PLM #8: UNTOLD FEELINGS

18 0 0
                                    

A/N :

Etong chapter na ito ay mga POV ng mga characters about sa UNTOLD FEELINGS NILA. iisa-isahin na natin sila.

Enjoy reading~

----

LESTER's POV

Hi! Kilala niyo naman ako di ba? Ako yung taong mahal ni Yanna.

Wag niyo ako husgahan sa role ko dito. Di ko sinadyang saktan si Yanna.

Ang totoo nyan. At first I like Yanna nung noong Lastyear. Kaya inumpisahan ko ng magpapansin sa kanya. Oo chubby sya. Pero wala akong pake. Mabait sya. Matalino. Talented. At friendly. Kaya nagustuhan ko sya.

Nagumpisa na akong asarin sya. Kulitin. Tapos hanggang sa naging katext ko sya. Duon na ako dumamoves. At tagumpay naman ako.

Napaibig ko sya. At syempre tuwang-tuwa naman ako nun. Pero ayaw ko pang maging kami. Gusto ko kasi makagraduate pa kami eh ayaw ko masira kinabukasan namin dahil lang sa pagmamahalan namin. Sabi nga nila mahalaga ang pagaaral. Kaya yun hanggang MU lang muna kami.

Lagi kaming magkatext at magkatawagan nung bakasyon. Pero nung lumipas nasira ang phone ko at di nakapagparamdam sa kanya. Di nya lang alam kung gaano ko sya namiss nun. Nung pagkaayos agad ng phone ko tinext ko kaagad sya. Nagtampo nga sya eh. Pero nagpaliwanag ako.

Habang tumatagal sa araw-araw na magkatext kami. Parang nagsasawa ako. Madalang na lang ako magreply sa kanya, ewan ko ba nawalan ako ng gana? Hindi ko alam sa sarili ko.

Pero nung nag gm naman sya na may mahal sya. Nagselos naman ako. Naguguluhan talaga ako sa sarili ko.

Isang beses may nagtext saakin. Si Steph. Long time crush ko na sya kasi maganda sya at sexy. Kilala pa sya sa skul. Nagulat na lang ako ng umamin sya na may gusto sya saakin. Awtomatikong sinabi ko din na gusto ko sya. Dahil sa isip-isip ko sayang ang chance.

Naging kami ni Steph. Ewan ko pagdating kay Steph di ko siya matanggihan.

Alam ko nasaktan ko si Yanna. Pero wala eh eto ang gusto ko.

Nagpasukan na. Magkaklase pa rin pala kami ni Yanna pero ang masaklap ka section din namin si Steph. Dahil kami nga ayun lagi syang nakadikit saakin.

Nung nakita kami ni Yanna. Tiningnan ko sya. Kaagad naman syang umiwas ng tingin saakin. I saw pain in her eyes. At ako ang reason nun. Nasaktan ko sya. At ang tanga ko. Gusto ko magsorry pero wala akong lakas na loob.

Napansin ko naging tahimik na si Yanna. Dahil din ba saakin yan. Napapansin ko din laging nakabuntot sa kanya yung Curt. Ewan ko pero may nararamdaman ako sa puso ko. Si Steph ang mahal ko di ba? Hays.

Yung sa pilian ng mga club. Pumunta ako sa hawak ni Steph na club. Di ko akalain na nandun si Yanna. Nasaksihan niya ang yakapan namin ni Steph. At ang pagtawag ko kay Steph na Mhine na dapat sya yun.

Kumanta nun si Yanna. Damang-dama ko ang bawat kantang binibitawan nya. Patama saakin. Guilt ba ang nararamdaman ko?

Nung inaway siya ni Steph wala akong nagawa. Pero nandun si Curt upang damayan sya. Na nasa isip ko na dapat ako yun.

Patagal ng patagal sa pakikipagrelasyon ko kay Steph. Nagiiba ang ugali nya. Masyado syang posessive saakin, mapanghinala.

May time pa nga na magtatangka siyang magpakamatay nung nalaman nya na may something kami ni Yanna dati. Pero nagpaliwanag ako. Sinabi kong sya ang mahal ko.

Ngayon ko naramdaman ang pagsisisi.

Lalo ng lagi si Curt ang kakulitan ni Yanna. Parang ako lang dati pero sya na ang pumalit.

Please Love Me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon