Chapter 4

366 26 56
                                    


  
  
Jedi's POV
 
 
"JEDI! HURRY UP! YUKI'S WAITING FOR YOU!!" Mom shouted while I'm busy grooming myself in front of the mirror "I'm coming Mom!" I shouted back as I quickly keep my things and started walking through the door. Yuki's already waiting for almost half an hour so I don't want him to wait longer as I already felt ashamed for it, and besides, I'm actually excited for this!
  
 
  
As I have my way downstairs while my hand is in the railings, I saw a smile flashed on Yuki's face so I smiled back. He stood up from the couch and walk towards me "Sorry for making you wait, Yuki" I apologized as he get close to me "It's ok Jedi, Ano, tara na? Baka hindi pa natin maumpisahan" I just smiled and nodded at him then he grabbed my hands to guide me on my last step on the stairs, I am really lucky to have Yuki as my friend, because aside of him being nice, he is also a gentleman and understanding guy
 
 

 Yuki and I are now in the backseat of our car that will deliver us to school. How I would like to just ride Yuki and fly through the sky but people might see us if we hover around on the broad daylight "Jedi, may naiisip ako, lets have a deal" I looked at Yuki as I heard his voice, I just raised an eyebrow as a sign for him to speak up
  
  
"Pustahan tayo kung sinong mananalo mamaya, If I win, you owe me a treat, and it goes the same way for you" Yuki answered, well, not a bad idea! "Deal!" I said accepting the challenge, and about the deal of guessing who will win, he's pertaining to the women's swimming competition hosted by our school, "Ok, I pick Yannie, susuportahan ko school natin" Yeah, Yannie Scross is our school's representative "Then I'll go with the Little Mermaid, Asuna Yuuki's a great swimmer kaya" I said as a matter of factly, Asuna is really great that's why she earned the title The Little Mermaid, she barely lose with swimming competitions
 
 
 
After a while, I felt the car stopped so I looked out of the window just to see that we already arrived at the school. Yuki hurriedly get out of the car and turn to the other side just to open the door for me, "Ano, Tara na?" he said while giving his hand to me so I took it and get out of the car and walk beside him while he is still holding my hand. If you're going to ask what is between us, the answer is we're just best friends, we are just that too close and Yuki's a natural gentleman as I said earlier
  
  
As we enter the pool are where the competition will be held, the swimmers are already in position on the starting point and are just waiting for the signal so we hurriedly find a seat on the bleachers, we easily found a place, because there are only a few people whose whatching here, because there are also other competitions that are being held here such as basketball that took most of the interests of students. After a few minutes, we heard a whistle as a signal that the the battle already started
  
  
The swimmers already started to dive into the water and swimas fast as they can, The Little Mermaid is taking the lead followed by our school's representative Yannie and other participants that I don't know. After passing through the 40m mark, Asuna and Yannie are swimming side by side, it just proved that Yannie's a great swimmer too to keep up with Asuna's pace
 
 
 
"GO YANNIE!! KAYA MO YAN!! SUPORTAHAN KA BA NAMAN NG POGING KAGAYA KO HINDI KA MANANALO??!!"
 
 
 
Without even looking at the guy who shouted, I can tell who he is, He is Shin, the ever overconfident jerk Shin Ryuzu, well I can't blame him though, He actually have the looks but the problem is, it seems that he doesn't know the word serious and embarrassing. I just concentrated at what I'm watching cause Yannie and Asuna really have a hot fight there, well I don't care who will win because I actually like them both but I still feel a little bit nervous maybe because I want to win our deal, I'm still focused at watching until..... Is that an explosion?
  
  
  
  
  
W-what's happening?

  
  
 
=============================================================================
    
  
  
A/N:
 
 
Yow~ hahaha may nagrerequest po kasi na mag-A/N: daw po uli ako sa story, If I remember it right si MaDge_Meggy or si Lilsaint25 ata? haha basta masunurin lang ako kaya nilagay ko to dito XD haha next POV pala tagalog na uli, ubos na ubos na ang dugo ko dito XD katangahan ko kasi, wala naman pala sa form na kailangang English speaking si Jedi dito sa ibang story lang pala XD huli na ng mabasa ko hahaha XD Geh alis na nga ako ng makabasa na kayo XD
  
  
 
=============================================================================
  
  
Misha's POV
  
  
Tahamik lang akong nagmamasid sa paligid habang naglalakad at pinakikiramdaman ang bawat galaw ng mga tao sa aking paligid, nandito ko ngayon sa Blue Moon Academy kasama ang mga representatives mula sa iba't ibang lahi na kasali sa alyansa dahil nandito daw ang aming magiging headquarters, isang Shaman daw ang nagpatayo ng paaralan na ito para lang maitago ang underground headquarters na siya ngang pupuntahan namin dito
 
 
 
Ayon din sa pinuno ng mga light shaman na siyang namumuno sa Alyansang binuo ay papasok na din kami dito bilang estudyante, labag man sa aking kalooban ay hindi ako maaring tumanggi. Hindi kasi ako kumportable na nakikisalamuha sa mga tao, iyan ang bilin samin ni ama, kahit kailan ay hindi kami dapat magtiwala at maging kampante sa mga tao dahil hindi mo malalaman kung ano ang gagawin at kaya nilang gawin, gaya nalang ng ginawa ng mga taong dahilan kung bakit mas tumindi ang pagkamuhi ko sa kanila
 
 
 
"Camisha, kanina pa kita napapansing tahimik diyan, Why you are silencer? di ka gumaya sakin, I am friendsters width the representativators na and where laughering togatherings" pagtatanong sakin ng aking kakambal na si Gelo, tss, panong hindi matatawa yung mga kasama namin eh kung ano anong katangahan ang pinagsasasabi niya? "Hindi lang ako komportable sa lugar na to kuya, alam mo naman kung bakit diba?" gusto ko mang sabihin sa kanya ang nasa isip ko dahil nagmumukha siyang tanga sa harap ng iba ay hindi ko nalang ginawa, wala akong panahon para makipagtalo sa kanya, saka hindi lang naman ako ang tahimik dito eh, sila Synthx, Rave at Azrael din, yeah, alam ko na ang mga pangalan nilang lahat, talagang hindi lang ako mahilig makipagusap sa iba bukod kay Ama, kay Kuya Gelo, kay Ver at sa iba pang mga kasama namin sa loob ng Night Shade Forest
 
 
 
 
"Hanggang ngayon ba Misha ay kinikimkim mo pa din ang galit mo sa mga tao? Wala silang kinalaman sa nagya--" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil alam ko naman din na kung ano iyon, madalas naman na namin itong pagtalunan eh "Walang kinalaman? Hindi pa ba sapat na katibayan ang makita kong walang awang pinatay ng mga tao si Ina? Talaga bang ganun lang kadali sayong patawarin ang mga tao sa pagpatay nila kay Ina?" pasigaw ngunit mahina ang pagkakasabi ko sa kanya dahil baka marinig kami ng mga kasama namin, Mga Bampira nga ang iba sa kanila pero nakakasiguro akong hindi sila nakikinig sa aming usapan dahil abala sila sa pakikipagusap sa isa't isa
 
 
 
"Balang araw Misha, malalaman mo din ang katotohanan, maiintindihan mo din" ang mga huling salitang lumabas sa kanyang labi bago maunang maglakad sa akin, ganyan naman lagi ang sinasabi niya eh, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya maintindihan, ang alam ko lang ay galit ako sa mga tao dahil sa ginawa nila sa aming Ina
 
 
 
 
 
 
"BESPRENNING!!!!" 
  
 
 
Rinig kong sigaw ng isang lalaki habang kumakaway pa sa gawi namin saka tumakbo papalapit, "BESPRENNING!!" dinig kong pagsagot ni Kuya sa tawag nito, So, He's Ean? sa pagkakaalam ko iisa lang naman ang kaibigang tao ni Kuya Gelo eh, and it's Ean
 
 
"Besprenning, why-fi are hear and not there? and the who is them? friendstering mo?" Sht! wala akong naintindihan sa mga pinagsasasabi niya, sa kaniya ba nahawa ng maling English si Kuya? akala ko ba matalino yan? well, ano pa bang dapat kong iexpect? Natural walang magtatangkang magtyaga sa mga katangahan ni kuya kundi isang tanga din, dinig ko namang nagtawanan na naman ang mga kasama ko
 
 
"We are justify strollers hereing, hahaha at who is themS yun besprenning, may S kasi madami sila, oo friendsters ko sila, Ito si Ana, Azrael, Rave, Synthx, Becca, Dee, Yrielle, my twinning Misha at yun naman sina Lei at Shun, ito nga pala si Ean besprenning ko" pagpapakilala ni Kuya Gelo sa amin na gaya ng inaasahan ko ay may halo na namang katangahan, napansin ko namang nakatulala lang si Ean habang nakanganga pa
 
 
"Bakit besprenning? para kang nakakita ng ghosterings?" pagtatanong ni Kuya Gelo kay Ean "I-ikaw? A-anong ginagawa mo dito? Stalkering kita no?" pagtatanong nito habang nakaturo pa kay Shun "H-hoy! Stalker ka diyan, For your information I'm also a student here" nang una'y nautal pa sa pagsagot si Shun ngunit nagawa pa din niyang tarayan ang mga sumunod na salitang binitawan niya "Hoy Shun! hindi mo ko maloloko, kakasabi lang ni besprenning na ikaw si Shun tapos sasabihin mong ikaw si Also? watt you thinker on my? Full? STALKERER!!" haayy... sumasakit ang ulo ko sa mga pinagsasasabi niya, sasagot pa sana si Shun pero bigla nalang kaming nakarinig ng isang malakas na tunog
 
 
 
 
  
 
  
  
 
"EANNNN!!!! BILISAN MO DIYAN!! NAGSISIMULA NA DAW YUNG SWIMMING COMPETETION! BAHALA KA IIWAN KA NA NAMIN NILA KRIS AT JASE!!" sigaw ng isang lalaki mula sa likod ni Ean
 
 
 "I COMERS, JUSTIN!! WAITERING ME!!" sigaw niya pabalik sa lalaking tumawag sa kanya, "Besprenning and friends fries, you warrant washing swimmering competitioning?" pagtatanong sa amin ni Ean, nagkatinginan naman sila na para bang nagtatanong sa isa't isa at saka sila nagtanguan, naguusap pa sila ngunit di ko na pinakinggan, naiirita ko tch! pano kung trap pala to? alam ni Ean na werewolf kami ni Kuya Gelo eh, saka isa pa, gusto ko na ring umuwi, hindi ako mapapantag hanggat nasa teritoryo ako ng mga tao, pero wala na kong magagawa, nagsimula na silang maglakad at wala na kong nagawa kundi ang sumunod, ayoko namang maiwang magisa dito
 
 
 
 
Masaya silang nagkukuwentuhan habang naglalakad patungo sa sinasabi nilang Pool Area kung san gaganapin ang swimming competetion daw, habang ako ay ganun pa din, tahimik na naglalakad habang nagmamasid sa paligid. Maya-maya lang ay nakarating na din kami sa aming patutunguhan ngunit pagbukas palang namin ng pintuan ay sumalubong na samin ang nagtatakbuhang mga tao na sinundan ng isang malakas na pagsabog,
  
  
  
  
Anong nangyayari sa loob?
 
 
 
=============================================================================
 
 
 
Third Person's POV
 
 
 
Katanghaliang tapat at tirik na tirik ang araw ngunit hindi ito alintana ng isang babaeng naglalakbay sa isang disyerto, mga isang oras na din siyang naglalakbay sa disyertong ito at bukod pa dun ang oras na ginugol niya sa paglalakbay mula sa kanyang pinanggalingan hanggang sa disyertong kanyang tinatahak, ngunit tila hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod
 
 
 
Hindi nagtagal ay nakarating na din siya sa kanyang patutunguhan, isa itong malakuwebang nabuo ng malalaking tipak ng bato, napabuntong hininga nalamang siya ng makapasok sa loob nito dahil tapos na din ang kanyang mahabang paglalakbay, nagpalingon lingon siya sa paligid para siguraduhing walang ibang nakakakita sa kanya, kahit na nasa disyerto siya ay mas mabuti na ang sigurado
 
 
 
"διέρχομαιsigaw ng babae habang nasa loob pa rin ng maliit na kuweba, unti unti ay umiikot ang mga buhangin sa kanyang paanan hanggang sa makabuo ito ng isang quick sand, naramdaman na din niya ang kanyang paglubog kaya't pumikit na siya bago pa abutin ng buhangin ang kanyang mga mata (Original Greek Word po yung sinabi niya, sa story po na to it works as a spell or passcode, It is read as dierchomai meaning "to go through" XD)
 
 
 
Nang tuluyan siyang lumubog sa buhangin ay bumagsak siya sa isang underground tunnel, hindi na siya nagsayang ng oras pa at tinahak na niya ang mahabang tunnel, marami siyang pintong nadadaanan ngunit nilalagpasan niya lamang ito, hanggang marating niya ang dulo nito at sa harap niya ay isang malaking pintuan, kumatok siya sa pintuan ng tatlong beses sa kaliwang parte ng pintuan at dalawang beses sa kanan at kusa ng bumukas ang pintuan
  
  
 

Pagpasok niya ay tumambad sa kanya ang isang kuwartong nababalot ng ginto, ang mga haligi, kasangkapan at kagamitan dito ay gawa sa ginto, kapansin pansin din ang tatlong magagarbong trono sa dulo nito, pinagigitnaan ng dalawang upuan ang pinakamagandang upuan ngunti hindi gaya ng trono sa kanan at kaliwa nito ay bakante ang tronong nasa gitna
 
 
 
"Magandang araw aking Panginoon, ipinatawag niyo daw po ako" pagbibigay pugay niya sa lalaking nakaupo sa kanang upuan, at lumuhod gamit ang kanyang kanang tuhod sa harap nito, Kumapara sa lalaking balot ng itim na tela sa katawan na nakaupo sa kaliwang parte ng kuwarto ay mukhang Normalna tao lang kung titingnan ang lalaking kasalukuyang sinasamba ng babae
 
 
 
 
 
"Silver Penderghast, the time has come, isagawa mo na ang trabahong iniatas sayo matagal na panahon na, kailangan mo na itong magawa sa lalong madaling panahon, umaasa akong nasasaamin pa din ang iyong katapatan at hindi sa Ravencrest" pagbibigay alam ng lalaki kay Silver sa kanyang pakay kaya't pinatawag niya ito
 
 
 
tumayo na siya mula sa kanyang pagkakaluhod at yumuko bilang pagbibigay uli ng galang sa kanyang tinuturing na panginoon habang sinasabi ang mga katagang...
 
  
 
 
"Makakaasa kayo, aking Panginoon"
  
  
  
=============================================================================
  
  
A/N:
  
  
Kamusta ang Update? Lame ba? kung oo sisihin niyo ang Fairy-Tail Online dinidistract kasi ako, ito yung site oh ft.o4games.com nasa external link siya hahaha nagpromote pa XD Hahahard ni Misha kay Gelo, puro katangahan ang nabasa ko hahaha XD hahaha mahaba pa sana to eh, kaso baka mamental block na naman ako sa susunod na UD kapag binuhos ko na dito lahat XD hahaha medyo mahaba naman eh, ata? XD

Vote and Comment guys

Dedicated to FaithHopeLove21 as Jedidiah Manzano or Jedi
 
 
Jedidiah Manzano at the multimedia =====> 
 
 
~Kirito

Vampire Legends: The HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon