Misha's POV
"Goodbye Guys!" Pagpapaalam ng isa sa mga kasamahan namin, hindi ko na napansin kung sino man yun dahil kaniya-kaniya na sila ng paalam sa amin dahil oras na ng labasan at kailangan na naming umuwi. Nakaupo lang ako dito sa couch sa loob ng headquarters habang pinapanood ko silang umakyat sa hagdan patungo sa isang classroom at dun na matatagpuan ang exit at entrance. Nasa underground kasi yung headquarters namin at ang makikita lang sa ibabaw ay isang classsroom at ang Training Field namin na may matataas na pader at hindi pwedeng pasukin ng mga studyante, hindi rin naman kasi makakapasok sa training field kung hindi dadaan sa underground passage na nakakonekta dito sa Headquarters.
"Shun! ihahatid na kita" masayang alok ni Shin kay Shun ng makita niya itong papalabas na din. "No Way! You're going to kiss me again! Ano bang nakain mo at ako ang pinagtritripan mo!? O Talagang nananadya ka lang dahil nalaman mo ang tungkol kay Brendz!?" Halatang iritang-irita na si Shun dito, siguro kung hindi lang mabait si Ana para gamutin siya ay puno na ng pasa si Shin dahil ilang suntok na ang natatanggap niya kay Brendz kakahalik kay Shun. "I'm not gonna kiss you, I promise, gusto lang kitang ihatid at siguraduhing walang ibang makakahalik sayo diyan sa labas, so please, let me escort you."
"Misha, uwi na rin tayo? Nakakapagod mag-training eh! Gusto ko nang magpahinga" pagod na rin ako, gusto ko na ring umuwi kagaya ni kuya Gelo, kaso marami pang tao sa labas, at ayokong ayoko talagang napapaligiran ng maraming tao, pakiramdam ko ay baka mawala ako sa sarili at maging halimaw gaya ng tingin nila samin. "Mamaya na kuya, mas mabilis tayong makakauwi pagdilim, kahit mag-anyong lobo man tayo ay walang ganong makakakita." Pagdadahilan ko. "Sige na nga!"
Gabi na at buwan at iilang bituwin nalang ang nagpapaliwanag sa paligid, nanatili kami sa anyong tao namin hanggang marating namin ang shortcut sa makapal na parte ng gubat at dun kami nag-anyong lobo, tapos ay nag-anyong tao ulit kami ng marating na namin ang manipis na parte ng gubat, dahil lalabas na naman kami sa isang kalsada bago makarating sa gubat na tinitirhan ng pack. Wala namang ganong dumadaan sa kalsadang dadaanan namin pero mabuti na rin ang nag-iingat, kahit na mukhang normal na lobo lang kami ngayon at hindi kagaya ng anyo namin na mukhang halimaw kapag buo ang buwan ay hindi ko pa rin maisip ang maaaring gawin ng mga tao kapag nalaman nilang may mga lobong gumagala dito.
"Misha, parang may tao ata dun? Anong gagawin natin, lalabas na ba tayo dito o sa ibang parte na tayo lumabas para di niya mapansing sa gubat tayo nanggaling?" Gaya nang sabi ni kuya Gelo ay may nakaupo nga dun sa may parang waiting shed na gawa sa kahoy at kawayan, pero sa nakikita ko ay bata lang naman ang nakaupo dun, kahit kasi malayo ay nakikita ko na siya dahil nga isa akong werewolf, hindi ko ba alam dito sa kapatid ko kung bakit natatakot eh alam ko namang nakikita din niyang bata lang yun.
"Ano ka ba? Bata lang yan kuya!" sagot ko sa tanong nito na alam na niya ang ibig sabihin, nakalabas na ko sa gubat at sumunod naman si kuya Gelo. "Alam ko! Eh kasi baka magalit ka na naman kapag nagpadalos-dalos ako! Ikaw pa eh lahat nalang ng kilos ko binabatas mo!" Napakunot naman ang noo ko sa sagot nito at nakatikim siya ng malakas na batok mula sakin. "See? Lahat nalang ng gawin at sabihin ko may katumbas na batok mo!" pagmamaktol nito pero hindi ko nalang pinansin at nilapitan ko yung bata.
BINABASA MO ANG
Vampire Legends: The Hybrid
VampireEnter the world of Vampires, Werewolves, Shamans, Witches and other creatures you never thought to exist, and unravel the truth about the Vampires Covered by: EGStryker