Chapter 04

2 0 0
                                    

Monday nanaman. Ugh. Maya-maya lang, nandito nanaman si James.

Tok tok tok. Kakasabi ko lang eh. Ang aga niya naman. Laging excited.

Tumayo ako para buksan ang pinto.

"Oh? Bakit ang aga mo?" Bungad ko sa kanya pagkabukas ng pinto.

Hindi siya sumagot ni nag-hi man lang kundi tuloy-tuloy pumasok sa kwarto ko nang may dalang soup. Maldito talaga siya kahit kelan.

"Hoyyy! Lumabas ka nga sa kwarto ko James Annico Bach!"Pagsita ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at tinaasan lang ako ng kilay.

Hindi siya lumabas. 'Di siya nagpatinag. Nakakainis. Ugh! Wala pa akong nagagawa sa Wattpad! Kahit kailan talaga!

Kinuha ko ang laptop ko at inirapan siya.

"Mamaya mo na gawin 'yan. Sabihin mo muna kung totoo 'yung kumakalat na tsismis tungkol sa'yo." Napakunot ang noo ko sa narinig. Tsismis tungkol sa akin?

"Huh? Anong tsismis?" Pagtataka ko.

"Buntis ka daw." What?! Anong klaseng tsismis 'yun? Wala nga akong boyfriend!

"Buntis? Ako?! Sinong nagsabi niyan?" Teka, pinag ti-tripan nanaman 'ata ako ng lalaking 'to eh.

"Wag mo nga akong pag-tripan." Diretsong sabi ko sa kanya.

"Mukha bang pinag-ti-tripan kita?" Kinilabutan ako dahil seryosong-seryoso ang mukha niya nang lumingon sya sa'kin at sabihin iyon. Hindi kakikitaan ng panloloko ang nakakatakot niyang tumitig na mga mata.

"Bakit naman nila ako pinagtsismisan ng ganun? Wala nga akong boyfriend eh. Ano? Sariling sikap? Pa'no 'yun?" Lalong sumeryoso ang mukha niya dahil sa so-called 'joke' ko. Which means apektado siyang pinag-tsi-tsismisan ako.

Pinilit kong umiyak para aminin niyang nagloloko lang siya.

Gumana naman ang plano ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga umiyak Jek! HAHAHAHAHAHA!" Siya lang ang tumatawag sa akin ng Jek. From my name Jaica Kharylle. Cool naman pakinggan kasi hindi pambabae katulad nung Kharylle.

"HAHAHAHAHA! Uto-uto ka naman! HAHAHA!" Natawa ako sa ginawa ko. Sabi na maniniwala siya eh. 'Yung mga gano'ng kalokohan, hindi ako napipikon. Sinasakyan ko lang.

Tumigil siya sa pagtawa at kumain na lang uli kaya lalong lumakas ang pagtawa ko hanggang sa inubo ako.

"HAHAHAHAHA! Buti nga sa'yo. HAHAHAHA!" Pang-aasar niya pa.

Hindi ko tinigil ang pag-ubo kahit nawala na naman talaga ang kati ng lalamunan ko kaya agad-agad siyang lumabas at halata sa kanyang kinabahan siya dahil bigla siyang namula kaya siguradong pupunta siya sa kusina.

Pagkababa niya, isinara ko kaagad ang pinto at sa wakas. Tatahimik na din ang kwarto ko.

Nang kumatok uli siya ay natawa ako dahil para siyang nagmamakaawang pagbuksan ng pinto. Pero wala akong balak pagbuksan siya.

Mr. ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon