PLM#9

19 0 0
                                    

YANNA's POV

Patagal ng patagal feeling ko nahuhulog na talaga ako kay Curt. Di ko alam e. Sa twing magkasama kami lagi nyang napapabilis ang tibok ng puso ko, lalo't na maeffort syang tao.

Pinapadama nya na mahalaga talaga ako sa kanya.

Hays Mahal ko na talaga si Curt. Sa isip-isip ko.

Naalala ko nanaman yung date namin kahapon! Yung nagsimba kami. >\\<

Habang kinikilig ako dito, biglang

nagvibrate phone ko.

* Lexter Calling *

Natawag sya? Bakit naman kaya.

Sinagot ko na lang ito para malaman ko.

"Hello" sagot ko.

"Hi..."

"Uhm napatawag ka?" tanong ko.

Ngayon ko lang napagtanto ngayon ko lang sya naalala.

"Namimiss na kita e..." sabi nya. Di ko alam ang isasagot ko sa sinabi nya.

"Hahaha. Kita naman tayo." sabi nya alam kong peke yung tawa nya.

"Bakit?" tanong ko.

"Magusap tayo. Sa park" sabi nya at narinig ko na lang ang dial tone.

--

Nandito ako sa Park. Nakita ko si Lexter nasa may basketball court may kasama sya. Ay mali may kalaro pala, dahil madilim di ko makita kung sino kalaro nya. Lumapit ako at nakita ko.

"Curt?"

"Yanna anong ginagawa mo dito?" tanong ni Curt sabay lapit saakin.

"Pinapunta ako ni Lexter e. Ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Niyaya ko syang maglaro." si Lexter na ang sumagot.

"Ano ba meron?" tanong ko.

"Tara Curt ituloy na natin ang laro." hindi pinansin ni Lexter ang tanong ko.

Bumalik na ulit si Lexter sa pwestong nya kanina, pabalik na din si Curt ng hinila ko sya sa kamay.

Tumingin lang ako sa kanya na para bang naguusap kami sa titigan lang.

"Wag kang mag-alala kaya ko to." sabi ni Curt sabay ngiti. Ewan ko gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. At bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Pinanuod ko ang laban nila.

--

Panalo si Lexter. Pero kung iba nanalo matutuwa pero sya hindi. Mas lalong lumungkot ang mukha nya.

"Ang galing Mo Curt! Pero ayos lang yan." sabi ni Yanna kay Curt.

'Ako ang panalo pero si Curt ang inuna nya' sa isip-isip ni Lexter.

"Nice game pre." sabi ni Lexter na napansin naman agad ito ni Yanna.

"Ayos ang laro pero para saan at naglalaro kayo? Ano bang meron?" tanong ni Yanna.

"Yanna Makinig ka saakin mabuti a?" sabi ni Lexter. Tumango naman si Yanna bilang pagsagot.

"Yanna.. Walang kwenta ang paghahamon ko kay Curt..ako nga nanalo sa laro..pero sa puso mo. Talo ako. Natalo ako. Nagsisisi ako na pinakawalan at pinabayaan ko ang tulad mo. Masyado akong makasarili at sa kagaguhan ko pinakamahalaga sa buhay ko nawala na saakin at ikaw yun. Akala ko may pagkakataon na maging okay na tayo. Pero hindi pala. Hindi porket binigyan ng second chance e kayo na, pang hanggang friends lang siguro yung second chance na yun. Sobrang sakit Yanna pero kasalanan ko yun. Ako ang gumawa ng sarili kong kasalanan. Kung noon pa ikaw na lang pinili ko di sa ganto. Pero huli na ang lahat. Napapaligaya ka na ni Curt, at alam ko sa kanya mararanasan mo ang hindi ko naibigay sayong pagmamahal noon. Pero Yanna I want to make it clear. Totoo minahal kita. Pero natakot ako. Dahil kay Steph mas inuna ko sya. Im sorry Yanna kung nasaktan kita noon. Mahal na mahal kita." umiiyak na sabi ni Lexter. Hindi na nya nakayanan pa.

Napaluha si Yanna. Naiintindihan nya si Lexter. Tao lang si Lexter nagkakamali. At alam naman ni Yanna na minahal naman sya nito.

"Lex.. Thank you." nasabi na lang ni Yanna at niyakap nya ito.

Kahit nagseselos si Curt sa yakapan ng dalawa naging matured parin sya at inisip na lang na bilang magkaibigan na lang yun.

"Tingnan mo masama tingin ni Curt" pagbibiro ni Lexter kay Yanna.

"Hahaha ay sorry. Di yan mahal ako nyan e." sabi ni Yanna.

"Mga baliw kayo! Haha halika nga dito Yanna. Akin ka e." pagbibiro ni Curt. Naging okay na sila. Mas okay na yung ganyan.

May mga tao talagang hindi para sa isa't-isa. Na minsan dumarating na lang ito sa buhay nila upang mas lalo pa itong patatagin at maging malakas.

--

Kinabukasan nabalitaan na lang namin umalis na si Lexter kasama si Steph. Alam na namin ang sitwasyon ni Steph, nagsorry sya saakin pero di naman ako galit sa kanya. Kaya naging okay din kami.

Lumipas ang limang taon.

Nabalitaan namin na gumaling daw si Steph at ayos na ito. Nagpakasal na din sila ni Lexter. At mismo si Lexter pa nag-aya nito. Iniimbitahan na nga kami e. Akalain mo yun, sila talaga para sa isa't-isa. Nakakatuwa.

E kami ni Curt?

Hays. Wala na.

Wala ng mas hihigit pa ang pagmamahalan namin. Hahaahahha. Kahit limang taon, lagi pa rin kaming inlove sa isa't-isa.

"Yatssss!" sigaw ko kay Curt. Busy sa pagluluto e. Sweet ng future husband ko. Hihihi.

"Oh Tabs?" tanong nya.

"Gusto ko ng mangga! Tapos gusto ko chocolate! Pati na din tinapay! May palaman nutella a? Tapos gusto ko din ng bagoong! Pati kamiasss! Waaaahhhh! Gustooo koo!" pagkukulit ko.

"Jusmeyo Tabs! Ang dami! Ano patabain baboy ka lang? Para kang naglilihi.." kamot-ulong sabi ni Curt.

"Grabeee ka! Hmp. Ayaw mo ba? Sige ka magugutom si baby." sabi ko sabay pout.

"Tse! Nananaba ka na nga e..tska baka magutom si baby ka --- ANO KAMU? BABY?" gulantang sabi ni Curt.

"Oo. Bakit." sabi ko.

"BUNTIS KA?"

"Hihihi. Dapat surprise e. Di ko kasi napigilan pagcrave ko e. OPO payats. Magiging ama ka na! Kaya pakasal na tayo!" sabi ko.

"YUHOOOO! TATAY NA AKO! TARA NA PAKASAL NA TAYO NGAYON DIN!" sabi nya habang nagtutumalon.

Nagtigin din agad sya at dali-daling lumapit sa tiyan ko. "Baby..hello ako tatay mo! Sana magkasundo tayo a! I love you! Mahal ko kayo ng mama mo!" sabi ni Curt.

Napangiti ako. At napaluha. Ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

-END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please Love Me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon