₱5,000.00 - 'Yan ang laman ng wallet ni Elmo ngayon. He's afraid to spend even a cent of it. 'Di niya alam kung ga'no 'yan tatagal. Kung aabot ba 'yang limang libo hanggang sa kaduludulunan ng kanyang buhay.
What the f-ck!
"Ano, bro? Magkano?" tanong ni Lyle sa kanya.
He gritted his teeth. Naiinis siya sa katotohanang tinakwil siya ng tatay niya. Deputa daw, e! Naiinis siya dahil gumagastos siya ng mahigit limang libo noon, ta's ngayon pagkakasyahin niya ang ₱5,000.00 for the rest of his life? Nakakagago talaga!
Tinignan niya si Lyle, "Five thousand." at napabuntong hininga siya.
"Pesos or Dollars?" tanong ni Lyle ng nakakunot ang noo, "Kasi kung dollars, I guess that would be enough for a couple of months."
Tama. Kung dolyar lang sana ang nasa wallet niya, eh t'yak aabot ba 'yon ng ilang buwan. A dollar is equals to ₱41.00, times five thousand. Edi may 85K pa siya. Aabot pa 'yan ng mahigit kalahating taon. Kung ba't kasi 'di niya naisipan mag-stock ng dollars sa wallet niya.
"'Yun na nga e! 'Di dolyar ang nasa pitaka ko kun'di pesos! Pesos lang 'to. Pucha!" napahilamos siya ng mukha. Napamura na siya ng de oras dahil 'di niya alam ang gagawain.
Paano na siya? Paano siya kakain ng pagkain three times a day? Paano na ang mga luho niya? And worst part here is...
Paano na siya makakakain ng babae?
Langya!
"Tsk. Alam mo naman kasing itatakwil ka, ba't 'di ka pa nag-withdraw ng milyones?" umiiling si Lyle habang tinatanong 'to kay Elmo na parang si Elmo ang pinakatangang tao sa buong mundo.
Sinamaan n'ya ng tingin si Lyle, "Pinapunta kita dito Lyle para tulungan ako at kun'di mo ako matutulungan, makakaalis ka na."
High blood na talaga siya ngayon. Hindi na niya alam ang gagawin. Sobra siyang nafu-frustrate sa sitwasyon niya. Ni minsan, 'di pumasok sa isip niya na magiging gan'to siya... Na magiging mahirap siya!
Ampupu.
Tinaas ni Lyle ang kamay niya sa hangin, "Oh, chillax lang -"
"Paano ako kakalma? Nagagago na'ko dito. Tang-na!" sinabunutan ni Elmo ang sarili niya.
Damn! Gusto niyang ipakulam ang tatay niya. Gusto niya suntukin ito ng maraming beses. Gusto niya isumapa ito na magkaro'n ng kulugo sa lahat ng parte ng katawan nito lalo na sa mga sensitibong bahagi. 'Yun nga lang, wala siyang magic powers para gawin ito. F-ck. Ang bading!
"That's why you can't solve your problems alone, Elmo. You're always high and angry and you're definitely a dickhead." taas noong sabi ni Lyle, like a boss. 'Yun yung tonong gamit niya kapag nasa opisina siya - He's a CEO, in case you don't know.
From slouching, Elmo sit up straight. Nakatukod pa rin yung dalawang kamay niya sa kanyang binti. Tumingin siya kay Lyle, at napabuntong hininga. "I know that I'm a dickhead, Lyle. You don't have to point it out."
"Oh, buti naman." then his bestfriend-slash-brother smirked at him.
Great, isn't it?
"Are you gonna help me man or not?" tanong niya sa ngingisi-ngising si Lyle, "Stop smirking at me! You look like a gay!"
Napailing na lang si Lyle, "Okay okay! At tigilan na natin ang page-English, dude! Masanay ka na dahil ang mga mahihirap, laging tagalong ang lengwaheng gamit." ngumisi ulit ito na tili inaasar si Elmo.
Pero imbis magalit, natawa si elmo at sinugod si Lyle.
"F-ck you!" Elmo cursed Lyle while he's laughing, at nakipag-boxing siya kay Lyle kunyari. Yung manly na harutan?