Chapter 13

0 0 0
                                    

"Kamusta ka na?" Tanong ng lalaking humarang sa daan ko papasok sa klase. Nag CR pa kasi si James kaya iniwan ko na siya.

"Sino ka?" Parang familiar 'tong lalaking 'to ah.

"Haha. 3 days pa lang, nakalimutan mo na kaagad?" Sino nga ba 'to? Ah! Putek. Eto pala 'yung sinuntok ni James.

"Ah. Okay. Naalala ko na. Bakit? Anong problema mo?" Tanong ko sa lalaking nakaharang sa daan ko.

"Easy lang Jaica. 'Di ako makikipagsuntukan. Kinakamusta lang kita kasi hinimatay ka." Kilala niya ako? Well, 'di ko siya kilala.

"Close tayo?" Tanong ko sa kanya pero nilagpasan ko na din siya kaagad.

Sumunod pa din siya at kinapitan pa ang kamay ko. Agad kong hinila ang kamay ko mula sa kanya.

"Ah, s-sorry. Gusto ko lang magpakilala. Ako nga pa--" Pinutol ko ang pagsasalita niya.

"No thanks, I'm not interested." Sabi ko lang at tinuloy ang paglalakad.

Inunahan niya ako sa paglalakad at hinarangan nanaman ang daanan ko saka ipininta ang ngiti sa mukha.

"Haha. I'm Draven. Nice meeting you, Jaica." Ang kulit naman nito.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilagpasan.

"Uyy, Pre. Hi. Haha!" Narinig ko ang boses ni James kaya napalingon ako.

Teka? Close niya 'yun?

Nakita ako ni James kaya lumapit siya sa'kin at sinundan naman siya nung lalaki.

"Haha. Jek, sorry. Haha. Ang kulit niya kasi eh. Kilala ko na siya. Pwede, isama na natin siya? Nagpalipat siya sa section natin. Haha. Binisita ka nga pala niya sa hospital. Tsaka nagkapaliwanagan na kami. Okay na." Ngiting-ngiti si James sa pagpapakilala sa 'bago daw naming makakasama'.

Tiningnan ko ang lalaki at inaabot niya ang kamay niya para makipag shake hands.
Sasakyan ko na sana ang trip niyang pakikisama pero biglang pinalo ni James ang kamay nung lalaki dahilan para mapakapit sa kabilang kamay 'yung lalaki dahil sa sakit. Ang bigat pa naman ng kamay ni James. Haha.

"Uyy, pre. Sorry, may langaw kasi eh." Natawa ako sa sinabi niya. Langaw? Pinalo? Haha.

"Hahaha. Sige, okay lang." Sabi nung lalaki at inilahad nanaman ang kamay sa harap ko. Kakamayan ko na din sana kaso biglang nagsalita si James.

"Ah, pre, ano 'yang nasa kamay mo?" Biglang kinapitan ni James ang kamay nung lalaki at hinimas ang palad. Hanggang sa medyo napa-aray ang lalaki dahil diniin ni James ang paghaplos sa palad nung lalaki. Nag sorry uli si James at inilahad muli ng lalaki ang kamay niya.

Bigla kaming hinila ni James at sinabing time na daw. Teka? Hindi pa nga nag-riring ang bell eh. Haha. Ayaw niya talagang nakikipag-shake hands ako sa iba.

Mr. ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon