"Paano ko kaya sisimulan ang kwentong 'to?" Kinakausap ko nanaman ang sarili ko.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at hindi alam kung paano ko sisimulan ang storyang isinusulat ko sa Wattpad.
"Kharylle, kakain na." Kumakatok si mama sa pinto ng kwarto ko kaya binuksan ko ito.
"Ah, sige po ma. Sunod na lang po ako." Nakangiting bungad ko kay mama pagkabukas ng pintuan ng kwarto ko at agad na isinara pagkasabi nun.
tok tok tok.
Napalingon uli ako sa pintuan at binuksan uli ito.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay James --- ang bestfriend ko.
"Anong ginagawa mo?" Nakangiti pa siya.
"Ano pa ba?" Nagmake-face na lang ako nang tumawa siya. Sa t'wing pumupunta kasi siya dito sa bahay, lagi niya na lang akong naaabutang nag-wa-wattpad.
"Bakit 'di ka pa nag-be-breakfast?" Tanong niya.
"Kunin mo na lang sa baba. Tapos dalhin mo dito." Utos ko sa kanya kaya napakunot ang noo niya at tumaas ang isang kilay.
"Breakfast in bed? Ayos ka ah. Inutusan mo pa talaga ako. Gumagawa ka nanaman ng story. Tapos mo na ba assignment mo?" Ayan nanaman po siya.
"Kalalaki mong tao, ang bungangero mo. Promise." Inirapan ko lang siya at lumabas na ng kwarto ko para kumain dahil as usual, pagagalitan nanaman niya ako.
"Bakit 'di ka pa nakabihis?" Tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kanya at nagtaka dahil naka-school uniform siya.
"Bakit ka naka-uniform?" Napakunot nanaman ang noo niya dahil sa tanong ko.
"Papasok. 'Di ka ba papasok?" Nakakunot pa din ang noo niya habang binubuksan ang ref namin.
"Saturday ngayon." Nahinto siya sa pagkuha ng pagkain nang sabihin ko iyon.
Tumaas ang kilay niya at kinuha ang cake sa ref at isinara ito."Saturday ba ngayon?" Pag-uulit niya.
"Oo nga pala, James. Saturday ngayon ah?" Biglang singit ni mama.
"Kaya pala hindi papasok si mama at tinawanan lang ako." Nakabusangot na sabi niya habang hinihila ang upuan at inilapag ang cake sa mesa.
"Naku, Ann. Lagi kang excited pumasok eh. Siguro may crush ka sa school? Daya mo. Bestfriend mo pa naman ako tapos 'di mo sinasabi." 'Ann' ang tawag ko kay James mula sa pangalan niyang James Annico. Pumapanhik na ako sa hagdanan pabalik sa kwarto ko nang marinig ko siyang sumigaw.
"WALA AH!" Bakit defensive? Haha.