4- Yackie Wedding

37 4 0
                                    

Masyado akong natagalan mag Update :3 hindi ko kasi alam kung anong isusunod ko sa kwento. Pero dahil nga late na late na ko.
ikekwento ko lang yung pangyayari ng unang kasal ng yackie wedding.

Alas dose i media palang sobrang abang na abang na ako sa magaganap sa wedding na mangyayari kinakabahan ako at the same time kinilig din.

Pinakita yung mukha ni Yaya Dub habang minemakeup-an ang tae ang ganda niya na mas lalo siyang gumanda. Iba talaga si yaya dub eh.

Halos lahat ng kapitbahay namin adik na rin sa Aldub kaya halos lahat nasa loob na at nanunuod ng The Royal Wedding pwe.

Bago lumabas si Yaya Dub nag dubsmash muna sila ni Alden sobrang naawa na ako sa itsura. Parang naisip ko palang na arrange marriage yun at ayaw makasal ni yaya dub kay frankie naaawa na ko kay yaya dub gusto ko talagang pumunta kung saan ikakasal si yaya dub. Nabwibwisit ako sa pesteng sakang na pakakasalan niya tuwang tuwa pa ampupu.

Umiiyak si Alden dahil nga ikakasal na si Yaya dub pero laking gulat ko ng tumakbo si Alden.
Omygosh! Waahhh eto na ba yung napapanuod ko sa TV? Yung mga teleserye? OMG wag naman sana magaya sa kantang 25 Minutes ayokong malate si Alden ayoko ayoko.

Nagmamadali na si Alden nung nakasakay siya.
Kami naman sa bahay halos maputol ng ang mga ugat sa kasisigaw at katitili.
Naririnig ko na rin yung mga kapitbahay na nagsisigawan.

Waaahhh grabe eto na yun.
Makapigil hininga ang mga pangyayari.
Habang tinutuloy ang kasal umiiyak naman si maine dahil nga ayaw niyang makasal.
At yung pari feel na feel naman.
Si Franckie din nagmamadali na matuloy ang kasal baka kasi maabutan sila ni Alden mahirap na. Maagaw pa sa kanya si Yaya dub.

Pero isa lang ang nasa isip ko nung mga oras na yun.
na sana hindi matuloy ang kasal at sana makarating si Alden at mapigilan ang kasal.

"Ikaw fraa--" -Hindi na natuloy ni father yung sasabihin niya dahil biglang nahimatay si Maine.

Nagulat kaming lahat sa bahay. Pero naisip ko na baka nasa Script lang yun.

Maine tumayo ka diyan kailangan matuloy ang kasal.

Hoy ano kaba lola hindi siya si maine si yaya dub siya.

Nagulat kaming lahat nung binanggit ni lola ni Dora yung name ni maine .
Tapos biglang nagtanong si ate sakin.

"Totoong nahimatay si maine?" -Tanong ni ate na nagtataka

"Nasa script na yan" -Sagot naman ni papa.

Pero kinabahan ako nun. Lalo na nung dumating na yung mga Rescuer isa lang nasa isip ko. Mukha ngang hinimatay si maine at hindi na arte yun mukhang totoo na.

Nung nalabas na si Maine kasama ng mga Rescuer sakto namang biglang dumating si Alden.

Napatili ako nung time na yun
kung hindi nahimatay si maine edi sana nagkita sila.

Galit na galit si alden pagdating inaway niya si Franckie at Lola ni Dora hinahanap niya si Yaya dub.

Nagsisigaw siya dun.
Sobrang naawa ako sa itsura ni alden.

PS. Hanggang dito nalang nagmamahal aldub fan
Jezell :)

Aldub is Aldub Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon