PLM #6

18 1 0
                                    

#6

NORMAL POV

Pasuray-suray na naglakad si Curt.

He kept murmuring na 'mahal na mahal kita Yanna'

Iyak-tawa na din ang ginagawa niya, kung may makakakita lang sa kanya aakalain na nababaliw na siya.

Pero hindi nasawi lang siya sa pagibig.

"Masakit pala talaga magmahal." sabi ni Curt. Kinakausap niya ang kanyang sarili.

Mabuti nakauwi siya ng ligtas sa kanila.

Pagpasok niya, nagulat ang kuya Clark niya sa kanya.

"Curt..ano nangyari sayo? You look wasted.."nagaalalang tanong ni Clark sa nakakabatang kapatid niya.

"Yeah fuckin'wasted" and Curt laugh bitterly.

"Ano ba talaga nangyari Curt?"inis na sabi ni Clark. Ayaw niyang nagmumura ito.

"Im Just Yanna's Friend kuya. IM JUST HER FUCKIN'FRIEND!!!! AHHH" galit na sabi ni Curt.

Nagpapasalamat si Clark na wala dito ang Nanay nila.

Si Yanna nanaman ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kapatid ko sa isip-isip ni Clark.

"Stop it Curt. Magpahinga ka na."sabi ni Clark at inakay na si Curt papunta sa kuwarto nito.

Pagkahiga ni Clark kay Curt. Nakatulog na pala ito. May luha pa sa pisngi ng kapatid niya.

Naawa si Clark sa kapatid niya. Hindi naman ganyan si Curt. Hindi pa ito nagmamahal ngayon pa lang. At sa kaibigan pa niya.

Napailing na lang si Clark.

"Kailangan mong harapin ito magisa Curt....mas kailangan mo muna ay mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba..ayan lang mapapayo ko sayo"sabi ni Clark kahit alam naman niyang hindi sya maririnig nito.

****

"GOOOOOOD MOOOOORNINGGGG!"panggagambala ni Jero sa pamamahay nila Curt.

Tiningnan ni Clark ng masama si Jero. Nagpeace sign naman ito.

"ano tulog pa din?"tanong ni Jero.

"as usual. Nakita mo ba siya nandito? Akyatin mo dun!" utos ni Clark kay Jero.

Pumanhik naman si Jero sa kuwarto ni Curt.

Kakatok sana si Jero ng biglang magsalita si Curt.

"Pasok"sabi ni Curt.

Dahil masunurin si Jero pumasok naman ito. Nakita ni Jero na nakaupo sa gilid si Curt pero nakayuko ito sapo-sapo ang kanyang ulo.

"Hangover?" tanong ni Jero

"Tell me Its just a dream..." mahinang sabi ni Curt.

Ang tinutukoy nito ay yung nangyari kagabi. Hindi matukoy ni Curt kung totoo ba talaga yun o isang nakakatakot na panaginip. Pero hinihiling ni Curt ay sana panahinip na lang iyon.

"Yung alin Pre? Yung sumayaw ka ng pang macho dancer? Preee totoo yann!" pagbibiro ni Jero upang maalis ang tensyon sa pagitan nila.

Pero hindi natawa si Curt sa kanya, nakayuko pa din ito at seryosong-seryoso.

LYung sa narinig ko. Yung sa nakita ko. Totoo lahat yun di ba?" nagpipigil na naman si Curt.

"Pre...." hindi siya masagot ng diretso ni Jero.

"Totoo nga. Akala ko isang malaking bangungot lang yun. Hindi pala..." Curt laugh bitterly.

Naawa si Jero sa kaibigan niya. Alam ni Jero ang kalagayan ni Curt dahil naranasan din niya ito.

Please Love Me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon