Chapter 7: Don't dare to FALL INLOVE WITH ME

22 2 0
                                    

Chapter 7

Renz' POV

After niyang kumanta, hindi na ako nakapagconcentrate. Sa klase, para akong nabobo sa mga leksyon, ni hindi ako nakakasagot ng tama kapag tinatanong ako. Dalawang subjects, English at Social Studies pa naman bago mag-break. Bakit niya pa kasi ako pinatatamaan eh at nag-smirk pa?

"Hoy tol! Kanina ka pa diyann nakayulala ah, problema?" nabalik ako sa sarili nang kinausap ako ni Kyel, close pa rin kami.

"Problema? wala, may iniisip lang ako.?"

"Dahil ba sa kinanta ni Nadz noh?*smirk*"

"Ba't ba ang hilig niyong mag-smirk? Nakakainis na kayo ah! Pati si Jill." sabi ko na lang.

"Eh kasalanan mo rin eh." tumayo na siya. "Tara na, balik na tayo sa classroom."

Oo nga pala, nandito kami ngayon sa canteen, ni hindi ko nga nagalaw yung pagkain ko, sa loob ng 30 minutes yun pa rin ang iniisip ko. Bakit ba ako apektado?

*Bell ringing*

Tumayo na rin ako at sumama kay Kyel pabalik ng classroom. Dapat hindi ko ito iniisip. Dapat yung plano ko. Hindi ako magpapaapekto kay Nadine, kanta lang yun, wala yung halaga.

*

Pupuntahan ko si Nadine muna sa tabi ng upuan niya, wala pa naman yung guro eh. Di man lang ako pinansin. May sira siguro ang babaeng ito, mabait ba talaga siya?

"Hey, may utang ka sa akin." panimula ko sa kanya.

"Hmm?" lumingon siya siya sa akin na nagtataka. " Ano naman yun?" dagdag na tanong niya.

"Yung kinanta mo at pagsmirk mo at parang kinukompara mo ako kay Nick."

"Ah yun ba? Wala yun yun. Bakit? Tinamaan ka ba?" inosenteng tanong niya.

"Hindi, eh kailan mo naman ako sasagutin?"

"Kapag nanliligaw ka na. Bakit, nanliligaw ka na ba? Permiso pa lang yun kanina, remember?"

Walang hiya! Grabe! So, permiso pa lang? Kailangan ko pa siyang bigyan ng  mga chocolates at flowers? Ang arte naman nito.

"Okay, ano ba gusto mo?" tanong ko.

"Depende. Kahit ano na lang. ewan. Wala pa kasing may nanligaw sa akin." sabi niya.

"Ano ba ang binibigay ni Nick sa'yo?" tanong ko ulit.

"Hindi niya ako nililigawan." sabi niya ng walang emosyon.

"Bakit hindi ka niya nililigawan?"

"Eh sa nanliligaw ka eh.*sigh*" parang naiinis na siya.

"Flowers and Chocolates? Sasagutin mo ako kaagad?" tanong ko ulit.

"Bawal ang tsokolate. Allergy ako sa flowers."

"Ang arte mo!" sigaw ko sa kanya. Di ko akalain, napalakas pala ang pagsabi ko at napatingin sa akin o sa amin ang mga kaklase ko..

"EH SA ALLERGY AKO SA BULAKLAK AT BAWAL AKO SA TSOKOLATE!" pasigaw niya ring sabi.

"Uuuyyy! L.Q.!"

>_<

Tiningnan ko sila ng masama, nanahimik rin naman. magiging singkit talaga ang mga mata ko nang dahil sa kanila.

"Wag ka ng manligaw."

O_O

Huh?

"Dahil sinasagot na kita para mabilis matapos ito." dagdag niya.

You Are My  Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon