Odd Love - 7

11 0 0
                                    

Aubrey's POV

Nandito ako ngayon sa garden. Sa may likod ng bahay. Dito ako dinala ng aking mga paa eh.

Naglalaro nalang ako ng CCS sa cp ko habang nag-sswing. Ang boring. =_______=

"Hi Kapateed!" sigaw ni Nic sabay akbay sakin. Nagulat nga ako eh. Ano nanaman kaya trip nito?

"Anong kapated? Hoy, magpinsan lang tayo. Wag kang assuming." sabi ko habang di tumitingin sa kanya at naglalaro pa din.

"Assuming agad?? Grabe ka. Nalaman ko kasing 'sis' ang tawag sayo ni Ate. Tapos tawag mo kay mama ay mama na din. Kaya, kapated na tawag ko sayo! ^____^" sabi niya.

"Eh bakit hindi nalang sis?" tanong ko.

"Nakakabakla. =___=" Haha. Oo nga 'no?

"Edi parang kambal lang tayo." sabi ko. Hindi pa din ako tumitingin sa kanya.

"Parang ganun na nga? Mas matanda pa din ako sayo ng one month!" sabi niya. April 12 kasi bday ko. Siya naman, May 12. Parehas 12! Haha.

"Oo nalang... Ay! Ano ba yan!" bigla kasing na-lowbat yung cp ko. Di pa'ko tapos maglaro ehh. T______T

"Haha. Kawawa." sabi naman ni Nic na pinapat yung ulo ko na parang aso.

"Heh!" tumayo na ako at pumasok sa loob at pumunta sa sala. Nanood nalang ako at chinarge yung cp ko.

"Uy. Uy. Sorry na! Uy." si Nic na nangungulit habang tinutusok tusok yung tagiliran ko.

Siguro, may plano 'to. Oh kaya, may gusto. Psh.

"Dali na! Please?? Please, kapated??" pangungulit pa din niya habang nag-pupuppy eyes.

"Nic! Nakakakilabot yang mukha mo." sabi ko habang nililipat yung channel.

"Tss. Wala ka nang awa. Hmp." tumigil na din siya. Pero nag-pout naman siya na parang bata.

"May kailangan ka 'no?" tanong ko. Tumango naman siya. "Ano naman yun?"

"Pahiram ng laptop! Ayaw ako pahiramin ni Mama eh! Sige na! Tatapusin ko lang yung binabasa kong manga!" sabi niya habang hinahatak yung t-shirt ko.

"Eh! Bitiwan mo nga t-shirt ko. Pag 'to nasira. Hmm.. Pag-iisipan ko." sabi ko tas nagkunwari akong nag-iisip.

Nic's POV

"Sige." sabi niya.

"T-talaga??" pag-coconfirm ko.

"Sa isang condisyon." sabi niya tapos ngumiti na parang may pinaplano.

Haay. Ayoko ng ngiteng yan.

"Sasayaw ka ng Gwiyomi! ^______^" aba!

"A-ano?! Wag naman yun! Iba nalang!" pagkokontra ko.

Pero mapilit siya eh. 

"Sasayaw ka ng Gwiyomi o kakantahin mo yung batibot with matching actions? Pili ka."

"Wala. Iba nalang! Wag yun. Kapated naman eeh!" =____=

"Oh, sige. Punta ka nalang computer shop." sabi niya sabay tingin sa t.v.

Nakakabwisit naman 'to. Ayoko ngang lumabas eh. Tsaka nag-iipon ako.

"S-sige. Gwiyomi nalang." sabi ko. No choice eh.

"Teka. May kukunin lang ako." umakyat siya sa taas.

Ano naman kaya yun??

Maya-maya.. What the F???

"Kapated! B-bakit ka may dalang video cam???" oo. May dala siyang video cam. At mukhang alam ko na ang gagawin niya dun. -_____-

"Basta. Galingan mo sumayaw ah?? One, two, three, GO!" tapos pinlay niya na yung music habang vinivideohan ako.

Pangbakla ang wala! Pero sumayaw ako. Pero parang walang gana. Tsk! Grabe talaga 'to mag-higante.

"Pffftt--Hahahahahahhahahahaha!! O-ok na. P-pffft. Hahaha. Ayos yun, Nic!" pinatay na niya sabay akyat sa taas. Pero hinabol ko.

"Hoy! Pahiram ng laptop!" pumasok na siya sa kwarto niya. Papasok na sana ako, pero aba! Nilock!

Kumatok ako ng kumatok. Tapos naririnig ko lang siyang tumatawa.

"T-teka..Hahahaha! Ma-mamaya." sabi niya. Edi hinintay ko nalang siya. Parehas silang nakakabwisit ni Ate. =______=

Pero mas gusto ko si Alison 'no! Kesa naman kay Ate na parang walang konsensya kung maghiganti. :P

Bumukas na yung pinto. At lumabas siya na parang nagpipigil ng tawa.

"Pffft. Ehem. E-eto na. Pfft. Haha." sabi niya habang binibigay yung laptop niya.

"Ano bang ginawa mo sa loob?" tanong ko with curiosity.

"A-ahm. Wala naman. Binuhos ko lang yung. Pfft. Tawa ko. Hahaha. Sige, chupi." tinulak niya na ako papalayo. Pero naririnig ko pa din siya tumatawa. Adik yun.

Pumasok na ako sa kwarto. Binuksan ko na yung laptop pero, sh*t! May password! Adik talaga yung babaeng yun! Bwiseeet!

Odd Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon