Chapter 1

37 5 8
                                    


"Trainees, gather around here!" rinig kong sigaw ng head nurse sa 'min.

Kinuha ko naman ang kit kong naglalaman ng mga gamit at saka pumila kasama ang mga trainee na nurse gaya ko. Lahat kami ay nakasuot ng puti na kadalasan sinusuot ng mga nurse sa hospital. Mayroon namang stethoscope ang head nurse na nakatayo sa aming harapan.

Sabi ni mama, kailangan ko munang kumuha ng kahit ano sa college like nursing bago ako magsimula sa pagdo-doctor. Kaya naman ngayon ay isang taon na lang ang kailangan ko.

Kahit naman sa 'min itong hospital ay kailangan kong magsimula sa umpisa. Ayokong dahil sa kanila ang hospital na ito ay ite-take advantage ko na o hahayaan na bigyan ako ng special treatment. Ang dami kayang nagpapakahirap na makapasok dito, 'tapos ako, sitting pretty lang?

Kaya naman dahil din doon, ilan sa kanila ang walang alam na pag-aari namin ang hospital na ito. Tulad na lang ng mga mas nauna sa 'ming mag-training. Tanging ang mga kaibigan ko lang at ang head nurse ang nakakaalam na anak ako ng may-ari nito.

Hindi naman sa tinatago ko pero wala naman kasing nagtatanong, bakit ko ipagkakalat? Isa pa, ayoko ng exposure sa iba. Minsan kasi kapag nagkamali ako 'lagi na nilang pupunahin and all eyes on you! Nakakatakot lang.

Ngayong araw naman ay nasa isang camp kami rito sa Norzagaray para tulungan ang mga varsity na lalaro sa ibang bansa at ipaglaban ang karangalan ng mga pilipino.

Lalaro kasi ang isang school sa isang bansa at ang laro ay tennis. Hindi ko pa sila napapanood maglaro pero alam kong magagaling sila. Imposible namang makapasok sila sa isang international tournament nang dahil sa wala, hindi ba?

Nakapanood na rin ako ng mga match sa TV na mga ibang bansa ang naglalaro at alam kong iba na ang laro sa ibang bansa kaysa laban lang sa pagitan ng mga pinoy. Tiyak na marami na silang experience sa pakikipagtunggalian kaya hindi magiging madali sa kanila ang laro.

Makakatulong din sa kanila ang magiging training nila rito para mas lalo pa silang maging mas magaling. Panonoorin namin kung paano isinasagawa ang mga training, at bilang mga nurse, nandito kami para tiyaking hindi sila magtatamo ng anumang injury.

"Ilang minuto na lang ay darating na ang mga player. Kailangan natin silang i-check up lahat at alam niyo na kung ano ang unang itatanong. Pagkatapos nito ay ie-evaluate namin ang performance ninyo at ibabatay sa mga makakasama sa kanila sa ibang bansa," patuloy nito.

Halos pumalakpak naman ang tainga ko dahil sa narinig. Sa pagkakaalam ko kasi ay sa Japan maglalaro ang school na ito kung saan kilala rin sa mga palaban na baseball players.

Talagang pulido silang lahat dahil bawal ang lalampa-lampa sa game na ito. Nakaka-excite naman panoorin ang mga training nila araw-araw. Ilang buwan kasi kaming mananatili rito. Tiyak na marami akong mapapanood sa kanila, at marami rin akong matututunan.

Hindi ako mahilig sa sports pero simula no'ng napagpasyahan kong maging nurse ay nagkaroon na ako ng interes sa kanila. Mukha kasing masaya! Isa pa, nurse ako kaya kailangan kong malaman kung paano sila gagamutin kung sakaling ma-injured sila.

"Alam niyo ba, guys, nandito rin 'yong matalinong estudyante sa school na 'to. Hindi lang sa academics lumalamang kung hindi pati na sa sports na tennis. Ihh! Hindi ako makapaghintay na makita sila!" bulong sa 'kin ng isa sa mga kaibigan ko.

Natawa na rin itong ibang nakarinig dahil sa sinabi niya. Paniguradong pati sila ay sabik na rin silang makita. At aaminin kong isa ako sa kanila. Wala namang makakasisi sa 'kin. Ga-graduate na ako at lahat pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend ever since. Minsan napagkakamalan na akong tomboy dahil doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Joanna TenorioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon