PLM #4

26 1 0
                                    

#4

---

HIS POV

"Oo para sayo Yanna...iintindihin kita kahit masakit" huling sabi ko bago siya makatulog ng tuluyan.

Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mga mukha niya.

Im not attracted into chubby girls, but when the first time I met her. Nagbago ang gusto ko.

At first pangaasar lang ang ginagawa ko sa kanya. Pero nung tumagal sa kakaasar ko sa kanya nahulog na ako sa kanya.

"Bakit pa kasi siya? Eh andito naman ako?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko na hindi niya ako maririnig.

"Pre.."

"Ang hirap itago ang nararamdaman ko Rei.. Sobrang hirap" sabi ko sa nagsalita.

Alam ng tropa bukod kay Bakla na mahal ko ang katabi ko ngayon.

"Pare.. Sabihin mo na lang kasi sa kanya?" sabi ni Rei.

"Pare ayaw ko ipagpilitan ang sarili ko, mas gugustuhin ko pa unahin ang kasiyahan ng mahal ko kaysa saakin. Ayokong maging selfish pagdating sa kanya.. Siya ang mahal niya..sobrang mahal na mahal nya ang gagong yun" sabi ko. Andrama ko ba? Hindi ah. Nagmamahal lang ako.

"Ano hanggang one sided love ka na lang?"

"kung yun ba eh. Eh di ganun na nga.. Makita ko na siyang masaya. Masaya na din ako kahit masakit" sabi ko sabay hawak sa pisngi ni Yanna.

"well its up to you pre kung gusto mo saktan ang sarili mo... Nasa sayo ang desisyon pre..hindi masamang umasa.. Kung ako sayo lakasan lang ng loob yan. Kung reject atleast alam mo..hindi mo malalaman ang kinalabasan kung hindi mo ito susubukan.. You have to conquer your fears in rejection pare." mahabang litanya nya saakin.

Napangiti ako. I have to conquer it. Pero hindi pa ngayon. Kailangan ko muna ihanda pa ang sarili ko.

"salamat sa words of wisdoms mo pre. Laki ng tulong" sincere na sabi ko.

*****

Hinatid ko na pauwi si Yanna. Masyado syang napagod sa program ngayon.

Nandito na ako sa kuwarto.

Iniisip nanaman SIYA.

Ganito naman lagi eh. Lagi ko syang iniisip.

I sighed.

Naalala ko tuloy yung unang pasukan namin na nalaman ko kung bakit siya nag eemo sa mga gm niya.

< FLASHBACK >

Lunch BReak na namin nun.

Niyaya namin si Yanna kumain. Mukhang walang balak kasi kumain pero pinilit namin.

"Ano gusto mo taba?" tanong ko sa kanya. Ganda ng endearment ko sa kanya nuh? Dyan ako nainlove sa taba niya. XD haha joke.

Hinawakan nya ako sa noo at leeg.

"a-ano ba ginagawa mo?" sabi ko. Nabigla kasi ako sa ginagwa niya ehh.

*DUG DUG DUG DUG*

"wala ka naman lagnat..tsk. Baka naman nasapian ka ng mabait na espiritu payats?" sabi Nya saakin.

-____- Minsan na nga maging mabait pinansin pa.

"tss. Ikaw na nga ililibre eh! Bahala ka dyan" sabi ko sabay umalis na at pumunta na sa tindahan.

Bumili lang ako ng dalawang sandwich. Tag isa kami.

Papunta na ako sa kinauupuan nila ng..

Di ko sinasadya na maki isyosyo. Pero narinig ko na talaga eh.

Please Love Me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon