Chapter 1: Promise?

38 4 0
                                    

Chapter 1 

''If I could fall into the sky, 

do you think time would pass me by-'' Napatigil ako sa pagkanta ng my dumaan na bituin, de joke lang. 

May cute na dumaan. 

''Hoy! Anong tinitingnan mo?'' napabalik ako sa sarili ko ng nagsalita si Jillian. 

''Ahem, irerephrase ko, Sino ang tinititigan mo? Si Renz ba?'' 

may halong nakakalokong ngiti ang pagkakasabi niya ng pangalan ni Renz. 

''Hoy, anong binabalak mo ha?'' tanong ko. 

''wala.'' 

''Anong wala? Halatang may binabalak ka eh.'' 

''RENZ!'' sigaw niya. 

O_O 

No, no, no, no! Anak ng siopao! Napatingin siya dito sa kinatatayuan namin. 

''Walang hiya ka Jill, humanda ka mamaya.'' bulong ko kay Jillian. 

Nagsisimula na siyang maglakad papunta sa akin, I mean, kinatatayuan namin. 

Ang cute ng mga mata niya. 

Sumandal siya sa pader habang ang kaliwang kamay niya ay nasa bulsa ng slack niya. So hot! 

''Yes? May gusto kang sabihin?'' nakangiti niyang tanong. 

''Ahm, meron sanang sasabihin si- Aray! Ano ba Nadine?'' Hinigpitan ko yung paghawak ko sa daliri niya. 

''Meron kang sasabihin Nadine?'' he's smiling while saying that to me. 

''Ah eh, wala! Si Jillian ang merong sasabihin sa'yo.'' tumingin ako kay Jillian. ''Di ba Jillian?*puppy eyes*''  

''Ano na yun? May pupuntahan pa ako.'' napakamot na siya ng ulo. 

''Actually, Si Nadz dapat ang magsasabi nito, pero nahihiya siya, sabi niya cru- Aray! I mean, cute ka raw at pogi. :)'' siomai naman oh? 

''Yun lang ba? Thanks.'' tumingin siya sakin.  

''Maganda ka rin pero pinakamaganda yung girlfriend ko.'' umalis na siya. 

Okay na sana, kaso binanggit pa niya ang gf niya. 

''Okay na sana Nadz, kaso, pinakamaganda raw yung girlfriend niya. Eeewww!'' sabi niya.  

''Hayaan na nga natin sila.'' sabi ko na lang. 

''Pshhh! Pinakatalented ka naman!'' *pak* nag-apir kami. 

''Diyan tayo PAREHO! But remember, MAGANDA rin tayo!'' yup pareho kaming talented ni Jillian,  

eh paano kasi magbestfriend yung mother ko at mother niya. 

''Coz when I'm with him 

I am thinking of you...'' 

''Wait lang tumatawag si honeybunch ko!'' sabi niya at nag-excuse sa akin. 

''Sure ka?...Sige, pupunta na kami diyan. By the way, hon, reserve mo na lang ako ng dalawang libro...Thanks, mwah!'' sabi niya. Kadiri naman. 

''Ano ba yan Jill, pangit ng ringtone mo, sana cuppy cake na lang.'' sabi ko sa kanya. 

''anong sabi ng honeybunch mo?'' dagdag na tanong ko. 

''ayaw ko ngang palitan. May pinapagawa si Sir na isang activity. Tara na sa classroom.'' yaya niya. 

You Are My  Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon