Sa wakas! Nandito na kami sa tutuluyan namin.
"Jaica, you can sleep in Annico's next room, right after the stairs." Tumango na lang ako at umakyat sa taas.
Bago ko buksan ang pinto ng kwartong tutulugan ko, may naalala ako.
"Ann, bahay niyo ba 'to?" Tumingin lang siya sakin, ngumiti at tumango.
After how many years, hindi ko alam na may bahay pala sila dito sa London!
"Bakit 'di mo sinabi sakin?!" Nagtatampong tanong ko sa kanya.
"Hindi ka naman nagtatanong eh."
"Meron pa kayong ibang bahay maliban dito at sa Pilipinas?"
"Yeah." Sagot niya at tuluyan nang pumasok sa kwarto niya.
Pumasok na rin ako dahil kahit gusto kong magulat, hindi ko na ginawa. Mayaman sila. Maraming communication. What's impossible?
Nag-open ako ng Wattpad since hindi ko dala ang phone ko. Mabuti na lang, may computer dito.
Sobrang na-excite ako na basahin ang notifs ko.
Meron pang mga nag-post na naghihintay daw sila ng update. Eh, nagsabi naman na ako sa last chapter na in-update ko.
Minsan, naiinis talaga ako sa mga hindi nagbabasa ng author's note. Hindi bibigyang-pansin tapos magtatanong, mangungulit at magagalit.
Hindi mo naman sila pwedeng sagutin dahil parang sila ang mga customer sa mga restau and such na naniniwalang 'customers are always right.' Kaya kahit wala kang kasalanan, kailangan mong mag-sorry.
Well, wala akong pakialam sa mga haters ko at sa mga magagalit. Hindi ko naman kasi kino-consider na readers ang mga nagbabasa lang ng Wattpad at walang pakialam sa author's note na kapag hindi mo nireplyan ay magagalit kaagad. Alam dapat nila na tao rin kami. Napapagod, maraming ginagawa. Hindi naman kasi pwedeng sa Wattpad lang umikot ang mundo namin.
Pero syempre, malaki pa rin ang pasasalamat ko sa ilan dahil kahit inip na inip at naiinis na sila sa updates, nandyan pa rin sila at nagagalit dahil na eexcite sila sa story and update.
Hindi ko na muna pinagtuunan ng mas mahabang pansin 'yun at nag-scroll down na lang ako. Every minute, may nag-a-appear sa notification ko.
Nag-reply lang ako sa ilang posts and thanks for those who CAN understand me and the other authors.
Nang tingnan ko ang message -- oo, inuuna kong tingnan ang notifs kesa message, ang daming message na nakakatuwang basahin. Pero hindi pa rin ako makapaniwala nang mabasa ko ang isang username ng nag-message : SecretReader. "Hi." Greeting, dalawang letra, isang salita. Pero kapag binasa lalo na kung mula sa isang secret reader, parang napakaseryoso. Pero sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng kaba.
Ano bang nakakakaba sa 'hi'?
Well, para sa akin, nang mabasa ko ang 'hi', wala. Ang totoong nakapagpakaba sa akin ay pangalan ko.
Buong pangalan ko.
Kakaiba na kinabahan at kinilabutan ako sa sarili kong pangalan.
Kinabahan ako dahil wala naman akong pinagsabihan dito sa Wattpad about sa totoo kong pangalan. Wala rin akong ipino-post dito sa Wattpad about sa sarili ko at lalong-lalo na sa pangalan ko. Lalo na't kumpletong pangalan ito. Wala, maliban sa mga magulang ko na hindi naman nagbabasa ng Wattpad, kay mommy na hindi naman interesado sa mga secret dito sa Wattpad though reader and writer siya dito at kay James. Pero hindi naman mahilig ang bestfriend ko sa Wattpad. Sa pagkakataong ito, lalong naging misteryoso sa akin si Secret Reader.
Sino ka nga ba?