Odd Love - 13

11 0 0
                                    

Aubrey's POV

Buong gabi ako nakatutok sa laptop ko at nagmukmok sa room ko. T_______T

"*yawn* Ano ba yan. 9 palang, antok na agad ako. Haaay." -ako

*knock knock knock

"Sino yan?" tanong ko sa kumakatok.

"Nica. Are you alright? I brought you the dinner." -Siya

Bumaba na ako sa laptop at pinapasok siya. Nilagay naman niya yung tray sa side table.

"Is everything fine? I heard you sobbing awhile ago. And why didn't you eat with us?" tanong niya.

Anong isasagot ko? Dahil sa fishballs? Para naman akong bata.

-____-

"W-wala lang Ate. May nabasa lang ako kanina sa wattpad na nakakaiyak. Tapos, sumama pakiramdam ko kanina kaya di ako nakasabay. Pero ok na naman ako. ^___^" sagot ko.

"Sure?" -Ate Nica

"Opo."

"Alrighty. I'll go ahead. Eat the food, ok? That's a blessing. ;)" tapos umalis na siya.

Pagkatingin ko sa tray...

"ADOBO?! Waaahhh!! Lagoot ka sakin ngayon. Mwahahhaha-- *cough cough* Psh. Ok. Sige. Kainan na!"

Naubos ko nga. Bawing bawi yung fishyballs ko dun! Hahaha!

Inayos ko na yung baso at plato na ginamit ko dun sa tray at binuksan yung pinto at..

"AY KALABAW!" muntik na malaglag yung tray sa sobrang gulat ko dahil sa nakita kong pagmumukha sa harapan ko.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad ang isang mukhang kumain ng fishyballs ko. =____=

"A-anong ginagawa mo sa may pinto ko? Siguro sinisilipan mo 'ko ano?" tanong ko na hawak parin yung tray.

"Hoy, kapated. Mahiya ka nga. Ano naman ang sisilipin ko sayo. Adik na adik ka talaga. As in super adik!" sagot naman niya.

"Eh ikaw naman, super duper extreme baliw! Bakit ka nga ba kasi nandyan, ha?!" tanong ko sa kanya.

"Ehhh... Ibibigay ko sana sayo 'tong bili kong fishballs kaso, tinawag mo akong baliw. KAya binabawi ko na. *subo isang fishball* Hmm. Ancharap!" Aba, iniggit pa 'ko. Hmp. Nakakain na ako ng adobo 'no! :P

Nilampasan ko nalang siya at binaba na yung tray sa kusina. Hinugasan ko na din yung mga ginamit ko. Tinignan ko yung oras.. 12 na?! Ganun ba ako katagal kumain?

Teka.. Kung 12 na.. San siya nakakuha nung fishballs??? ~___~

Umakyat na ako sa room ko at nilock yung pinto at..

"AAAHHHHHHHH!!! MAGNANAKA-- NIC?!"

"Hi kapateeed!"

Nakita ko lang naman si Nic na nakaupo sa kama ko habang ginagamit ang laptop ko. Pero.. alam kong may password yun at mahirap hulaan! Bwahaha!

"Ano nanaman ba kailangan mo?" binuksan ko yung pinto. "Lumabas ka na! Ngayon na! Madaling araw na oh! Matulog ka na!"

"Teka. Hinuhulaan ko pa password nito eh. Binigyan na naman kita ng fishballs eh." -Nic

"Alam mo ba kung anong oras na?! Tapos may balak ka pa mag-laptop? Mag-PSP ka nalang dun sa kwarto mo kung di ka pa inaantok. Dahil ako, inaantok na. Kaya lumabas ka na!!!" sigaw ko.

"Oo na. Oo na. Basta bukas, pahiram ng laptop aa? Promise yan." sabi niya sabay labas ng kwarto.

"Wala akong pinopromise!" habol ko tas sinarado ko na yung pinto at humiga na. Sinarado ko na din yung laptop at natulog na.

Kinabukasan sa school..

-Lunch Break-

"Umaygash guurl! Di na talaga ako pupunta dun. Ang scaryy. Pero buti nalang dumating si Night and Shining armor natiiin! Kyaaaahh!! Kinausap nya ako. A dream come true!" dakdak ni Eve na kumakain.

"A dream come true your face. Hayop yun. Kinain nya fishyballs ko. Pero binilhan niya naman ulit ako. Eh diba nga, bawal tumanggi sa biyaya. Kaya kinain ko. Hmp. Hayop talaga yun." sabi ko habang kumakain din.

" Maka hayop ka. You don't treat your kapated este cousin nice. Ay naku. Bad yan! *chomp* Uy. Speaking of!! Papalapit sya sakin! Ayy.. Sayo pala. -_____-

"Good Morning kapateeeed!" sigaw ni Nic. Tss. Kapal!

"Anong good sa morning? Bad na, kasi dumating ka." sabi ko sa kanya habang nakatalikod.

"Grabe ka kapated. Ahuhuhu. Uy, kaibigan ni Alison. Inaaway ako oh." sabi niya sabay upo sa tabi ni Eve.

"Ahh. E-ehh. Alison, e-este Aubrey. W-wag mo na naman awayin k-kapated mo. Ahihihihi." sabi ni Eve na nangangamatis na ang mukha sa sobrang kilig.

Teka. Nabanggit ko ba sa inyo na campus crush slash hearthrob yang pinsan ko? Aba! Proud na proud nga ako dyan eh! Haha. Pero di lang sya ang campus crush slash hearthrob. Pati yung 2 nya pang kabarkada.

Mabalik tayo.

"Oy. Eve. Please. Kahit ngayon lang. Wag mo muna pairalin ang kalandian. At ikaw Nic. Bumalik ka na kung san ka nanggaling." sabi ko.

"Hindi na ako kakasya sa tiyan ni Mama. ^________^" pagloloko niya.

"Ah, ewan ko sayo! Pagkasyahin mo sarili mo! Tara na nga, Eve. Nawalan na ako ng gana." sabi ko sabay hila kay Eve.

Sinundan naman kami nitong si Nic at sorry ng sorry. Alam ko namang gusto niya lang gamitin yung laptop ko ee. =____=

Pumasok na kami sa room. Susunod pa sana si Nic sa loob pero sinaraduhan ko na siya.

Pagkalingon ko sa klase, lahat sila mukhang gulat. At parang alam ko na kung bakit.

Nagkaroon ng silence.. Maya-maya, may nagbukas ng bintana at may lumabas na ulo mula sa labas. Ulo ni.. Nic?! Baliw ata talaga 'to eh!

"SORRY NA AUBRIANNA ALISON BUSTAMANTE! PLEASE?" sinigaw niya yan. Takte. Nakakahiya.

"Oo na! Pumasok ka na sa room mo!" sigaw ko sa kanya.

"Wahh! Thank you! I love you talaga!" tapos umalis na. Hindi man lang sinarado yung bintana. Tsk!

"G-guurl. I'm so naiinggit sayo. Wah! Sabihan ka ba naman ng I love you. Ajujuju!" arte ni Eve.

"Tss. Ibang I love you yun Eve. Tara na nga. Upo na tayo." umupo na nga kami pero narinig namin yung nag-chichismisan.

"Grabe! Akala ko mag-pinsan yan?"

"Oonga. Mag syota na pala!"

"Parang... kadiri?"

"Yuck!"

"Sweet na sana eh."

"Tama!"

"Hoy kayong mga achuchurot. Magbubulungan nalang din kayo, hinaan niyo! Hindi yung parang nakalunok kayo ng microphone. And F.Y.I.. Hindi sila mag-syota. Baket?! Di na ba pwede mag- I love you ang mag-pinsan? Kayo kasi mga ahas na panget na chismosa! Inggit lang kayo sa beautiful face ng aking bespren!" saway ni Eve sa kanila.

"Echosera kang Eba ka ah! Porke kaibigan mo ang pinsan ng aming ultim crush eh pagsasabihan mo na kami ng ganyan! Sabunutan kita dyan eh!" sabi naman nung isang chubby.

"Sure, why not?! Di kita uurungan!" pero pinigilan ko na agad si Eve.

"Pasalamat ka, pinigilan ako ng bespren ko. Kung hindi, makakalbo ka ng di oras." -Eve

"Stop it, please!" sigaw ko.

"Tara na guys. Lumayo na tayo sa makasalanang ebang yan." sabi nung chubby na parang leader ata nila.

"Aba!" susugurin na sana ni Eve pero pinigilan ko ulit siya.

"You should not do that. Upo ka na." sabi ko sa kanya.

Umupo na siya at naghintay mag-uwian.

Odd Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon