1- Buhay Fan Girl <3

268 8 0
                                    

Ang araw kung kailan nagsimula akong maadik sa Aldub.
Hindi ko na matandaan yung mga nangyari ng araw na yun medyo matagal na din kasi ikekwento ko nalang yung naaalala ko Haha ^_^v

wala akong pasok, kaya naman nasa kwarto lang ako at busyng busy mag Coc.
Kahit tanghali na hindi pa ko kumakain kailangan ko pang ma upgrade yung mga def ko tae mamaya ma attack ako edi mababawasan na naman ang elixir at gold ko mahirap na.
Habang abalang abala ako mag COC si mama naman rinig na rinig ko yung tawa niya nanunuod na naman siguro ng Paborito niyang palabas tuwing tanghalian ang Eat Bulaga!
Lumabas ako ng kwarto para tignan kung anong ginagawa ni mama masyado na kasing napapalakas yung tawa niya eh.

"Ma? May bukas pa" -Sabi ko kay mama, mamaya kasi hindi na siya makatawa bukas pano ba naman buhos na buhos yung tawa parang wala na siyang itatawa bukas

"Hahaha" -Tawa lang yung sagot ni mama sakin aist. Teenager ma?

Tinignan ko naman yung pinapanuod ni mama bumaba yung babaeng naka red sa Pedicab tae sino yun ang ganda niya? Kasama niya si Dora de explorer ay mali si lola ni dora daw pala naglakbay na kasi sa ibang mundo si dora.

"Sino yang babae ma?" -Tanong ko kay mama hindi kasi ako nakakapanuod ng Eat Bulaga. Pang hapon kasi ang pasok ko kaya madalas hindi ako nakakapanood nagkataon lang ngayon na wala akong pasok kaya napanuod ko.

"Si yaya dub bago sa eat bulaga" -Ay taray ni mama updated

"Ang ganda niya ah? Anong ginagawa niya diyan? Kailan pa siya nandyan?"

Ang ganda nung sinasabi ni mama na si Yaya dub mukha bang katulong yun? Tae mukhang dyosa eh.

Kasama nung yaya dub si lola ni dora, nagmano naman si Jose at Paolo pero tae anong meron? Ang arte naman ni lola ni dora Pinapunasan niya kay yaya dub yung kamay niya! Oops parang alam ko na dahil may virus si jose? Malupet nag Alcohol pa hahaha!
Pagkatapos punasan ni yaya dub yung Kamay ni lola ni dora bigla nalang siyang nagkakanta ay mali nag dub pala di naman siya kumakanta. Natawa ako dun wave nung yaya dub tapos biglang lumabas sa kabilang screen si Alden nag wave din.

Isang pabebe wave naman diyan lola ni dora - bossing

Ah yung tawag pala dun sa kaway kaway nila PABEBE WAVE pala hahaha.
Ang cute nilang tignan habang nag dudub tae ang gwapo ni Alden bakit ngayon ko lang na realize na gwapo siya?

Bigla dinub ni lola ni dora at yaya dub yung Pabebe . Pusa ang dami kong tawa lalo na nung hindi sumasabay yung bibig ni Lola ni dora hahaha. Tapos pusa yung dila ni lola ni dora nilalabas pa akala mo naman ang gandang tignan nakakaumay buti nalang di ako kumakain nako kung kumakain ako baka mawalan ako ng gana.

Kami ang pabebe girl at wala kayong pake kung pabebe kami sa mga video namin

Si lola ni dora talaga yung nagdala ay mali yung dila niya pala.
Tawang tawa talaga ko sa itsura ni Lola ni dora. Pero kung ako tawang tawa si mama halos mawalan na ata ng boses kakatawa .

"Lestse namang dila ni lola ni dora" -Sabi ko

"Ang ikli ng dila eh" -Mama

Bakit si yaya dub pag nag wawacky ang ganda pa din ? Tae ang ganda niya sobra. Nakakainggit yung kagandahan niya kung ako siguro yung nag wacky ng ganun malamang sa malamang nag mukha akong bisugo.

At dun po nagtatapos ang kalyeserye salamat po sa mga nanuod subaybayan niyo po ulit bukas ang susunod na kabanata -Paolo

Tae yun lang yun? Awts pusa bitin .

Binalikan ko yung nilalaro kong COC pero pagbalik ko nakapatay na yung cellphone ko! Patay tayo diyan -,-

Pagbukas ko OMG may umattack sakin huhu :( yung elixir at gold ko naubos bwisit :( natagalan ba ko manuod?
Ang tagal kong pinaghirapan yun eh tapos biglang mawawala nalang ng ganun? Asar naman .
Nang dahil sa Eat Bulaga na attack ako. :(

PS. Hindi lang pala ang Jadine ang magpapakilig sakin. Kung tuwing gabi Jadine ang nagpapakilig sakin dahil sa On the wings of love. Tuwing tanghali naman si Alden at Yaya dub ang magpapakilig sakin :)

Aldub is Aldub Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon