa swing set nila.
"Kelan mo pa nalaman?" tanong niya
"Matagal na."
She nodded in response, hanggang sa nakita ko nalang na may luha na tumulo sa pisngi niya, my heart was breaking. Ganito na ba kasakit?
"Are you okay?"
Again, she nodded, quickly wiping her cheek.
"You love him, don't you?"
"I want to say no, but then I'd be lying."
"Alam mo, mahal kita. Sa akin ka nalang, hindi kita sasaktan."
Napatingin siya sa akin, ako naman napahilamos sa mukha ko.
"Sorry, hindi ko sinasadya na sabihin, I didn't plan on saying it like that. That was lame. Nadala lang ako ng mga emosyon ko. These past few months have been crazy. I wanted to forget you, I left the school, because I wanted to pursue you, pero tangina, may asawa ka na pala. Kaya sinubukan ko talaga na kalimutan ka. Pero hindi ko kaya Stephanie, hindi ko kaya. You have a hold in my heart that I can't get rid of. I wanted to leave you alone but I couldn't, so now, I'm here. Asking for you."
BINABASA MO ANG
To Sir, With Love
Roman pour Adolescents[FIN] "... Isn't it funny? How things happen so unexpectedly? One minute may iba kang plano para sa buhay mo but then all of a sudden life throws something way different at you? Yung mga bagay na akala mo magiging panghabang buhay na, hindi pala. Mi...