Chapter Six

6 0 0
                                    

Makalipas ang ilang araw ay graduation na nila.

Sa Shinwha School

"Whuahhh, girl wag ka nang umalis!"iyak nito.

"Tomo-chan, hindi pwede. Kailangan kong umalis"

"Whuaah... girl, mamimiss kita!"sabay yakap kay Tomo-chan.

"Ako din"sabay yakap din pabalik.

"Hay naku, malalagot kami kay Ryoma nito."Senpai Momo

"Oo nga. Kaya maghanda na tayo"Senpai Yukimaru

"Ano ba kayo? Wag nga kayong ganyan. Mabait yun si Ryoma wala yung gagawin yun sa inyo"sabi ni Sakuno sabay ngiti.

Tapos napatingin na lang siya sa lahat. Pati sa lola niya.

"Apo ko"umiiyak na naman.

"Lola, tahan na po"sabay yakap sa lola niya.

"Mag-iingat ka dun ah. Pag may ginawa silang hindi maganda sa'yo sabihin mo lang pupuntahan ka namin doon. Kukunin ka namin."

"Lola, pangako magiging maayos ako dun. Kaya wag na po kayong mag-alala."

May sasabihin pa sana ang kanyang lola pero nagsalita na ang announcer.

"Sige po alis na po ako"

"Ingat ka apo"

"Girl, ingat ka doon ah. Tatawag ka lagi."

Tuluyan nang pumasok sa loob ng eroplano.

Makalipas ang ilang oras ay lumapag na ang kanilang eroplano sa airport at nasa Korea na siya.
Agad siyang naghanap ng hotel para may matulugan.
Nang matapos sa pag-aayos ay agad siyang nahiga sa kama at nag-isip.

"Girl, hindi ka ba maiilang dun? Kasi syempre transferee ka at ibang lahi pa."sabi ni Tomo-chan.

"Oo nga eh. At hanggat maaari sana walang makaalam ng tungkol sa kasal namin."

"Eh kung magdisguise ka kaya"suhestiyon nito.

"Disguise?"

"Oo, disguise."

"Ano namang klaseng disguise?"

"Hmm. Yan ang iisipin natin."

Napabuntong-hininga na lang si Sakuno.

"Tara girl"yaya ni Tomo-chan.

"Huh? Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Eh di magsho-shopping. Dun tayo mag-iisip ng disguise mo."
Sabay hatak kay Sakuno.

Dahil sa naalala, agad siyang bumangon at kinuha ang disguise na binili nila ni Tomo-chan.

"Kaya mo yan Sakuno"

Never let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon