Chapter Four

2 0 0
                                    

Dahil nga sa ayaw ng kanyang lola na magsalita ay pinabayaan niya na lang ito. Pero gaya nga ng sabi nila wala sekretong hindi mabubunyag.

Sa Classroom, kasalukuyang vacant time na nila.

"Tsk, nasaan na kaya yung I.D. ko"tanong niya sa sarili habang hinahalughog ang laman ng kanyang bag.

Pero natigil din ito ng biglang nagtititili na naman si Tomo-chan.

"Girl, may lalaki daw na naghahanap sa'yo" sigaw ni Tomo-chan.

"Huh? Sino naman yun?"nagtataka at iniisip din kung sino yung lalaki.

"Aba malay ko, pero infairness girl gwapo yung lalaki."kinikilig nitong sabi.

"Tumigil ka nga dyan."saway nito kay Tomo-chan.

Dahil curious din siya ay hindi na niya napigilang lumabas ng classroom at puntahan ang lalaking naghahanap daw sa kanya.

Pero ganun na lang ang gulat niya ng makilala kung sino ang naghahanap sa kanya.

"Ikaw"hindi makapaniwala niyang sabi.

"Oh, hi sweetheart! Did you miss me?"sabi nito sabay kindat.

"A-anong s-sinabi mo?"hindi pa rin siya makapaniwala.

"A-anong ginagawa mo rito? A-anong kailangan mo sa akin?"

"I'm here to surprise you. So, surprise!"nakangiti pa rin nitong sabi.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Kaya sabihin mo na kung anong kailangan mo."naiinis na rin siya sa kahanginan ng lalaking kaharap.

"Ako ang may kailangan? Tss, silly pretty girl. Baka ikaw ang may kailangan sa akin."

"At bakit naman kita kakailanganin? Hindi nga kita kilala."

"Oh, sorry for my manners. I'm Michael Chua. 17 years old and your fiance."sabi nito sabay kuha ng kamay ni Sakuno at halik sa kamay nito.

"A-anong sinabi mo?"mas lalo siyang nagulat sa sinabi nito.

Bago pa magsalita ang lalaki ay biglang sumingit ang kanyang lola.

"Anong ginagawa mo dito?"sigaw ng kanyang lola.

"Oh hello my dearest lola, I'm here to see my fiancee. And I just want to make sure na tutupad sa usapan ang mga magulang ni Sakuno."sabay tingin ulit kay Sakuno.

"Lola anong ibig sabihin nito?"

"Hinding-hindi ko ibibigay sa'yo ang apo ko."

"Lola"

"Whether you like it or not, I will marry your dearest grandchild"sabi nito habang naka-ngisi.

"Lola"pang-aalo ni Sakuno.

Umiyak lang ng umiyak ang kaniyang lola.

Nakakuha na din sila ng atensiyon kaya marami na ding nakatingin sa kanila.

"Sakuno, anong nangyayari dito?Coach Ryuzaki?"Senpai Momo

"Senpai Momo, paki-alalayan naman si Lola please."

"O sige, tara na coach"inalalayan na si lola.

Si Sakuno naman ay tumingin kay Michael.

"Pwede ba, umalis ka na. Hindi ka namin kailangan dito"mahinahon niyang sabi.

"Ok"sabay taas ng dalawang kamay at umikot na para umalis.

"Oh by the way"sabay may kinuha sa kanyang bulsa at inabot kay Sakuno.

"Next time take care of you belongings, ok?"sabay abot ng I.D. niya.

"Pa-papaanong napunta sa'yo 'to?"

Hindi na siya sinagot nito. Bagkus ay umikot ulit at tuluyan na ngang umalis.

Never let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon