2- Ikaw at Ako

101 5 0
                                    

Hindi ko na maalala yung iba eh. Nakalimutan ko na yung ibang nagyari sa Aldub basta yung isa sa natatandaan ko yung tumakbo si Alden at Yaya Dub :)

Pinipigilan ni Lola ni dora si Yaya Dub na makipagharutan kay alden (harutan talaga yung word no?)
Si yaya dub aba pusa hindi nagpapapigil talagang gusto niya makipag harutan kay Alden.

Inis na inis ako nung time na yun kay lola ni Dora gustong gusto ko siyang ibigti patiwarik bwisit siya isa siyang panira sa loveteam imbis na kiligin ako nabwibwisit lang ako.

Paalisin yang si yaya dub sa harapan ko ang ayoko sa lahat yung hindi sinusunod ang gusto ko - Lola ni dora

Inuutusan niya yung Rogelios na alisin sa harapan niya si Yaya Dub :3 badtrip lang anong laban naman ni Yaya dub dun sa mga Rogelios na yun? Nakakabanas lang gustong gusto ko na talaga hatakin si yaya dub sa loob ng TV ayoko pa naman siyang nasasaktan.
Akala ko katapusan na ng kalyserye dahil hinahatak nga siya ng mga letseng Rogelios na yan :3
Pero biglang nakatakas si yaya dub sa kamay ng mga pangit na Rogelios.

Nagtatakbo siya ewan ko kung saan siya pupunta.
Ang alam ko lang yung tawa ko wagas na halos mamatay na kami kakatawa kasama ko sila mama,ate at papa manuod ng Kalyeserye ewan ko nga sa mga yun eh mukhang naadik na rin sa yaya dub. Tinalo pa nga ni mama yung tawa ko eh.
Tawang tawa ako ng nagulat ako sa kabilang Screen nakita ko si Alden oo nakita ko siyang palabas ng broadway pusa yung itsura namin nila ate nagmukha kaming batang parang naagwan ng pagkain kung makasigaw wagas.
Nagsalo na ang kilig at excited namin. Ito na ba? Ito na ba ang araw na magkikita sila? Ayun yung nasa isip ko nun.
Todo tili na ko.

"Waaahhhh Yaya Dub bilisan mo wag kang magpahuli sa mga panget na rogelios na yan" -Sumisigaw na ako habang tumatalon talon pa. Pero mas natawa ko kay mama nakatayo na din at mukhang maglulupasay na rin sa kilig. ^_^v

Napunta na si Alden sa labas pusa antraffic pero siya wala sige parin ang takbo

"OMG magkikita na ba sila?" -Maharot na rin ang ate ko mukhang aldub fanatics na din.

"Hala hala! Magkikita na ata" -Halos maihi na ako sa kilig iniisip ko palang na magkikita silang dalawa grabe ano kayang mangyayari?

Si alden sige parin ang takbo traffic pa naman :3
Tae kung ako yung nasa byahe tapos nakita ko si Alden na tumatakbo tae kahit nagbayad na ako sa Jeep talagang bababa ako para salubungin at yakapin siya ayun na eh. Aarte paba?

Si yaya dub naman ayun tumatakbo padin natatawa nga ko eh. May patalon talon pa habang tumatakbo. Kakaiba talaga tong babaeng to eh.
Ang malupit pa dun habang tumatakbo nakawacky padin.

Kung tatanungin niyo kami kung ano ng nangyari sa Pamilya namin na Aldub Fanatics.
Wala kaming masabi nakatulala lang kami lahat at nag aantay kung magkikita naba sila.

Si mama nakanganga pati si papa.

Ako naman nanlalaki ang mata.

Si ate naman nakatakip si bibig halatang kinikilig na.

Walang ingay na naririnig sa bawat isa sa amin lahat nag aabang at inaantay kung magkikita naba ang Aldub ngayon.

Si yaya dub at alden lang yung naka focus sa Screen habang tumatakbo.
Biglang boom. Hiningal si Yaya dub at biglang umupo sa isang kalye (antae ang dumi kaya dun tsaka baka mabalisawsaw siya ayoko pa naman na magkasakit si Yaya Dub di ko kakayanin)

Si alden ayun tumatakbo padin. Ano ba yan wala ba silang pagod sa pagtakbo? Buong araw na ba silang tatakbo?

Nahuli ng Rogelios si Yaya Dub asar na asar ako nung time na yun gusto kong patayin yung mga rogelios :3 at siyempre gusto ko ding saktan si Lola ni dora siya yung may kasalanan kung bakit hinabol ng Rogelios si Yaya Dub kasi inutusan niya yung mga panget niyang mga Body Guard kaya kasalanan talaga yun ng panget na si Lola ni dora.

"Waahhh bakit ka nagpahuli yaya Dub?" -Gusto ko ng maiyak ayun na eh. Hinahanap na siya ni Alden tapos biglang mahuhuli siya.

"Ano ba yan akala ko naman magkikita na" -Mama

"Sayang" -Ate

"Si wally kasi" -Papa

So kailangan may mga side comment sila no?

Nung nahuli si yaya dub binalik siya kay panget lola ni Dora.
Nagalit naman sa kanya yung letseng apat ang kilay inis much.

Pinapahirapan mo ko yaya dub eh hah? Nang aano ka eh! - lola ni dora

Galit na galit si Lola ni dora hanggang pumasok na sila sa nanalo sa 14all kung siya galit kay yaya dub ako galit na galit sa kanya ayun na eh. Magkikita na eh. Tapos letse siya dahil sa kanya hindi na naman natuloy sarap niyang ipasalvage eh :3 simula ngayon promise hater na ko ni Lola ni dora.
Naawa ako kay maine nung pinasok siya ng mga panget na Rogelios.
Sobrang lungkot ng mukha niya ikaw ba naman ilayo sa lalaking mahal mo hindi kaba malulungkot?

Aldub is Aldub Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon