Fixed Merriage (6th)

461 23 1
                                    

Napapikit si Julie.

Para bang napakarami niyang oras sa mundo para isipin ang mga bagay na nangyari that day pagkauwi niya from Elmo's condo. Di na kasi siya tinigilan ni Ian magmula nung day na iyon. Her phone was lowbat, kaya di niya nabasa agad yung messages ni Ian.

She knows para siyang bata kung umarte and this is exactly her reason kung bakit ayaw niya muna magpakasal. Iba talaga kasi siya. She maybe matured but their are still some things na nangangapa pa rin siya, na di niya pa rin alam ang gagawin niya. Sometimes, mas nagingibabaw ang emotions niya kesa sa utak niya. Minsan vice versa.

It was the first time na iniwan siya ni Ian ng ganon. It was the first time na nakita niyang ganoon ang binata. And she admits that, sa 5 years nilang pagsasama, may mga bagay pa rin siyang di natutuklasan sa nobyo niya. Tulad n'on, na mas may titindi pa pala sa pinakamatinding selos nito na nakita na niya.

Napailing na lang si Julie. It really takes time to completely know a certain person.

Ring!

‘For sure, this is Ian!' she said on her mind.

Tinatamad niyang tinignan ang phone and saw Ian’s photo, smiling. Automatic na tumulo ang luha niya dahil doon. Natawa na lang siya sa reaction niya pero napawi rin ang ngiti niya. Naiyak siya lalo.

God. She misses Ian, so much. She couldn’t take it anymore. Gusto niyang marinig ang boses ng nobyo. Gusto niyang makita si Ian. Gusto niyang mayakap ang binata.

Pero nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil ang babaw nito. Na iniwan siya nito, without even listening to her. Masakit para sa kanya 'yon at pinaninindigan siya ng kanyang pride. Iyon ng pinanghahawakan niya.

Ring!

Tumunog nanaman ang phone niya. Di talaga siya titigilan ng kanyang nobyo. Panay din ang pasok ng text nito. Halos umapaw na nga ang inbox niya. Kinuha niya uli ang nakalapag na phone sa harap niya at tinignan ang screen.

Ian Laczon Calling…

Sasagutin niya ba?

May tumulo nanaman na luha mula sa mga mata niya. May naalala kasi siya bigla. Ito yung mga panahong college pa lang sila. Walang masyadong problema. Walang masyadong inaalala.

Naalala niya pa na iba ang pangalan ni Ian na naka-save sa kanyang contacts.

Babe<3

Ganyan pa iyon dati. Pero simula ng mag trabaho sila, pinalitan niya ito ng formal. Gusto niya maayos ang contacts niya. Full name lahat. Wala namang kaso iyon kay Ian dahil di naman doon nasusukat ang pagmamahalan ng dalawang tao.

Tuloy tuloy ang pag pasok ng mga alaala sa isip niya. Napapasinghap siya sa tuwing makikita ang pag ngiti ni Ian sa isip niya, kapag masaya silang dalawa…

Ring!

Madali lang naman ang solusyon sa problema niya e. Sagutin niya ang tawag ni Ian, at tapos. Okay na. Alam niyang di sinasadya ni Ian gawin iyon sa kanya. Baka nagulat lang ito. At baka iniwan siya nito dahil sa matinding selos.

Pero di lang naman kasi iyon ang nagpipigil sa kanyang kausapin ang binata.

'I don’t know what to do…’ bakas ang pagkalito sa isip niya.

Natatakot kasi siya. Natatakot siya sa maaring mangyari sa kanila. Ngayon at pinagpipilitan siyang ikasal kay Elmo. Kalaban nila ang pamilya niya.

Hindi niya magawang sagutin ang tawag ni Ian di lang dahil sa pagiging childish niya kundi dahil di niya rin alam ang sasabihin sa nobyo niya tungkol sa kasal.

Fixed MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon