9- Ang pagkikita (Kiligmoments)

37 2 0
                                    

Ilang beses na nga ba sila nagkita?
Una yung Bulagaan pa more yung muntikan sila magkita kung di lang umepal si Lola ni Dora at pinag igib ng tubig si Alden.

Sobrang inis na inis ako kay Lola ni dora nun badtrip talaga ako nun. Magkikita na sana kaya lang hadlang na naman siya magkikita lang daw sila pag natapos igibin ni alden yung tubig.
Magkikita na nga sana sila nun diba? Kung di lang sumabit sa Jeep si Maine badtrip ako nun sa driver eh. Dapat pinababa niya si maine, ang unfair ng manong driver bakit kapag yung mga bata at mga badjao yung sumasabit pinapababa tapos si maine purkit naka gown pinasabit? Hustisya naman uyy .

Pangalawa yung Bulagaan pa more uli ang naglaban naman si Maine at Alden.
Andun na sila sa Broadway eh! Ayun na eh!.
Pagkatapos sumayaw ni yaya dub at mag drum (Grabe idol ko na talaga si Yaya Dub)

Sobrang tili ko nun nung hindi sila nag papang abot ni Alden, na bebeast mode pa ko nun kasi nga gusto ko na sila magkita.

"Pusang gala piste ano ba yan? Ang laki ba ng broadway? At bakit hindi kayo magkita?" -Inis na inis na ako habang nanunuod gusto ko ng pumasok sa loob ng screen at hilahin silang dalawa para magkita lang.

At sa wakas .
Wooooh! Grabe hindi ako makahinga nung time na yun feeling ko aatakihin na ako ng asthma kitang kita ko sa ngiti at sa mata ni maine na kinikilig siya si alden naman naniningkit ang mata at halatang nahihiya din.

"Waaahhhhhh" -Halos mamatay na ko sa kilig, mukha pa naman akong tanga pag kinikilig nag lulupasay ako sa sahig.

Ayun na ayun na maglalapit na sila. Edi syempre ayun na naman ako naglulupasay at walang tigil kakasigaw ng biglang may bumagsak na plywood.

"Waahhhh the f**k ano yan?" -Badtrip na badtrip ako nun. Yung kilig ko napalitan ng lungkot naawa ako kay alden at maine :(

PS. Yung bwisit na plywood na yan wag kayong bibili niyan ah? badtrip ako diyan.

Pangatlong pagkikita naman nila yung *blind fold* waahhh yun talaga yung kinilig ako ng bongga lalo na yung sa Star bucks tae grabe kilig mats.

Nakidnap si maine nun tapos nakidnap din si alden diba?
(Tae di ko na kekwento alam niyo na naman diba? choss nanunuod naman siguro kayo diba?)

yung inis ko kay duhrizz napalitan ng saya kasi dahil sa malanding beki na yun nagkita si Alden at Maine grabe sobrang lapit nun ah!

unang tinanggal yung blind fold ni alden.
Hindi alam ni alden kung anong gagawin nakangiti lang siya at nakatitig kay maine.
Nung tinanggal na yung blind fold nilang dalawa grabe yung mga ngiti at mata nilang dalawa grabe as in grabeng grabe.

Halos mamatay ako kakalupasay sa sahig hindi ko na alam kung anong ginagawa ko basta kinikilig ako ng bongga sobrang kinikilig ako.

Lalo na yung nag pabebe wave sila sa isa't isa tae grabe ramdam na ramdam ko ang kilig mula ulo hanggang paa hanggang kuko at kalyo.

Yung binaba sila grabe may nahawakan si maine na dahilan kung bakit napaatras si alden. Hahaha nakita niyo ba yun? (Oooops hindi ko sasabihin baka may batang magbabasa neto XD)

Pero yung pinaka gusto ko sa lahat yung straw tae. Indirect kiss yun grabe grabe. Gusto ko ng straw na yun.

PS. Salamat duhrizz ikaw ang dahilan kung bakit ako naglulupasay ng araw na yun.


Pang apat "The long table" nagdate nga sila pero long table naman kaka beast mode si lola eh. Pero atleast nag usap sila.
Yung titig ni alden kay maine parang wala ng bukas eh!
Badtrip pa pugo at isaw lang kinain nila di nagtagal yung date nila dahil sa pesteng gamot ni lola badtrip pa ko sa Commercial na umaabot ng 10 minutes kaya hindi tumatagal ang kalyeserye nakakabeast mode ampupu.
Pero kahit na beast mode ako. Kinilig naman ako ng bongga kaya ayos na din yun :)

PS. Yung long table daw sabi ni alden nag panggap lang daw yun! Yung plywood daw talaga yun.
badtrip talaga yung plywood na yun pinapainit ulo ko please lang wag kayong bumili ng plywood isusumpa ko kayo XD

Aldub is Aldub Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon