Chapter Five

2 0 0
                                    

Sa bahay ng mga Ryuzaki

"Apo, patawarin mo ako."iyak na sabi ng lola niya.

"Lola, wala po kayong kasalanan."

"Yun nga eh, wala akong nagawa, wala akong nagawa para pigilan na mangyari 'to"
Iyak pa rin ito ng iyak.

Nalaman na kasi ni Sakuno na nalubog sa utang ang kanyang ama dahil sa pagka-casino nito.
At bilang kabayaran sa utang ay kailangang ipakasal nila si Sakuno sa anak na lalaki ni Mr. Chua na walang iba kundi si Michael.

Ang mga magulang naman ni Sakuno ay nakatungo lang din na parang hiyang-hiya sa ginawa.

"Anak, patawarin mo ako. Hayaan mo, gagawaan ko ito ng paraan. Sa ngayon, magtiis ka muna sa kanila huh"sabi ng kanyang ama.

"Tumahimik ka nga, walang kwentang ama. Pati anak mo pinambayad mo para lang masunod 'yang bisyo mo."sigaw ng kanyang lola. Kaya tumahimik na lang ng tuluyan ang kanyang ama.

"Lola, hayaan niyo na po. Wala na po tayong magagawa. Kung ito na lang po ang natitirang paraan. Sige po. Magpapakasal po ako sa kanya."mahinahon pa rin nitong sabi.

"Pero apo, hindi mo ito kailangan gawin."

"Lola, kailangan. Para mabayaran na din ang mga utang ni papa"

"Apo ko!.. ang mahal kong apo!"

At wala nang nagawa ang kanuang lola kundi umiyak.

"Sshh, tahan na lola"

"Ang apo ko!"

Ang totoo niyan, kahit ayaw talaga ni Sakuno ay wala na siyang magagawa. Dahil mahala na mahal niya ang kanyang mga magulang ay gagawin niya ang lahat matulungan lang ito.

Napabuntong-hininga na lang siya sabay tingin sa larawan ni Ryoma.

"Ryoma, kamusta ka na? Sana ok ka lang dyan at qag kang mag-alala, dahil kahit anong gawin nila. Ikaw at ikaw lang ang mahal at mamahalin ko pang-habang buhay."sabay halik nito sa larawan at maya-maya ay nakatulog na rin.

Kinabukasan

"Girl, anong nangyari kahapon? Kamusta si Coach Ryuzaki? Sino yung lalaking naghahanap sa'yo kahapon? Ano daw kailangan niya sa'yo? Dali, magkwento ka."sigaw ni Tomo-chan

"Sshhh... kumalma ka nga Tomo-chan." Bulong ni Sakuno.

"So ano nga ang nangyari?"

Kinuwento nga ni Sakuno ang nagyari kahapon. Pati na rin ang engagement nito kay Michael.

"Hindi ako makapaniwala. Ang haba ng hair mo girl."tili ni Tomo-chan.

"Sshhh... Tomo-chan, tumahimik ka. Baka may makarinig sa'yo."

"So girl, ano na ang plano?"

"Ano pa ba? Eh di kung ano ang napag-usapan nila ng magulang ko eh di yun na"

"So dito na rin mag-aaral yung Michael?"

"Yun nga eh, kasi ang sabi kailangan ako yung lumipat ng school"malungkot nitong sabi.

"Ay ganun, saan ba yung school niyang fiance mo?"

"Sa.."

"Saan?"

"Sa Korea"

Dahil sa narinig ay hindi na napigilan ni Tomo-chan na sumigaw.

"Ano!"

"Sshh, ano ba Tomo-chan? Hinaan mo sabi 'yang boses mo eh"

"Girl, ang layo ng Korea."

"Alam ko"

"Kaya nga nakakalungkot kasi ang magkakalayo na tayo"

"Eh... bakit naman ganun?"

"Kelan ka lilipat?"

"Pagkatapos ng graduation, lilipad agad ako"malungkot pa rin

"Eh ang daya naman eh. Akala ko pa naman sabay tayong maghahanap ng University na papasukan."

"Sorry talaga Tomo-chan"

"Bakit ang unfair ng buhay? Bakit?"sigaw nito sabay iyak.

"Sshh, tahan na Tomo-chan. Susulat naman ako lagi eh. Tsaka anong silbi ng cellphone."

"Girl, alam mo namang mahal ang overseas call di ba"naiiyak pa rin.

"Eh facebook, chat tayo lagi"

"Whuaahhh.... girl mamimiss kita"sabay yakap kay Sakuno.

"Ako din. Ssshhhh... tahan na."

"Kung nandito lang si Ryoma my love for sure hindi papayag yun."

"Tomo-chan"saway ni Sakuno. Totoo naman kasi ang sinasabi ni Tomo-chan. Nung magkasama pa kasi sila ay ginagawa ni Ryoma ang lahat para maging masaya lang si Sakuno.

"Whuahhh...."

"Tomo-chan, tigil na"

Never let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon