Odd Love - 4

11 0 0
                                    

Aubrey's POV

"Haynako, Nic. Sabi ko na nga ba eh. Ayan tuloy, lumala pa yang sakit mo sa pagtanggi mo." may lagnat kasi si Nic. Ako ngayon ang nag-aalaga sa kanya. Ayaw niya daw ipaalam kay Ate Nica at kay Mama yung sakit niya eh.

"Eh wala naman talaga 'to. At isa pa,natakot kasi ako kay Ate nung tinutok sakin yung bwisit na cutter na yun! Kaya eto. Lagnat inabot ko." sabi ni Nic na nakahiga.

"Bakit ayaw mo ipaalam kahit kay Mama nalang?"

"Masyado nang madami iniintindi nun. Ayoko ng dumagdag pa." -Nic

"Huhuhu. Nakaka-touch naman yang sinabi mo. You really care about Tita. Huhuhu." di ako umiiyak ah! Acting lang yan. Haha.

"Baliw ka!" -Nic

"Mas baliw ka 'no!" -ako.

"Nahawa lang ako sayo!" -siya

"Pero mas baliw ka pa din!"

"Ikaw ang pinaka-fgjjyipbgcfdx" tinakpan ko yung bibig niyang maingay.

"May sakit ka na nga, nakuha mo pang makipagtalo. Kakaiba ka. O, eto. Uminom ka muna." sabi ko habang inaabot sa kanya yung tubig.

Kinuha naman niya. Pero biglaan. Ang haras din nito eh. At ayun na nga. Ininom na niya.

Nagpaalam naman na ako na pupunta na ako sa baba. Hinihintay ako ni Mama eh.

Pati na din pala siya.

Bumaba na ako at pumunta na sa table. Nagtanong agad si Mama kung nasaan si Nic.

"Uhm. K-kasi po, dun nalang daw siya kakain. Dadalhan ko nalang po siya dun. Saka po ako bababa." paliwanag ko.

"But I told you about the sharp thingy if he refus--"

"Yun nga Ate. Takot siya bumaba dahil sayo. Mukhang natrauma. Pabayaan mo nalang. ^_____^" sabi ko. Nag-agree nalang din si Ate Nica pati si Mama.

Kumuha na ako ng tray at nilagay na dun yung food na para kay Nic. Maid lang ang peg. =____=

Pasaway kasi. Kaya pala siya, nakataklob ng kumot kanina. Akala ko, nababaliw na eh. -___-

Nakita kong nakaupo na si Nic dun sa sala. Muntik na nga matapon yung pagkaing dala ko dahil sa gulat. Akala ko kasi nandun siya sa kwarto.

Lumapit ako tsaka ako bumulong.

"Bakit ka nandito?! Dadalhan pa naman kita ng pagkain dun. Nagpalusot pa nga ako eh."

"Wala naman akong sinabing magpalusot ka at dalhan ako ng pagkain dun eh. At isa pa, di ako gutom." pagkasabi niya nun, nilabas niya sa bulsa niya yung PSP.

Grabe talaga 'to. May lagnat na nga. Nakuha pang maglaro.

"Diba dapat nagpapahinga ka? At kailangan mo ding kumain para makainum ka ng gamot!" nagmumukha tuloy akong personal nurse. -___-

"Busog pa nga ako. Tsaka ayos na ako." -Nic

Hinawakan ko ulo niya pero, mainit pa din!

"Anong ok na?! May lagnat ka pa oh! Tara." sabi ko sakanya. Bumubulong pa din ako ah. Medyo pasigaw lang.

Hinatak ko siya pero nagpupumiglas pa din. Yung tray, sinet aside ko muna.

"I INSIST!" sabi ko habang hinahatak pa din siya.

"Ayaw! Kung gusto mo, ikaw nalang humiga dun!" ah ganun?! You really refuse???

*ting! (bright idea)

Umakyat ako sa taas. Iniwan ko muna dun sa table sa sala yung tray. Kinuha ko sa kwarto yung sharp thingy! Bumaba na agad ako pagkakuha ko.

"Ano nanaman ba?!" tanong niya.

"I said, I insist! Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo!!!" sabi ko habang hinahatak pa din siya.

"Eh! I said, I don't want! Ayaw ko!" hindi talaga siya mapilit. Tsk. I have no choice!

"Diba gusto mo?? ^_____^" sabi ko habang tinututok sa kanya yung cutter ko. :D

"A-ah.. O-oo. S-sabi ko nga. Gusto ko. H-hehe. Tara na." tumayo na siya at naglakad pataas.

Labag sa kalooban ko yung ginawa ko pero, ang kulit eh! I did it even though alam kong baka lumala yung lagnat niya.

Kinuha ko na nga yung tray at umakyat na din. Pagka-akyat, nakita kong nakahiga na dun si Nic at naka-kumot. Haha. Masunurin pala 'to pag tinatakot eh.

"Oh! Kain na." nilagay ko sa side table yung tray.

"Opo. =____=" sabi niya sabay upo.

"Pagka-kain mo, inumin mo yang paracetamol na yan ah. Una na 'ko sa baba. Babalik ako within 20 minutes." paalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Subuan mo'ko. Nanlalambot katawan ko eh." -Nic

"Nanlalambot. Mga palusot mo, Nic. Nakukuha mo pa ngang maglaro ng PSP eh. Ikaw na. Di pa ako kumakain eh." paalis na sana ulit ako pero pinigilan niya ulit ako. -_______-

"Please??" pagpipilit niya with matching puppy face. Haay. Kabaliwan ng taong 'to! Pero ang cute. ^3^

Di na din masama kung susubuan ko ang isang pasaway. =___=

"Ugh! Fine!" tapos sinubuan ko na siya. Patapos na sana pero may nangyaring nakakarimarim.

Patapos na eh! Patapos na talaga eh! Humabol pa. =_______________=

Odd Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon