A/N:
Bitin na naman to pramis hahaha XD
Third Person’s POV
Kasalukuyan pa ring nagaganap ang laban ng mga representatives mula sa alyansang binuo ng apat na lahi at ng mga nilalang na sumugod sa pool area. Ang bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang laban, maliban lang sa isang lalaking prenteng nakaupo sa unahan ng bleachers habang pinapanood ang laban na nagaganap
“Lei, diba witch ka? Pwede ka bang magmagic ng prop corns? Nakakagutom manuod dito eh” pagtatanong nito kay Lei na abala sa pakikipaglaban sa mga alagad ng necromancer na papunta sa direksyon nila. “Anong tingin mo sakin ha Ean? Genie?” pagtataray nito kay Ean
“Hindi, para sakin mukha kang Sand Witch, Naghahaluncinationing na kasi ko sa sobrang hanger” sagot nito sa tanong ni Lei “Pffftt hahaha, patawa ka talaga, but sorry Ean, pwede akong magpalabas ng pagkain diyan pero baka malason pa kita hahaha” Nakuha pang tumawa ni Lei sa gitna ng pakikipaglaban dahil sa pinagsasasabi ni Ean “Ean, Lei, stay focused! And Ean, didn’t I told you to watch the enemies’ moves? Go do your task” pagsingit ni Shun sa kasiyahan ng dalawa at halata sa kanya ang pagkairita
“Tss, KJ!” pagrereklamo ni Ean “Excuse me, for your information, hindi ako Kill Joy, its just that this is a serious matter and it should be taken seriously, I know na alam mo ang panganib na dala ng laban na to” pagdepensa ni Shun sa sarili, hindi naman talaga siya mahilig sa pakikipagtalo, ngunit pagdating kay Ean ay umiinit ang dugo niya at para bang ayaw niyang magpatalo dito“Guildty ka naman masyado, wala naman akong sinabing Kill Joy at hindi ko alam ibig sabihin nun, Chicken Joy lang alam ko eh, saka Kalamansi Joose sinasabi ko, gutom na nga kasi ko” sagot ni Ean sa sinabi ni Shun kaya lalo lang naasar si Shun “Pfftttt” pagpipigil naman ni Lei sa kanyang pagtawa kaya sinamaan siya ng tingin ni Shun “So-sorry mas-ter” paghingi nito ng paumanhin habang nauutal pa rin dahil sa pagpipigil ng tawa “Tss” huling narinig galing kay Shun at nagfocus na uli sila sa kanilang ginagawa
Magkahawak ang kamay ni Becca at Dee habang tinutulungan sila Misha at Gelo sa pagubos sa mga pawn ng Necromancer na tila walang katapusan, kanina pa sila nakikipaglaban sa mga ito ngunit hindi pa rin sila maubos ubos dahil bukas pa din ang mga portals na pinangagalingan ng mga ito, hindi pa kasi naituturo sa kanila ang pagsasara at paggawa ng portals dahil wala pa sila sa wastong edad para sa ganitong magic. Magkahawak ang kanilang kamay dahil ginagamit nila ang Chanelling Magic, kung saan mapapalakas nito ang magic na gusto nila sa pamamagitan ng paghiram ng lakas ng magic na gusto niya sa kanyang kachannel.
Maraming klase kasi ng magic ang tinataglay ng mga witch, elemental magic, dark magic, light magic, charms,illusions at iba pa. Napiling gamitin ni Dee ang Ice Magic nila ni Becca at fire naman kay Becca, naisip kasi nilang mas dadali ang pagubos nila sa mga ito kung pagyeyelohin muna ni Dee ang mga pawn upang mas madali na itong dudurugin at lulusawin ng apoy ni Becca. Hindi naman sila nagkamali dahil kahit bukas pa rin ang portals ay nagagawa nilang puntiin ang bilang ng mga ito habang tumatagal
“Ate Becca napapagod na ko, hindi naman sila nauubos, kumokonti lang” pagmamaktol ni Dee habang nakatutok ang kamay niya sa grupo ng mga pawn, lumabas naman dito ang malamig na hangin na bumalot sa mga pawn na naging dahilan ng pagyeyelo ng mga ito “Napapagod na nga din ako eh, pero hindi tayo pwedeng sumuko, tingnan mo yung mga kasama natin, pagod na din sila pero lumalaban pa rin sila, kaya dapat tayo din” sagot naman ni Becca sabay bato ng mga lumiliyab na bola ng apoy sa mga kalaban na pinagyelo ni Dee “Sabagay, sana matalo na ni Ate Ana yung Necromancer na yun” dalawang kamay na ang itinaas ni Dee upang mas lumaki ang sakop ng kaniyang mahika “Sandali Dee, delikado yan, baka matamaan mo sila Gelo” saad ni Becca habang ibinababa ang isang kamay ni Dee
BINABASA MO ANG
Vampire Legends: The Hybrid
VampirosEnter the world of Vampires, Werewolves, Shamans, Witches and other creatures you never thought to exist, and unravel the truth about the Vampires Covered by: EGStryker