Chapter 21

0 0 0
                                    

Nasa harap namin si mommy. Katabi ko naman si James na natutulog.

T'wing nakasakay na lang kami sa eroplano, palaging natutulog 'tong bestfriend ko. Syempre, dahil tulog siya at wala naman akong makakausap, matutulog na lang din ako.

Pinipilit kong matulog pero hindi ko magawa. Maya-maya pa, biglang dumilat si James at tumingin sa akin nang panandalian sabay kapit sa ulo ko at isinandal sa balikat niya.

Hindi ako makatulog dahil wala akong unan. Buti na lang at katabi ko si James.

Hindi na ako nagpasalamat at ipinikit ko na lang ang mata ko para matulog.

*****

"Kain ka muna." Narinig kong sabi James nang idilat ko ang mata ko dahil ginising niya ako.

"Salamaaaat!" Sabi ko na lang at kinuha ang pagkain mula sa kamay niya.

"Ayos lang ba kayo dyan?" Tanong ni mommy at tinawag ang isang attendant.

"Two Paslette, 2 pasta, 2 extra big hawaiian pizzas for the two people at the back." Order ni mommy sa attendant.

Lumingon sa amin ang babae at ngumiti. Ibinaling niya uli ang tingin kay mommy at tumango.

"Don't forget my order." Sabi ni mommy dahil siguro napansin din niyang medyo matagal na ang pagtitig ng attendant kay James.

Umalis na ang attendant.

"I told you. You should wear masks." Natatawang sabi ko kay James. Sa school, lagi siyang tinititigan. Kapag kasama ko siya, feeling ko sobrang panget ko.

Hindi nagsalita si James at kinuha na lang ang panyong kapit saka itinakip sa mukha.

Matutulog nanaman.

Pinabayaan ko lang siya at hinintay dumating ang mga pagkain.

Maya-maya pa, dumating uli ang attendant na may may ngiti sa labi. Halos mapunit na nga sa sobrang lawak ng ngiti.

"Sir, here is your food." Hindi tinanggal ni James ang panyo sa mukha kaya ginising ko siya.

"Ah, ma'am, here's your food. Enjoy sir." Ma'am sabay biglang sir? 'Yung totoo? Kasama ba talaga ako sa kakain nito? O para lang 'to kay James?

"Thank you." Tumingin muna ang attendant kay James bago umalis.

Tinanggal agad ni James ang panyo nang maglakad paalis 'yung attendant.

"Nakakaloko 'yun ah. Haha." Sabi ni James sabay kuha ng pagkain niya.

"Hahaha. Kakaiba kasi ang kagwapuhan ng anak ko eh." Sabat ni mommy sa harapan namin habang tumatawa.

"Sobrang ganda ni ate." Panunukso ko pa.

"Mas maganda best friend ko dun." Sagot naman ni James.

"Hahaha. Maliit na bagay. Huwag masyadong maingay." Sabi ko at nag- 'pssh' pa sa kanya.

"Hahaha. Ang gwapo ko talaga." Minsan lang magyabang 'tong lalaking 'to. Pagbigyan na.

"Hahaha. Type ka ni ate." Sabi ko naman at nagsimula na ding kumain.

Mr. ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon