Chapter Seven

5 0 0
                                    

Makalipas ang isang linggo ay nagsimula na ang klase sa Korea at gaya ng kanyang balak, siya nga ay naka disguise. Nakahati ang kanyang mahabang buhok ay nakatirintas sa dulo. Nakasuot ng makapal na salamin at medyo mahaba ang palda at naka-long sleeve na may turtle neck ang kanyang suot. May dala pa siyang makakapal na libro bilang props.

"Kaya mo yan Sakuno"sabi niya sa sarili.

Pumasok na siya sa sariling Classroom. Hindi lingid sa kaniya na marami ang nakatingin sa kanya ngayon.

"Ano ba 'yan? Saang panahon ba nanggaling yan?"girl 1.

"Ganyan din manamit ang lola ko eh"sabi pa ng isa na ikinatawa ng mga nakarinig.

Napayuko na lang siya at umupo sa pinaka-likod sa tabi ng bintana.

Buti na lang at matalino siya at naiintindihan niya ang mga sinasabi mga ito.

"Hayaan mo na lang sila"sabi ng babaeng tumabi sa kanya. Simple lang ang suot nito pero maganda pa rin.

"Wala lang talagang magawa ang mga yan"dagdag pa nito.

"Ahhh"nasagot na lang niya.

"Mukhang hindi ka taga-rito, sabihin mo, dayo ka lang dito no."paninigurado nito.

"Sa Japan ako galing."matipid lang nitong sagot.

"Talaga?"

"Oo"

"Bakit mo naisipang dito mag-aral?"

"Ahmm, nagmigrate kami nandito kasi ang trabaho ng parents ko."

"Ahh, sabagay."

"Ahm, ako nga pala si Sakuno. Ryuzaki, Sakuno."sabay yuko.

"Ako naman Shane, Shane Otaku. Ikinagagalak din kitang makilala."sabay yuko din

"Ganun din ako" sabay ngiti.

Maya-maya ay nagsimula na ang klase nila. Medyo nahirapan siya dahil sa lengguwaheng ginagamit pero kaya naman na niya. Hanggang sa nag lunch break na.

"Sakuno, tara na. May ipapakilala pa ako sa'yo"

"Ok"

Dahil hindi pa siya masyadong pamilyar sa buong University kaya sumama na lang siya dito.

Ang School of Gifted Students University ay ang pinaka-prestigious University sa Korea. Maraming gustong mag-aral sa paaralang ito, ngunit pili lang ang nakakapasok. Halos lahat kasi ng Department ay nandito na. Mula sa Sports, Fine-Arts, Journalism, Musical at iba pa.

"Sakuno ayun siya oh."hila-hila pa rin si Sakuno. Sumunod na lang siya.

"Chris!"agad namang lumingon ang lalaki.

"Shane"kumaway lang ito at hinintay ang dalawa.

"Buti naman at nakapagreserve ka ng upuan."

"Syempre naman, mahirap na."sagot na lang nito.

"Nga pala, ito nga pala si Sakuno. Galing siya ng Japan."

"Kamusta ka?"sabi njya sabay yuko.

"Ako naman si Chris, Chris Chua"sabay ngiti.

"By the way, nakapag-order ka na ba?"

"Oo kanina pa. Medyo na-late kasi ako ng dating kaya mahaba na yung pila pag dating ko."

"Hmm... Ok"

"Nga pala, sabi mo galing ka ng Japan."sabi ni Chris.

"Oo"

"Hmmm.... may kakilala ka bang Michael Chua?"

Nagulat na naman si Sakuno sa tanong nito.

"Ahmmm.... ki-kilala mo siya?"bigla siyang kinabahan.

"Yeah, pinsan ko siya."

"Ah"

"Hmm... so ikaw pala yun."

Yumuko na lang si Sakuno. Si Shane naman nagtaka.

"Ahm, anong nangyayari? Care to share?"sabay tingin sa dalawang kaibigan.

"Si Sakuno pala ang tinutukoy ng pinsan ko na fiancee niya na galing Japan."

"Ano!!"gulat na gulat si Shane sa narinig.

"Sakuno, totoo? Hindi siya nagbibiro?"paninigurado pa niya.

"Oo, kaya lang naman ako pumunta dito ay dahil sa kanya."

"So ibig sabihin, girlfriend ka niya?"

"Ha? Naku hindi. Ito na lang kasi ang natitirang paraan para makabayad kami sa utang namin sa pamilya Chua."
Pagku-kwento niya.

"Pero alam na ba ni Michael na nandito ka na?"

"Hindi ko alam. Pero sana wag munang magsalubong ang mga landas namin. Hindi pa kasi ako handa."sabay tingin kay Chris.

"Chris pwede bang sikreto lang muna ito. Wala ka munang pagsasabihan."

"Wala talaga akong balak sabihin sa kanya. Pero may tanong ako, wag ka sanang mao-offend."

"Sige, ano yun?"

"Ganyan ba talaga ang itsura mo?"

"Ay grabe Chris, straight to the point ah."

"Hindi ayos lang. Syempre hindi, ginawa ko ito para pagtaguan siya. Hindi pa ako handang harapin siya eh"

"Pasensiya ka na sa tanong ko. Heartrob kasi siya dito ay kilala ko yun."

"At bukod pa dun, sobrang arogante, sobrang yabang, at sobrang sama ng ugali."nakasimangot pang dagdag ni Shane

Hindi na lang nagsalita si Sakuno.

Dumating na din ang kanilang order kaya kumain na sila. Naku-kwentuhan lang sinasabi nila kay Sakuno kung sinu-sino ang dapat iwasan sa Campus.

"Ayan girl, nakikita mo ba yung mga mukhang espasol na yun." Sabay turo sa tatlong kababaihang sopistikada, at halatang branded ang mga gamit."

"Sila ang "It girls" sa campus, maganda nga, mayaman, pero ang sasama naman ng ugali. Palibhasa manang-mana sa kuya niyang anak ng kung sinumang galing sa ilalim ng lupa."

"Talaga."

"Kapatid kasi yan ni Michael"

"Ah. Ok"

"Basta wag lang tayong gagawa na mapapasin nila, tahimik ang buhay natin."

Hanggang sa natapos ang lunch break, nagklase ulit at nag-uwian na sila. Pagdating sa hotel ay nag-asikaso na siya ng dapat gawin at natulog na.


Never let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon