11- AldubEBforLOVE

45 2 0
                                    

Yung title ko yung HASHTAG nung saturday.

Kaway kaway sa muntik himatayin sa kilig , sa mga hindi makahinga sa sobrang kilig, sa mga makatili wagas sa sobrang kilig, sa mga nagpipigil ng kilig.

KAMUSTA BUHAY PABA KAYO?

Yung araw na yun nagdadalawang isip ako kung ililipat ko sa showtime yung channel .
Nandun kasi ang Jadine eh! At dahil nga isa kaming die hard fan ng Jadine nilipat namin sa kabila yung channel .
tapos agad din naming nilipat.

"Kakanta lang naman sila diyan, panoorin nalang natin sa iwant tv? Hindi dapat natin palmapasin yung Aldub ngayon" -Say ni ate sakin.

Tama nga naman siya, kaya pumayag na din ako.
Sa isip isip ko ngayon ko lang palalampasin to, ang ipagpalit ang JADINE sa aldub.

Alas dose palang, si mama,papa, ate ako. Nakatutuok na sa TV ang lapit nga namin ni ate sa TV kahit ang laki laki naman ng TV namin para ramdam namin ang kilig HAHAHA ^_^

***
Halos mamatay na kami sa kilig nung nakita namin yung kotse ni alden na nasa tapat na nung mansyon ni Lola nidora :)
Juskolord si rihanna yung sumundo sa kanya, laughtrip nga kami ni ate kay rihanna eh. Ang landi.

Nung pumasok na si Alden sa loob, tumahimik na kami ni ate at nag aantay kung anong mangyayari.

Aba at itong si bae sinunod yung mga pangaral sa kanya ng EB Dabarkads . Hinubad ang sapatos at nag bless kay lola .

Nung bumaba si Maine, nakatutok lang kami nila mama sa TV walang kurap kurap inaantay ang lahat ng mga mangyayari.

Biglang tsenen! Wohoho binigay ni alden kay maine yung Bulaklak jusko no touch daw badtrip naman.

Tuwang tuwa na ko nun akala ko nga dun na magtatapos eh. Kasi nga diba madalas binibitin tayo? (taas ang mga kamay ng mga nakarelate diyan)

Pinaupo ni jose si maine sa tabi ni alden.
Tiling tili kami ni ate wala kaming pakialam sa mga kapitbahay basta ang masasabi lang namin sa kanila WALANG MAKAKAPIGIL SAMIN!

Mas lalong lumakas yung tilian nung tinulak ni jose si alden kay maine. Juskolooorrd ang puso ko ang puso ko.

Halos magkapatayan na kami ni ate sa sobrang lalo na nung nag subuan na ng pagkain si alden at maine. Mukha kaming nasa Roller Coaster palakasan ng sigaw sabay sabay pa.
Yung pinaka gusto ko dun yung sinubuan ni alden si maine ng cake tapos yung pesteng tinidor na sinubo kay maine sinubo niya rin.

Mga te! Wow indirect kiss na naman ! Hindi ko na kaya napapa shit ako sa kilig!

Yung kutsilyo din jusko po muntikan na maghawak eh! Ayun na ayun na eh!

Pero yung pinaka the best yung baso jusko si menggay para-paraan (kanta ni nadine) HAHAHA mabulunan daw ba sa cake? Kakaiba eh! HAHAHA tapos yung baso na hawak ni alden jusko nagmadali siyang kunin nahawakan niya ng tatlong beses yung kamay ni alden (Galawang Hokage) si menggay nung time na yun! HAHAHA kunwari na bulunan pero yung totoo gusto lang mahawakan yung kamay ni Alden (alam na thiss! Sumbong na yan kay lola ni dora)

Isa rin sa pinaka the best na laughtrip ako yung nakaharang na pinto kay Maine haha! Bwisit parang siga si maine nun eh! (pag kinikilig talaga nababaliw no? Akalain mong awayin ba naman ni maine yung pinto?)
Yung tawa ni alden dun! HAHA ang cute niya shit! Sarap kidnapin uwi sa bahay tapos gahasain XD

WAAAHHHH! Yung First picture nila together waaahhhhh kahit no touch atleat ang lapit nila waaaaahhhhhhh .

Hindi na kami matapos kaka tili ni ate lalo na nung tinulak ni jose si alden at muntik niya na makiss si maine sa pisngi. JUSKO PO! may nagagawa din naman palang maganda tong si Jose! tulak pa more.

PS1. Hindi ko parin makakalimutan yung araw na yun. Napaos ako at sumakit ang lalamunan kakatili.

PS2. Bonding na namin ng Family ko ang manuod ng Aldub tuwing saturday. Kasi dun lang kami kompleto.

PS3. Nagsosorry ako kay Nadine at James dahil hindi ko sila napanood sa showtime (pero napanood ko naman sila sa IWANTTV yun nga lang Forward ng forward X4 para sila lang mapanuod ko! Actually sila lang talaga pinanuod ko)

PS4. Salamat po sa lahat ng nagbabasa ng kabaliwan kong story pa kiss nga :***** tsaka yung mga nag aadd sa library nila mahal ko na kayo promise :)

Love,
Jezell

Aldub is Aldub Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon